Puspusan ang aming trabahong malimbag ang isang komentaryo sa LT sa katapusan ng 2026. Natapos ko na ang unang balangkas ng aking komentaryo sa Levitico. Nasa ikalawang katlong bahagi na ako ng Genesis. At ngayon natapos ko ang aking komentaryo sa Awit 27. Gagawin ko ang komentaryo ng Unang Aklat ng Awit, na mula Awit 1 hanggang 41.
Napansin ninyo ba ang magandang pahayag ni David sa Awit 27: “Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon na aking hahanapin, na ako’y makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, upang malasin ang kagandahan ng Panginoon at magusisa sa Kaniyang templo” (Awit 27:4).
Ano ang ibig niyang sabihin sa malasin ang kagandahan ng Panginoon?
Narito ang aking sinulat tungkol sa v4: “Nais ni David na mamalas ang kagandahan ng Panginoon. Marahil ito ang nasa isipan ni Pablo nang kaniyang sinulat ang 2 Cor 3:18, “Datapuwat tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon din larawan…” (dinagdagang diin).
Sinabi ni Zane Hodges sa akin na iniisip niyang ang kaluwalhatian ng Panginoon sa 2 Cor 3:18 ay tumutukoy sa kagandahan ng Panginoong Jesucristo. Sa kaniyang aklat, Six Secrets of the Christian Life (Anim na Sekreto ng Cristianong Pamumuhay), sinulat niya:
Subalit ang “kahanga-hangang salamin” ng Diyos ay hindi kailan man bigong sabihin sa ating si Jesucristo na ating Panginoon ay napakaganda. Kaya sa dakilang Mesianikong Awit patungkol sa Hari, ang pinuspos na manunulat ay nagpahayag, “Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay, aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa Hari; ang aking dila ay panulat ng isang bihasang manunulat” (Awit 45:1). Ganuon din, na direktang kausap ang Hari, ang Mang-aawit ay puno ng pagpupuri: “Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao; biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi” (v2) (p. 29).
Alalahaning ang 2 Cor 3:18 ay tumutukoy sa mga panahong nasilayan ni Moises ang kaluwalhatian ng Panginoon. Sa tuwing siya ay makikitagpo sa Panginoong Jesucristo, ang mukha ni Moises ay nagliliwanag. (Nagsuot siya kalaunan ng talukbong dahil ang liwanag ay nawawala sa paglipas ng panahon.)
Sa 1 Juan 3:2 sinabi ni Juan, “Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Diyos at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin na kung Siya’y mahayag, tayo’y magiging katulad Niya sapagkat ating makikitang gaya ng Kaniyang sarili.” Ang pagsilay sa Panginoon ay nakapagbabago sa atin.
Ang mga tao ay naghahanap ng pagbabago sa lahat ng maling dako, kabilang na ang mga gawaing kontemplatibo, mga drogang nagbabago ng isipan, mga karanasang ekstatiko, at asetismo.
Ang sagot ay ang Panginoong Jesus. Paano ako ipinanganak na muli? Sa pananampalataya sa Panginoong Jesucristo para sa buhay na walang hanggan, na Kaniyang ipinangako sa mananampalataya. Paano ako magiging kawangis ni Cristo? Sa pagmalas sa Kaniyang kaluwalhatian sa Salita ng Diyos.
Sa isang diwa, mas sinisinta natin ang Panginoong Jesucristo, mas lalo tayon nawawangis sa Kaniya.