Kamakailan ay nagkaroon ako ng pribilehiyong maging bahagi ng isang kumperensiya sa Biblia tungkol sa paksa ng gantimpala at Hukuman ni Cristo. Nagtuturo ako tungkol sa Parabula ng Mga Talento sa Mat 25:14-30. Ang parabulang ito ay minsang kontrobersiyal dahil dito mariing sinaway ng Panginoon ang isa sa Kaniyang mga lingkod. Ang resulta, marami ang nagsasabing ang lingkod ay hindi mananampalataya.
Ang saloobing ito ay malinaw sa mga komentong binitawan ng isa sa mga dumalo. Sinabi kong ang sinaway na lingkod ay isang mananampalataya, at ang parabula ay nagtuturo sa ating ang mga hindi tapat na mananampalataya ay mapapahiya sa Hukuman ni Cristo. Ang mananampalatayang ito ay ay maiwawala ang walang hanggang gantimpala at mararanasan ang galit ni Cristo.
Isang dumalong babae ang mariing nagsabing hindi ito posible. Ito ang kaniyang pakiramdam kahit binigyang diin ko na ang sinaway na mananampalataya ay mayroon pa ring buhay na walang hanggan at nasa kaharian kailan pa man. Sa kaniyang pananaw, ang “tunay” na mananampalataya ay hindi kailan man masusumpungan ang kaniyang sarili sa ganitong sitwasyon. Hindi kailan man tatratuhin ng Panginoon ang Kaniyang mga anak sa ganitong paraan. Sinabi Niyang ang mabiyayang Panginoon ay hind magkakaroon ng matuwid na galit sa isang Cristiano. Siya ay puno ng biyaya. Kapag nakita natin Siya, Siya ay puno lamang ng mga positibong bagay na sasabihin.
Samantalang ang ganitong pananaw ay nakagagan sa ating pakiramdam tungkol sa ating ebalwasyon sa hinaharap sa Hukuman ni Cristo, ito ay hindi Biblikal. Malaking bahagi ng BT ang nagsasabi sa ating ang ilang mananampalataya ay tatanggap ng mainit na pagsaway mula sa Panginoon (hal 1 Juan 2:28). Magbibigay sulit tayo kung paano natin Siya pinaglingkuran (2 Cor 5:10). Hindi tatratuhin ang tapat na mananampalatayang kapareho ng hindi tapat na mananampalataya. Ang isang matuwid na Hukom ay hindi gagawa nito.
Gusto rin nating ipunto na kahit ang mga magulang natin sa lupa ay minsang hindi natutuwa sa kanilang mga anak. Ang “tunay” na anak ay makagagawa ng mga bagay na hindi sang-ayon ang kaniyang magulang. Ang mabuting magulang ay aalisin ang mabubuting bagay sa kanilang mga anak kung ang mga ito ay suwail. Totoo ito kahit sila ay nananatiling mga anak ng kanilang magulang.
Subalit sa maraming pagkakataon, ang mga ganitong argumento ay hindi nakakakumbinse sa mga tao. Ang mga tao ay may konsepto tungkol sa Panginoon at hindi sila handang baguhin ang mga ito. Ang mga prekonsibong nosyong ito ay mahirap isantabi. Totoo ito sa lahat sa atin.
Ngunit sa kasong ito, maaaring makatulong na ikunsidera kung paano tinrato ng Panginoon ang mga mananampalataya habang Siya ay nabubuhay sa lupa. Siya ba ay nagalit nang may katuwiran kapag ang Kaniyang mga anak ay nagpapasaway? Kung oo, magbubukas ito ng posibilidad nag anito rin ang Kaniyang gagawin kapag tayo ay humarap sa Hukuman ni Cristo.
Sa Marcos 10:14, makikita natin ang halimbawa nang si Cristo ay hindi natuwa sa mga mananampalataya at mariin Niyang ipinakita ang Kaniyang pagkainis sa kanila. Ang mga mananampalatayang alagad ay nangangailangan ng pagbabago ng saloobin. Mayroon silang pakiramdam na superyor laban sa isang mananampalatayang kanilang minamaliit (Marcos 9:38). Pagkatapos, hindi nila maunawaan kung bakit silang mga lalaki ay hindi maaaring tratuhin ang isang mga babae bilang imperyor sa isang kasal (10:10). Agad pagkatapos nito ay ang dayaming bumali sa likod ng isang kamelyo. Tinrato ng mga alagad ang mga bata nang may kaparehong paghamak. Dinala ng mga magulang ang mga bata sa Panginoon upang Kaniyang pagpalain, ngunit tinaboy sila ng mga alagad. Sa kanilang pananaw, ang mga batang munti na ito ay walang halaga na uubos lamang ng kanilan oras (10:13). Mataas ang tingin ng mga alagad sa kanilang sarili. Dapat mas maalam sila kaysa rito.
Paano tumugon ang Panginoon sa kanilang mga gawa? Ang Panginoon ay “nagdalang galit” sa kanila. Ang salitang nagdala (malaking galit) ay wala sa orihinal. Ito ay dinagdag upang ihayag ang nais ipahiwatig ng Griyegong pandiwa. Ang pandiwa ay nangangahulugang magalit dahil sa maling ginawa. Ang Panginoon ay nagalit ng malaking galit sa kung paano tratuhin ng mga alagad ang ibang tao. Nang makita Niya ito, Kaniyang sinaway sila.
Hindi ba’t ganito rin ang mangyayari sa Hukuman ni Cristo? Kapag sinuri ng Hari ang ating mga buhay, paano kung mamasdan Niya sa atin ang ganitong uri ng saloobin? Paano kung may ibang masasamang mga gawain ang naglalarawan sa ating mga buhay? Hindi ba’t ang mga bagay na ito ay magiging dahilan upang Siya ay “magdalang galit” laban sa atin?
Habang pinagninilayan natin ang araw na tayo ay magbibigay sulit sa Panginoon, maaari tayong makasumpong ng kaaliwan sa kaalamang anumang ating ginawa para sa Kaniya ay tatanggap ng gantimpala at ng Kaniyang aprubal. Ngunit huwag nating lokohin ang ating sarili. Ang matuwid na Hari ay hindi pupurihin ang mananampalatayang hindi gumawa ng mga bagay na Kaniyang inutos. Maaaring labag ito sa ating iniisip, ngunit Siya ay “magdadalang galit” laban sa ganitong pamumuhay.