Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Hindi Nga Ba Naniwala Ang Panginoong Jesus Sa Mga Bagong Mananampalataya Ng Juan 2:23? Ikalawang Bahagi

Hindi Nga Ba Naniwala Ang Panginoong Jesus Sa Mga Bagong Mananampalataya Ng Juan 2:23? Ikalawang Bahagi

May 31, 2024 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Sa unang bahagi, tiningnan natin ang isa sa walong sitas sa BT kung saan ang pisteuo ay sinaling ipinagkatiwala.

Ang salitang pisteuo ay ginamit ng 246 na ulit sa BT. Ito ay sinaling manampalataya nang 238 na ulit, kabilang na ang siyamnapu’t siyam na ulit sa Evangelio ni Juan.

Nakita natin sa unang bahagi na ang Juan 2:24 ay hindi nangangahulugang ang mga bagong mananampalataya ng Juan 2:23 ay may kulang na pananampalataya. Nanampalataya sila sa Kaniyang pangalan at sila ay ipinanganak na muli (Juan 1:12-13; 20:30-31). Walang masama sa pananampalataya kay Jesus dahil nakumbinse kang ang Kaniyang mga tanda ay nagpapakitang Siya ay katiwatiwala.

Ngunit paano ang iba pang pitong gamit ng pisteuo kung saan ito ay isinaling pinagkatiwala?

Ililista ko ang mga sitas na iyon dito. Gusto kong silipin ninyo sila at kayo ang gumawa ng inyong sariling mga konklusyon bago ninyo basahin ang aking sinasabi tungkol sa mga ito. Narito ang pito:

Luke 16:11 Kung kayo nga’y di naging mapagtapat sa masamang kayamanan, sino nga ang magkakatiwala sa inyo ng mga tunay na kayamanan?

Rom 3:2 Marami sa anomang paraan: ang una sa lahat, ay ipinagkatiwala sa kanila ang mga aral ng Dios.

1Cor 9:17 Sapagka’t kung ito’y gawin ko sa aking sariling kalooban, ay may ganting-pala ako: nguni’t kung hindi sa aking sariling kalooban, ay mayroon akong isang pamamahala na ipinagkatiwala sa akin.

Gal 2:7 Kundi bagkus nang makita nila na sa akin ay ipinagkatiwala ang evangelio ng di-pagtutuli, gaya rin naman ng pagkakatiwala kay Pedro ng evangelio ng pagtutuli;

1Thess 2:4 Kundi kung paanong kami’y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso.

1Tim 1:11 Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, na ipinagkatiwala sa akin.

Titus 1:3 Nguni’t sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas;

Binasa ninyo ba ng paulit-ulit at pinag-isipan ang mga ito? Kung hindi, gawin mo ito ngayon. Mahalaga ito.

Narito ang ilang kritikal na mga interpretibong tanong:

  1. Sino ang pinag-uusapan sa pitong sitas na ito? Samakatuwid, sino ang gumagawa ng pagkakatiwala?
  2. Ilan sa mga sitas na ito ang nagsasabi sa atin kung ano ang kundisyon ng buhay na walang hanggan?
  3. Gaano kadalas nating mababasa sa BT na ang isang tao ay kailangang ipagkatiwala ang kaniyang sarili kay Cristo upang siya ay ipanganak na muli?

Narito ang mga sagot.

  1. Ang Diyos ang paksa sa lahat ng mga sitas na ito. Ang Panginoong Jesus ang paksa sa ikawalo at panghuling gamit (Juan 2:24).
  2. Wala sa mga sitas na ito ang nagtatalakay kung ano ang kundisyon ng buhay na walang hanggan.
  3. Hindi natin kailan man nabasa sa BT, gamit man ang pisteuo o hindi, na ang ipagkatiwala ang sarili kay Cristo ay isang kundisyon ng buhay na walang hanggan.

Pinalakas ng pag-aaral na ito ang aking pananampalataya. Ikaw rin ba? Kung ganuon, ibahagi mo ito sa iba.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Recently Added

December 5, 2025

“Have I Shown You My Iron Cross?” 

I recently heard a story that I’m pretty confident is true. Most of us have seen pictures of the warehouses at Auschwitz. The Nazis collected all the personal effects—shoes, clothes, jewelry, toys, etc.—of those who died...
December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram