Nang ako ay sampung taong gulang, dumalo ako sa isang reunion ng pamilya sa Kentucky. Dalawang malayong pinsan ang dumating sa reunion. Magkapatid sila at halos kaedad ko sila. Hindi ko pa sila nakita ngunit masaya kaming naglaro sa parke.
Napakabait nila ngunit kakaiba sila. Pareho silang ngumunguya ng tabako at dura ng dura ng katas nito. Pangit ang kundisyon ng kanilang mga ngipin, ang iba nga ay wala na. Bulok na ang mga ito ay nangingitim na sa tabako. Marami akong nakitang matatandang lalaking nagtatabako ngunit wala pa akong mga kaedad na gumagawa nito. Tinanong ko kung gaano na sila katagal ngumunguya ng tabako. Nagsimula raw sila nang sila ay limang taong gulang.
Sa tingin ko marami sa makaririnig ngayon ang magtatanong kung paano ito nangyari. Bakit hindi inaresto ang mga magulang ng mga batang ito para sa pang-aabuso? Ang masasabi ko lang ay iba ang panahong iyon. Hindi lang nangyari ito; tiyak akong wala sinuman sa reunion ang kumompronta sa magulang tungkol dito.
Positibo akong alam ko kung bakit. Ang mga magulang ay kapamilya. Masaya silang kasama. Mahal ng mga magulang ang kanilang mga anak. Hindi ko alam kung saan sila nagmula, ngunit tiyak akong ito ay mula sa Kentucky o sa Tennessee. Naiimadyin kong ang kanilang bahay nasa gitna ng kakahuyan. Sa kapaligirang iyan, lahat ng mga bata ay pareho ang ginagawa. Iba-iba ang kapaligiran ng mga tao. Sino ako para humusga? Kawalang-asal ang turuan ang mga magulang kung paano palakihin ang kanilang mga anak. At ang iturong pinapahamak nila ang kanilang mga anak ay hindi komportable. Lahat kami sa reunion ay bahagi ng isang pamilya at kung ganuon ay dapat magkasundo kaming lahat. Isa pa, sino ang makapagsasabing baka kalaunan, maisipan ng mga magulang na hikayatin ang mga batang baguhin ang marumi at nakasasamang gawaing ito.
Dahil sampung taon pa lang ako, hindi ko ito nasabi sa mga matatanda sa reunion. Abala ko tago-taguan, tayaan at iba pang mga laro kasama ng aking mga pinsan, kabilang na ang dalawang dura nang dura ng tabaka. Iniisip kong pinag-uusapan ito ng matatanda ngunit tinatago nila ito sa kanilang mga sarili.
Tama ba ang mga matatanda? Tama bang wala silang sinabi kahit ano sa mga magulang, kahit alam nilang nakasasama ito sa mga bata?
May nakikita akong pagkakapareho sa pagitan ng aking kwento at ng isyu ng katiyakan ng kaligtasan. Ang parehong mga dahilan para hindi pag-usapan ang isyu ng kalusugan ng mga bata ay binibigay ngayon kapag pinag-uusapan ang katiyakan ng kaligtasan. Bagama’t alam nating ito ay doktrina ng Biblia, maraming taong hindi naniniwala rito. Mahal nila ang kanilang mga anak. Pumupunta sila iglesia. Mula sila sa kapaligirang hindi naniniwala sa walang hanggang kasiguruhan. Kawalang-asal ang sabihin sa kanilang mali ang kanilang mga tradisyong panrelihiyon. Hindi ito komportable sa ating lahat. Magiging dahilan lamang ito upang iwasan nila tayo. Sino tayo para husgahan sila? Hindi ba tayo maaaring magkasundo na lang? isa pa, marahil makikita nila ang katotohanan kalaunan. Hayaan natin silang matanto ito sa kanilang sarili.
Tayong nasa kilusang Free Grace ay madalas sabihing dapat ganito ang ating saloobin. Ngunit sa tingin ko dapat mag-isip-isip tayo. Sa tingin ko ang ilan sa ating mga mambabasa ay iniisip na dapat kinompronta ng mga matatanda ang mga magulang ng aking mga malayong pinsan. Ang kanilang kalusugang dental ay nasisira. Isang araw ang gastos ng pag-aalagang dental na ito ay lalaki. Ang kalusugan ng ngipin ay malaki ang epekto sa kalusugan ng buong katawan. Ang tyansang ang mga batang ito ay magkakaroon ng kanser sa dila, labi, panga o tiyan ay tumataas. Ito ang ginagawa ng tabako sa mga batang ito.
Ang kawalan ng katiyakan ay higit na mapanganib kaysa tabako. Tama lamang na manindigan ang GES na kung hindi ka naniniwala rito ay wala kang taglay na buhay na walang hanggan. Ngunit kahit pansamantala nating isantabi ang isyung ito, isipin ninyo kung ano ang ginagawa ng kawalan ng katiyakan sa buhay ng isang tao. Kung makikipag-usap kayo sa maninimba nang limang minute, makikita ninyo kung anong pinsala ang dulot ng kawalan ng katiyakan sa kanilang mga espirituwal na buhay. Marami tayong nakasasalamuhang mga taong gaya nito. Takot sila sa kamatayan. Napaparalisa sila ng takot na ito. Nananaginip silang gumigising sa impiyerno. Hindi sila makapaglingkod sa Panginoon nang may kagalakan dahil hindi nila alam kung sila ay mga anak Niya. Ang espirituwal na paglago at kalusugan ay imposible kung walang katiyakan. Kung hindi maniniwala sa katiyakan, ang isang tao ay hindi makauunawa ng Salita ng Diyos, ngunit babaluktutin lamang ito. Ang isang aklat na dapat sana ay magdadala ng buhay ay nagdadala lamang ng katakutan.
Kung makababalik tayo sa reunion na ito ng pamilya, marami sa atin ang kokompronta sa mga magulang tungkol sa pinsalang ginagawa nila sa kanilang mga anak. Ituturo natin ang katotohanan ng sitwasyon. Gayon din, kapag ating naunawaan ang kahalagahan ng doktrina ng katiyakan, walang duda kung ano ang dapat nating gawin. Kapag may nakasalubong tayong mga taong nakapipinsala sa iba dahil sa pagtakwil ng doktrinang ito, kailangan nating itama sila at sabihin ang katotohanan.