Ang mga kalaban ng Free Grace Theology ay madalas sabihing hindi nito nabibigyang diin ang pagiging makasalanan ng mga hindi mananampalataya sa katanggap-tanggap na paraan. Sinabihan tayong kapag tayo ay nag-evangelio, hindi sapat na sabihin sa mga hindi mananampalatayang inaalok sila ni Jesus ng buhay na walang hanggan kung mananampalataya sila para rito. Ang mga hindi mananampalataya ay kailangan munang amining “siya ay makasalanan.” Minsan sinasabihan tayong dapat tayong magsisi sa mga kasalanang ito. Madalas sabihing kailangan ng isang hindi mananampalatayang ikumpisal ang kaniyang kasalanan at malungkot para rito.
Naalala ko, sa nakalipas, na hiniling sa aking magbigay ng mga sermon puno ng “apoy at asupre.” Ito ay isang paraan ng pagsasabing hindi ko binibigyan ng sapat na atensiyon ang pangangailangan ng mga hindi mananampalatayang nakikinig sa aking turo na matantong sila ay mga makasalanang delikadong pumunta sa impiyerno dahil sa kasalanang ito. Kailangang makita ng mga hindi Cristiano ang lalim ng kanilang kasalanan at magkaroon ng takot sa impiyerno.
Maaari bang maligtas ang hindi mananampalataya mula sa lawa ng apoy nang hindi nauunawaan ang lalim ng kaniyang kasalanan? Kaugnay nito ang pangngailangan niyang makita ang kabanalan ng Diyos. Sinabihan tayong kung wala ang pagkaunawa kung paano nalabag ng hindi mananampalataya ang kabanalang iyan, hindi siya maaaring maligtas. Siyempre, bago niya maranasan ang kaligtasang ito, kailangan niya munang talikuran ang mga kasalanang iyan.
Kamakailan nakarinig ako ng sermon ng isang popyular na guro patungkol sa paksang ito. Nalulungkot siya dahil sa kaniyang pananaw, maraming mga evangelista ngayon ang nagkukulang sa pagtuturo kung gaano kamakasalanan ang isang hindi mananampalataya. Sinabi niyang maraming nag-aangking Cristiano ngunit hindi dahil hindi nila kinilalang sila ay mga makasalanang delikado sa impiyerno. Hindi sila tumalikod sa kanilang mga kasalanan upang maiwasang ang hilakbot ng dagat na apoy. Ang gurong ito ay nagnanasa sa mga nagdaang panahon nang ang mga evangelista ay binigyang diin kung ano ang kailangang malaman at dapat gawin ng isang hindi mananampalataya. Ang pananampalataya ay hindi sapat.
Nagbigay siya ng halimbawa ng isang evangelisa nang nagdaang mga araw na, sa kaniyang opinion, ay maayos na tinuturo ang mga kasalanan ng kaniyang mga tagapakinig. Isang babae ang tumawag sa evangelistang ito- at sinabi sa kaniyang nag-aalala siya sa kaluluwa ng kaniyang asawang lalaki. Hiniling niya sa gurong kausapin ang kaniyang asawa. Malugod na pumayag ang evangelista.
Sa kaniyang pakikipag-usap sa lalaki patungkol sa kaniyang kasalanan, ang lalaki ay nahulog sa kahila-hilakbot na estado ng pagkatakot. Tumakbo siya mula sa silid at niyakap ang poste sa labas ng bahay, na umaasang hindi siya mahuhulog sa impiyerno. Siya ay lubhang natatakot at nananawagan ng anumang bagay na makaliligtas sa kaniya sa kapalarang ito.
Ang asawa ng lalaki ay nag-aalala sa kaniyang asawa. Hiniling niya sa evangelista kung matutulungan niya ito. Sinabi niyang hayaan na muna ang asawang lalaki hanggang sa siya ay “mainin.” Ang punto niya ay ang pinakamahusay na gawin sa natatakot na lalaki ay ang manatili sa takot na kaniyang nararamdaman. Saka lamang siya tatakas sa kasalanan niya at hihingi ng kapatawaran.
Siniko ako at lubhang may pag-aalinlangan kung totoo ang kwento. Marahil ganito ang aking pakiramdam dahil umaasa akong hindi ito nangyari. Alam kong marami ang makaririnig nito at iisiping, “Higit pang ganito ang ating kailangan.” Ngunit umaasa akong sinumang nagbabasa ng blog na ito ay makikilalang ito ay hindi magandang kwento.
Ang kwentong ito ay walang pagkakapareho sa kung paano mag-evangelio ang Panginoon sa mga hindi mananampalataya. Kailangan lamang nating tingnan si Nicodemo, ang babae sa balon, o ang pakikipag-usap ni Cristo kay Martha tungkol sa kung ano ang magreresulta sa walang hanggang kaligtasan (Juan 3:1-16; 4:10, 14; 11:25-26). Ang hinanap Niya ay ang pananampalataya sa Kaniyang pangako ng buhay na walang hanggan. Imposibleng isiping ang Panginoong magsabi sa babae sa balon na kailangan niya munang ininin sa sa takot bago Niya sasabihin ang tungkol sa Kaniyang biyaya at regalong ibibigay Niya sa kaniya.
Ganito rin sa Aklat ng Gawa. Paano natin maikukumpara ang pakikipag-usap ni Felipe sa Etiopeng bating o ni Pablo sa bantay-kulungan sa Filipos sa Gawa 16 sa kwento ng lalaking nakayapos sa poste? Sinumang walang kinikilingan ay makikitang walang pagkakapareho.
Wala akong pag-aalinlangang may mga hindi Cristianong tinitingnan ang kanilang mga buhay at nakikita kung gaano kalaki ang kanilang mga kasalanan. At wala rin akong dudang ang ilan sa kanila ay takot sa impiyerno dahil sa kasalanang ito. Maaaring magtulak ito sa iba na maghanap ng kalayaan mula sa takot na ito.
Subalit ang iba ay hindi tumatahak sa daan na ito. Ang mga halimbawa ng evanghelismo sa Evangelio ni Juan at sa Gawa ay mga halimbawa. Anumang karanasan ng iba’t ibang hindi mananampalataya, lahat sila ay may iisang pagkakapareho. Tinanggap nila ang buhay na walang hanggan nang tanggapin nila ito bilang libreng regalo sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo.
Hindi nila kailangang magpainin muna sa palayok ng katakutan.