Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Pinabubulaanan Ba Ng Mateo 6:14-15 Ang “Minsan Maligtas, Ligtas Kailan Pa Man?

Pinabubulaanan Ba Ng Mateo 6:14-15 Ang “Minsan Maligtas, Ligtas Kailan Pa Man?

July 9, 2024 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Sapagka’t kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan. Datapuwa’t kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan. (Mateo 6:14-15).

Isang grupo ng mga iskolar sa Biblia at mga pastor ang kamakailan ay naglabas ng isang dokumentaryong may pamagat na Minsan Maligtas, Ligtas Kailan Pa Man, na may linyang ekis sa mga salitang Ligtas Kailan Pa Man. Mapapanood ninyo ito dito. Sinasabi nilang ang Biblia ay nagtuturong ang kaligtasan ay naiwawala sa tuwing ang mananampalataya ay walang pakikisama sa Diyos.

Si Dr. David Bercot ay isang awtor at historiador ng iglesia. Sa video, sinipi niya ang Mateo 6:14-15 upang patunayang naiwawala ang buhay na walang hanggan. Narito ang transkrip ng kaniyang sinabi:

“[Sinabi ni Jesus} ‘Sapagka’t kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan. Datapuwa’t kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.’ (Mat 6:14-15).

Ngayon kung ang minsna maligtas, ligtas kailan pa man ay totoo, ang pahayag na ito ay huwad. Sapagkat nangangahulugan itong tayo ay tatanggapin sa langit kahit hindi natin pinatawad ang iba sa kanilang mga pagsalangsang” (51:50-52:16).

Pansinin ang hindi natin makita sa Mat 6:14-15. Hindi natin makita ang mga salitang buhay na walang hanggan, kaligasan o pag-aaring matuwid.

Ang nakikita natin dito ay ang pangakong kapag hindi natin pinatawad ang iba, hindi rin tayo patatawarin ng Diyos.

Iniisip ni Dr. Bercot at ng ibang iskolar na lumahok sa dokumentaryong ito na ang kawalan ng pakikisama sa Diyos ay nangangahulugang maiwawala mo ang iyong kaligtasan.

Iniisip ninyo bang kapag kayo ay walang pakikisama sa Diyos, wala na kayong buhay na walang hanggan?

Naiwawala ba ng mga mananampalataya ang kanilang kaligtasan kapag sila ay walang pakikisama sa Diyos?

Ang mga salitang patawarin at kapatawaran ay masusumpungan ng pitumpong beses sa BT. Ang mga ito ay mga salita ng pakikisama. Hindi sila katumbas ng pag-aaring matuwid o ng buhay na walang hanggan.

Ikumpara ang Mat 6:14-15 sa 1 Juan 1:7,9:

Nguni’t kung tayo’y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa’t isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan (1 Juan 1:7, may dagdag na diin).

Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan (1 Juan 1:9, may dagdag na diin).

Pansining may dalawang kundisyon sa kapatawaran ng ating mga kasalanan at sa ating kalinisan: 1) Kailangan nating lumakad sa liwanag. 2) Kailangan nating ipahayag ang ating mga kasalanan.

Ang Mat 6:14-15 ay hindi ikatlong kundisyon para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Ito ay bahagi ng paglakad sa liwanag. Habang tayo ay lumalakad sa liwanag, pinapatawad natin ang mga nagkasala laban sa atin, at patatawarin tayo ng Diyos. Mabibigo lamang tayong patawarin ang mga nagkasala laban sa atin kung tayo ay lalakad sa kadiliman.

Ang paglakad sa liwanag at pagpahayag ng ating mga kasalanan ay hindi kapareho ng pananampalataya kay Jesus, na siyang nag-iisang kundisyon ng buhay na walang hanggan (hal, Juan 3:16).

Kailan man ay hindi natin narinig ang Panginoon na magsabi, “Ang sinumang lumalakad sa liwanag ay may buhay na walang hanggan at hindi kailan man mapapahamak.” Hindi rin Niya pinahayag, “Ang sinumang magpahayag ng kaniyang mga kasalanan ay may buhay na walang hanggan at hindi kailan man itatakwil.” Hindi rin Niya ipinangakong, “Ang sinumang magpatawad sa iba ay may buhay na walang hanggan at hindi mamamatay espirituwal.”

Isang mali at trahedya ang itumpas ang pagkakaroon ng pakikisama sa Diyos sa muling kapanganakan at ang kawalan ng pakikisama sa Diyos sa kawalan ng buhay na walang hanggan.

Isipin ninyo kung ano ang mga resulta kung ito ay totoo sa ating mga pamilya.

Ang mga mag-asawa ay magdidiborsiyo sa tuwing sila ay may pagtatalong hindi agad naayos.

Ang mga tinedyer ay hindi na bahagi ng pamilya sa tuwing sila ay walang pakikisama sa kanilang Nanay at Tatay.

Ang Mat 6:14-15 ay hindi sitas evangelistiko. Ito ay sitas ng pakikisama. Kung gusto ninyo ng mga sitas evangelistiko, tumungo kayo sa Evangelio ni Juan.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Recently Added

December 5, 2025

“Have I Shown You My Iron Cross?” 

I recently heard a story that I’m pretty confident is true. Most of us have seen pictures of the warehouses at Auschwitz. The Nazis collected all the personal effects—shoes, clothes, jewelry, toys, etc.—of those who died...
December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram