Ang nasirang Charles Krauthammer, isang kolumnistang nanalo ng Pulitzer, ay minsang nagsabi patungkol sa Israel: “Ang Israel ay ang kumakatawan sa pagpapatuloy ng diwang Judio: ito ang tanging bansa sa buong mundo na patuloy na nananahan sa parehong lupa, nagsasalita ng parehong wika, at sumasamba sa parehong Diyos gaya ng kanilang ginagawa 3, 000 taon na ang nakalilipas” (Charles Krauthammer, Things That Matter: Three Decades of Passions, Pastimes and Politics.)
Si Krauthammer ay isang sekularistang Judio. Ang kaniyang pahayag tungkol sa Israel ay hindi naiimpluwensiyahan ng anumang paniniwalang relihiyoso. Sinasabi niya lang ang katotohanang historikal. Masasabing ang pag-iral ng Israel ay nagpapakita ng dibino’t supernatural na interbensiyon. Maaari natin itong tawaging himala. Wala nang ibang bansang kagaya nito.
Subalit, habang sinusulat ko ang blog na ito, ang mga bagay ay hindi maganda para sa Israel. Sinugod siya ng mga terorista mula sa timog-kanluran at ang karahasang ginawa sa kaniyang mamamayan ay sumusugat sa konsensiya. Ang bansa, na kasinliit lamang ng New Jersey, ay patuloy na nasa banta ng mga terorista sa hilaga at silangan. Libo-libong rocket ang pinauulan sa mga bayan at lunsod ng mga Judio. Pinahayag ng Iran ang kanilang pagnanais na burahin ang mga Judio at hayagang sinusuportahan ang mga terorista. Sinasabing ang Iran ay malapit nang magkaroon ng sandatang nukleyar at maraming eksperto sa Gitnang Silangan, ang nagmumungkahing ang Iran ay handang gamitin ang mga sandatang ito laban sa Israel. Tila rin suportado ng Tsina at Russia at Iran.
Natural lamang na masumpungan ng maliit na bansang Israel ang kaniyang sarili sa gitna ng mga balita. Anong mangyayari sa “kumakatawan sa pagpapatuloy ng diwang Judio”? Kahapon lamang, narinig ko ang tagapagbalitang nagsasabing ang pag-iral ng Israel ay nasa panganib.
Hindi ako isang propeta, o naka ng isang propeta, ngunti natitiyak kong ang Israel ay patuloy na iiral. Paano ako nakatitiyak? Ang sagot ay kailangan nating ikunsidera ang isang bagay na hindi kinunsidera ni Krauthammer, bagama’t mataas ang kaniyang paningin sa Israel. Ang Diyos ay nagbitiw ng mga pangako sa mga ninuno ng bayang Judio. Sila ay Kaniyang bayan kailan man (Jer 31:31-37; Zac 12:9-10; 13:1; 14:11). Sa mga huling araw, ang Israel ay isa pa ring bansa, at ang Panginoon mismo ang magliligtas sa kaniyang mamamayan mula sa kanilang mga kaaway at ipapasok sila sa Kaniyang kaharian matapos nilang manampalataya sa Kaniya (Rom 11:25-27). Si Jesus mismo ang nagbanggit ng mga pangyayaring ito sa hinaharap sa Diskurso sa Olibo, na natala sa Mat 24-25. Ang Aklat ng Pahayag ay nagbibigay ng mga detalye sa mga bagay na ito.
Sa buong kasaysayan, ang mga estudyante ng Biblia ay nagtataka kung kailan ganap na matutupad ang mga kahanga-hangang pangakong ito. Ang mga estudyanteng ito ay nagbabantay sa mga nangyayari at iniisip kung ang mga ito ay nagtuturo sa nalalapit na pagbabalik ng Panginoon. Noong 1917, ang Pahayag Balfour ay nagtaas ng pag-asang ang panahong ito ay dumating na. Ang pag-uusig ng mga Nazi sa mga Judio noong 1930s at 1940s ay may parehong epekto. Ang pagbalik ng mga Judio sa kanilang lupain at ang opisyal na pagkilala ng mundo sa Bansang Israel noong 1948 ay isang malinaw na demonstrasyon ng mga layunin ng Diyos para sa bansa, ganuon na rin ang kaniyang maraming mahimalang tagumpay sa kaniyang mga kaaway mula noon.
Sa marami, walang duda, ang kasalukuyang kalagayan ng Israel ay iniinterpretang ang Panginoon ay nasa pintuan na (San 5:9). Marahil ito na nga ang ating nakikita. Ang mga atrosidad ng gma terorista ay nagtuturo sa kasamaan sa mundong ito na nararapat lamang ng poot ng Diyos. Ang poot na ito ay mabubuhos sa isang saglit bago itatag ng Panginoon ang Kaniyang kaharian sa mundong ito at tuparin ang Kaniyang mga pangako sa Israel.
Hindi ko alam. Nakita na natin noon pa man and deprabong katangian ng tao. Nakita na natin dati kung paanong ang Israel ay nasa gitna ng kapahamakan. Ang nangyayari ngayon sa Gitnang Silangan ay maaaring isa lamang bagong halimbawa.
Anumang bansa tayo nakatira, ang mga pangyayari sa Israel ay maaaring madaling mag-alis ng kapayapaan sa ating mga kaluluwa. Hindi dapat. Mayroong obserbasyong hindi maitatanggi si Krauthammer tungkol sa maliit na bansang ito. Siya ay napahanga. Ngunit ang Israel ay higit pa sa isa lamang kahanga-hangang bansa. Ito ay isang bansang pinangakuan ng Diyos ng mga kahanga-hangang pangako. Ang mga kaaway nito ay hindi mauubos ang mga Judio.
Isang araw, tatawagin ng Panginoon ang Kaniyang Iglesia sa Kaniyang sarili. Huhukuman Niya ang sanlibutan at dadalhin ang nananampalatayang Bansang Israel sa Kaniyang kaharian. Nakikita na ba natin ang paghahanda ng entablado para sa mga bagay na ito? Siguro. Ang lama lang natin nang may katiyakan ay mangyayari ang mga bagay na ito. Hindi kailan man mapipigilan ng masasamang gawa ng mga tao o ang kanilang pagngangalit laban sa Israel ang Diyos na gawin ang Kaniyang sinabing gagawin. Sa nakababahalang panahong ito, makapapahinga tayo sa bagay na ito.