Isang artikulo ng Calvinistang si Jon Bloom, isang manunulat para sa at kapwa-tagapagtatag ng desiringGod.org
Tingnan dito para sa artikulong may pamagat na “How God Gives Assurance” (9/14/15).
Sinimulan ni Bloom ang kaniyang artikulo ng mga salitang ito: “Ak oba ay tuna na Cristiano? Iilang tanong lamang ang nagbibigay ng takot na may panginginig sa mga mananampalataya…”
Narito ang kaniyang pananaw: “Gaya ng maraming bagay sa Cristianong pamumuhay, ang katiyakan ay isang bagay na inaalagaan at lumalago, lumalalim at lumalakas sa paglipas ng panahon. Ito ay isang kaloob na ibinibigay ng Diyos sa atin, ayon kay Newton, paunti-unti sa pamamagitan ng madalasang pagsubok.”
Ang Tatlong Pangunahing Punto ni Bloom Tungkol sa Katiyakan
1. Ang katiyakan ay lumalago sa pamamagitan ng esprituwal na pakikibaka.
Ang punto niya ay ang katiyakan ay tila isang dimmer switch. Kapag ang isang tao ay naipanganak na muli, tila siya isang bombilyang may 100 Watts na nagbibigay lamang ng 10 Watts na ilaw dahil sa ang dimmer switch ay nakalagay sa mababa. Habang dumaraan tayo sa espirituwal na pakikibaka, ang ating katiyakan ay lumalago kung panghahawakan natin ang pakikibaka nang maayos. Kung hindi, mananatili ito sa pareho o maaari ngang mas dumilim pa.
2. Bakit ganito lumago ang katiyakan.
Kaniyang sinipi si Newton para sa sagot: “Hindi tayo maaaring ganap na pagkatiwalaan ng katiyakan hanggang wala tayong kaalaman ng masama at pandaraya ng ating mga puso, kaalamang matatamo lamang sa pamamagitan ng masakit ngunit pauli-ulit na karanasan.” Tila ang kaniyang punto- hindi niya pinalawanag ang sagot ni Newton- na ang pagkatakot sa impiyerno ang nagtutulak sa ating lalong tumingin sa krus at sa “pangako ni Cristo sa atin.” Sa madaling salita, ang kaniyang punto ay kung may katiyakan tayo ng ating kaligtasan, hindi tayo lalapit kay Cristo. Kailangan natin ang kawalan ng katiiyakan upang tayo ay lumapit kay Cristo at maitaan ang ating dimmer switch.
Siyempre kung ito ay totoo, ang isang tao ay hindi kailan man magkakaroon ng katiyakan ng kaniyang walang hanggang kapalaran dahil kung oo, wala nang maglalapit sa kaniya kay Cristo.
3. Sa pamamagitan ng maraming kapahamakan, pagpapagal at bitag.
Ang kaniyang konklusyon ay interesante:
Ang katiyakan ng ating kaligtasan ay hindi nanggagaling sa kumpiyansa sa isang subhetibong sukat ng panloob na saksi, o kung gaano kainit ang ating apeksiyon sa Diyos sa anumang sandali. Sa halip ang ating katiyakan ay nanggaling sa ating lumalagong kumpiyansa sa nagliligtas na gawa ni Cristo na bumili ng katuparan ng lahat na Kaniyang dakilang mga pangako sa atin (2 Pedro 1:4) at sa Kaniyang kapangyarihang tuparin ang mga ito.
Ang dakilang katiyakan ay dumarating sa pamamagitan ng lumalakas na pananampalataya. At ang pananampalataya ay lumalakas lamang sa pamamagitan ng pagsubok.
Sinasalungat ni Bloom ang paniniwala ng maraming Calvinista tungkol sa subhetibong panloob na saksi ng Espiritu Santo. Ngunit tinatanggap niya ang ideyang ang ating subhetibong gawa ay esensiyal sa pagkakaroon ng mataas na dimmer switch.
Ang mataas, nga pala, ay hindi kailan man 100 Watts. Ang pinakamaasahan ng isang Calvinista ay “punong katiyakan”, isang ekspresyong ginagamit ni Bloom. Ang buong katiyakan ay katumbas ng 90 Watts.
Ang isang tao ay nangangailangan ng nagpapatuloy na pag-aalinlangan sa kaniyang walang hanggang kapalaran upang patuloy na lumapit kay Cristo.
Ebalwasyon ng Pananaw ni Bloom ng Katiyakan
Sa isang banda, siya ay dapat purihin sa pagsabi sa kaniyang mga mambabasa na ang mga manunuod ay hindi dapat tumingin sa kanilang kalooban para sa subhetibong panloob na saksi. Hindi ito ang tinuturo ng Rom 8:16. Tingnan dito ang 6 na minutong Youtube video na aking nirekord tungkol sa blog ni Bloom.
Sa isang banda, dapat siyang punahin sa pagmumungkahing ang kawalan ng katiyakan ay isang mabuting bahay, na ang katiyakan ng buhay na walang hanggan ay lumalago sa paglipas ng panahon, at tanging sa magandang tugon sa pagsubok tayo magkakaroon ng mataas na lebel ng pag-asang tayo nga ay may buhay na walang hanggan. Mali ang kaniyang sinabi- sa kaniyang paborableng pagsipi kay Newton- na ang “katiyakan ay [nanggagaling] sa karanasan.”
Ang pangunahing problema sa artikulo ni Bloom ay mayroon itong iilang Kasulatan at hindi sinipi ni minsan ang Evangelio ni Juan. Sa halip sinipi ni Bloom ang San 1:2-3; Rom 5:3-4; Heb 12:7-8; Fil 3:9; 2 Cor 1:9 at 2 Ped 1:4 (sa ganiyang pakasunod-sunod). Lahat ng mga ito ay mga sitas sa pagiging alagad. Wala ang patungkol sa kung paano ang isang hindi mananampalataya ay makatatamo ng katiyakan ng buhay na walang hanggan (o kung paanong ang isang mananampalatayang naiwala ang kaniyang katiyakan mababawi ulit ito).
Kung gusto mong magkaroon ng katiyakan, samakatuwid ay kung gusto mong matiyak na ikaw ay may buhay na walang hanggan at hindi ka mapapahamak, konsultahin mo ang Evangelio ni Juan. Ginawang malinaw ng Panginoong ang isyu.