Si J. V. ay may magandang tanong:
May nabasa ako kamakailan na sinulat ng isang umano ay Cristianong manunulat na nakainis sa akin. Sinabi ng manunulat na ito na sa langit ay walang mga babae ngunit gagawin ng Diyos na lalaki ang lahat ng mga babae. Ibinase niya ito sa pasaheng nagsasabing tayong lahat ay magiging katulad ng mga anghel at dahil ang mga anghel ay nagpapakita bilang mga lalaki, nangangahulugan itong ang mga babae ay hindi na babae. Ibinase niya rin ito sa pasaheng nagsasabing tayo ay magiging kawangis ni Cristo. Ang kaisipang mawawala ko ang pagkakilanlan bilang babae ay nakaiirita. Natanto kong wala siya sa konteksto at pinipilipit niya ang kanilang kahulugan ngunit mahirap sa aking isipang alisin ang mga maling interpretasyon na ito.
May mga babae ba sa langit?
Tingnan nating muli ang mga naunang kabanata ng Genesis. “At nilikha Niya silang lalaki at babae” (Gen 1:27; 5:2; Mat 19:4; Marcos 10:6). Ang Kaniyang orihinal na plano ay para magparami ang mga lalaki at babae at punuin ang lupa. Pinlano ng Panginoong Jesus na manirahang kasama nila sa lupa (Gen 3:8). Ang planong ito ay matutupad sa walang hanggang kaharian ni Cristo, mula sa lupang ito sa Milenyo at magpapatuloy sa bagong lupa.
Matapos magkasala nila Adan at Evan, sila ay naging mortal, at lahat nilang mga anak ay namana ang mortalidad na ito. Ngunit nanatili sa kanila ang kanilang kasarian at gayon din ang kanilang mga lahi.
Ang kasarian ay umiiral sa lahat ng dispensasyon. Iiral din ito sa bagong lupa.
Nang winasak ng Diyos ang mundo ng baha, niligtas Niya ang mga lalaki at babae at “ang mga lalaki at babae ng lahat ng laman [ie, lahat ng hayop sa lupa].” Nagpasimula Siya muli sa mundong ito kasama ang mga anak na lalaki ni Noe at ng kanilang mga asawang babae, at lahat ng lalaki at babaeng hayop.
Sa Milenyo, ang populasyon ng mundo ay muling dadami. Bilyong mga anak ang ipanganganak sa isanlibong taong ito. Ang mga lalaki at babaeng ipinanganak sa unang ilang taon ay malamang buhay pa hanggang sa katapusan nito (Is 65:20).
Siyempre, ang ating walang hanggang kapalaran ay hindi ang ikatlong langit. Ito ay pansamantalang hintayan hanggang sa pagbabalik muli ng Panginoong Jesus. Ang walang hanggang tahanan ng mga mananampalataya ay ang bagong lupa (Pah 21-22).
Sa kasalukuyan, hindi mabilang na milyong lalaki at babae ang nasa ikatlong langit. Sila, kasama ng mga lalaking naroon na, ay naghihintay ng Rapture at ng Milenyo. Lahat ng mga mananampalataya ay matitipong muli sa oras ng Rapture.
Ang Pah 14:4 ay nagpapahiwatig na ang mga babae ay nasa Tribulasyon.
Ang salitang babae ay ginamit ng labinlimang beses sa Pahayag, bagama’t hind isa mga pantapos na kabanata.
Ang huling dalawang kabanata ng Pahayag ay tungkol sa walang hanggang kaharian sa bagong lupa. Alinman sa babae o lalaki ay hindi nabanggit sa mga kabanatang ito. Ang salitang antropos, ang pangkalahatang termino para sa mga tao o sangkatauhan, ay ginamit sa Pah 21:3, “ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao…” Pinapakita lamang nito na ang mga babae ay bahagi ng eternal na estado. Kung mga lalaki lang ang naroon, ang salitang aner sana ang ginamit (cf 1 Tim 2:8).i
Alam natin mula sa Hebreo 11 na may mga lalaki at babae sa walang hanggang kaharian. Sila Abraham, Sarah, Rahab, David, Samuel at iba pa ay nabanggit. Sila Sarah at Rahab ay mananatiling Sarah at Rahab.
Ang salitang babae ay ginamit ng pitumpu’t siyam nab eses sa LT at apat na beses sa BT. Ang salitang sinaling ina ay ginamit ng 336 na ulit sa Biblia, 239 na ulit sa LT at siyamnapu’t siyam na ulit sa LT. Ang asawang babae ay ginamit ng walumpu’t anim ba ulit sa BT at 314 na ulit sa LT. ang mga babae ay tinataas sa Biblia bilang kapantay na partner sa programa ng Diyos.
Ngayon talakayin natin ang mga kakatuwang “patunay” mula sa Bibliang narinig ni J. V.
Una, bagama’t ang mga anghel ay nagpapakitang mga lalaki, hindi natin tiyak kung ito ay totoong kasarian. Walang sitas ng Biblia ang nagsasabing ang mga anghel ay lalaki.ii
Ang apat na buhay na nilalang ay mga anghel na sumasamba sa Diyos. Sila ay dalawang beses na nabanggit sa Ezekiel at labing-isang ulit sa Pahayag. Samantalang maaaring sila ay lalaki o babae, maaari ring sila ay walang kasarian. Wala tayong sapat na kaalaman sa mga anghel na itong may apat na mukha.
Ikalawa, kahit pa lahat ng mga anghel ay lalaki, hindi sila tao. Hindi sila dinesenyo upang magparami. Ang mga mananampalataya sa kaluwalhatian ay gaya nila sa diwang hindi sila magpaparami. Ngunit ang mga niluwalhating mananampalataya ay mga tao pa rin. Ang mga lalaki ay lalaki at ang mga babae ay babae.
Ikatlo, ang pagkalalang sa wangis ng Diyos ay hindi patungkol sa Kaniyang pisikal na kaanyuan. Ang Diyos Ama ay walang pisikal na kaanyuan.
May debate kung ano ang kahulugan ng imahen ng Diyos sa tao. Tiyak na kasama rito ang bolisyon, emosyon, rason at katangiang moral. Marahil kabilang dito ang kreatibidad. Samantalang ang katangiang moral ng tao ay namantsahan ng pagkahulog, hindi ito ganap na nawasak.
Kapag tayo ay niluwalhati, tayo ay magiging kagaya ni Cristo (1 Juan 3:2). Siyempre, ang Panginoong Jesus ay ang eksaktong imahen ng Diyos Ama (Juan 1:18; 14:9; 2 Cor 4:4; Col 1:15). Hindi tayo lahat magiging lalaki kung paanong hindi tayo lahat ay pisikal na magiging kamukha ni Jesus. Ang itsura natin ay pareho ng itsura natin sa mundong ito na wala ang lahat ng kapansanan. Ngunit tayo ay magiging kawangis Niya sa moral na kalagayan. Hindi na tayo magkakasala muli!
Ang ideyang tanging lalaki lamang ang kawangis ng Diyos ay katawa-tawa. Ito ay laban sa kautusan ng paglalang. Ginawa Niya tayong lalaki at babae. At parehong sila ay nasa wangis ng Diyos.
Ang mga lalaki at babae sa niluwalhating katawan ay luluwalhati sa Diyos magpakailan man.iii Ito ay isang bagay na aking pinakaaabangan,
_________________________
- Ang salitang aner ay ginamit nang 219 na ulit sa BT.
- Ang sabi ng Gotquestions, “Ang katanungan kung ang anghel ba ay babae o lalaki ay malamang walang saysay. Ang mga anghel ay mga espirituwal na nilalang (Heb 1:14) at samakatuwid ang pagbibigay sa kanila ng kasarian ay walang saysay. Ang masasabi lang natin ay pinapakita ng Kasulatan ang mga anghel na tila lalaki” (tingnan dito). Ito ay napasobra na. sinasabi ng Gen 6:1-2, 2 Ped 2:4-5 at Judas 6 na ang mga nahulog na anghel ay sumiping sa mga babae at nagkaroon ng mga anak.
- Ang mga babaeng nagtagumpay sa buhay na ito ay maghaharing kasama ni Cristo sa buhay na darating. Pansining ang mga babaeng pinuno ay may awtoridad ng panganay na anak na lalaki, bagama’t sila ay nananatiling babae. Tingnan ang Roma 8:14 at Pah 21:7.