Si Mark mula sa Northeast ay nagpadala ng isang tanong na madalas itanong tungkol sa evangelio sa Marcos 1:14-15:
Sinabi ng Marcos 1:15 “Naganap na ang panahon at malapit na ang kaharian ng Diyos; kayo’y mangagsisi at magsisampalataya sa evangelio!” Ako at ang aking asawa ay masugid na tagapakinig. Maaari mo bang ipaliwanag ang sitas na ito?
Upang maunawaan ang v15, kailangan nating konsultahin ang nasa unahang sitas. Mababasa, “Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Diyos.” Ang salitang sinaling evangelio ay nangangahulugan lamang na mabuting balita. Ang konteksto ay nagpapakita sa ating ang v15 ay patungkol sa mabuting balita na ang kaharian ng Diyos ay inaalok sa henerasyong iyan ng mga Judio. Ang kaharian ay ay malapit na. Ang ilang salin ay nagsasabing, “andiyan na.”
Malaking kalituhan ang nangyayari kapag iniisip nating ito ay tumutukoy sa mabuting balita ng sulat sa Galatia: pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya hiwalay sa mga gawa.
Ngunit bakit ang Panginoong Jesus nagbabanggit ng pagsisisi? Ang kundisyon para sa buhay na walang hanggan ay pananampalataya kay Cristo. Hindi pagsisisi. Ang isyu rito ay hindi ang indibidwal na kaligtasan. Ang isyu ay ang pagdating ng kaharian ng Diyos para sa Bansang Israel na namumuhay nang panahong iyon.
Para dumating ang kaharian kailangan ng bansang Judio na manampalataya at magkaroon ng pakikisama sa Diyos. Kaya nga ang panawagan sa pagsisisi at pananampalatayang ang kaharian ng Diyos ay malapit na. Ang manampalatayang ito ay malapit na ay marahil nangangahulugan ding si Jesus ang Haring magdadala ng kaharian. Kung ang isang tao’y nanampalataya nito, malamang siya ay mananampalataya rin sa pangako ni Jesus ng buhay na walang hanggan sa lahat ng sumampalataya sa Kaniya (hal Juan 3:16).i
Tingnan ang blog na ito noong Pebrero 2022 na nagpapaliwanag ng Marcos 1:14-15.
Nakalulungkot na marami ang hindi nakauunawa at iniisip na ang evangelio ng kaharian ay ang alok ng walang hanggang kaligtasan sa lahat ng nagsisisi at nanampalataya kay Cristo (halimbawa, tingnan ang artikulong ito ng gotquestions.org). Sa pagsilip ko sa iba’t ibang komentaryo, lahat, maliban sa The Grace NT Commentary ay iniinterpreta ang Marcos 1:14-15 bilang alok ni Jesus ng walang hanggang kaligtasan sa mga indibidwal na nagsisi at nanampalatayang ang kaharian ay dumating na.
Imposibleng gawin ang Marcos 1:15 upang maging kaparehong mensahe ng Juan 3:16. Ang una ay panawagan sa Bansang Israel na magsisi at manampalatayang ang kaharian ay malapit na upang ang kaharian ay dumating sa panahong iyon. Ang Juan 3:!6 ay pangako na ang sinumang sumampalataya kay Jesus ay may buhay na walang hanggan at hindi mapapahamak.
Hindi nagbabanggit ang Juan 3:16 ng pagsisisi o ng kaharian.
Ang Marcos 1:15 ay hindi nagbabanggit ng buhay na walang hanggan o ng pananampalataya sa Panginoong para rito.
Ang Juan ay isang ebanghelistikong aklat. Ang Marcos ay hindi.
Ang ekspresyong ang evangelio ng kaharian ay nabanggit lamang ng limang beses sa BT, lahat sa Mateo at Marcos (Mat 4:23; 9:35; 24:14; Marcos 1:14-15). Lahat maliban sa Mat 24:14 ay nagpapahiwatig na ang Panginoong Jesus ay nangangaral ng mabuting balita ng kaharian nang panahon ng ministry Niya rito sa lupa.
Ang Mateo 24:14 ay patungkol sa mga taong mangangaral ng evangelio ng kaharian sa Tribulasyon. Hinula ni Jesus, “At ang evangelio ng kaharian ay ipangangaral sa buong mundo bilang patotoo sa lahat ng mga bansa, at ang katapusan ay darating.” Hindi tayo inutusang ipangaral ang evangelio ng kaharian ngayon. Hindi natin alam kung gaano katagal bago dumating ang Rapture at ang simula ng Tribulasyon. Ngunit sa sandaling ang kaharian ay kulang-kulang sa pitong taon na lang ang layo, ang mabuting balita ng darating na kaharian ay muling ipangangaral.
Ang Marcos 1:14-15 ay madaling maunawaan kapag ating kinilala na ang kaharian ay inalok sa Israel noong unang siglo ngunit tinanggihan.