Si G. C. ay may magandang tanong:
Pinahahalagahan ko ang iyong ministry. Nakikitalakayan ako ngayon sa isang lalaki sa aming simbahang ipinipilit na si Jesus ay hindi kailan man nangako ng buhay na walang hanggan sa sinumang hindi nanampalataya (pangkasalukuyan) sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan. May ilan akong argumento laban sa posisyung iyan. Sa tingin ko hindi ko siya makukumbinse dahil nanindigan na siyang siya ang tama. Naniniwala akong ang kaniyang posisyun ay nakabase sa gawa at subhetibo at walang ibinibigay na seguridad sa mananampalataya. Siya ay isang kaibigan at isang kapatid, at hindi ako interesadong manalo sa argumento (mahilig siya sa debate ngunit ako ay hindi) ngunit sa malinaw na paghahayag ng kamalian ng kaniyang posisyun. Paano ka tutugon? Nangangako akong gagawin ito ng may kasamang pag-ibig. Salamat sa iyong ministry. Naniniwala akong ito ay kailangang kailangan.
Madalas kong makita ang tanong na ito. Noong Setyembre 8, nagpalabas kami ng video tungkol sa kawalan ni Dr. William Lane Craig ng katiyakan ng kaniyang walang hanggang kapalaran. Ilan sa 228 na komento ang nagsasabing ang “sinumang sumampalataya sa Kaniya” sa Juan 3:16 ay patungkol sa habambuhay at walang putol na pananampalataya. Halimbawa si @2Chronicles714 ay malayang sinalin ang Juan 3:16 sa ganitong paraan: “Sapagkat ang Diyos ay minsan (pangnagdaan) minahal ng agape ang mga tao sa sanlibutang ito na ibinigay Niya ang Kaniyang nag-iisang Anak upang ang sinumang patuloy na may pananampalataya at nagsisikap na sumunod sa Kaniyai ay hindi itatapon sa lawa ng apoy ngunit mayroongii buhay na walang hanggan.” Si @Counterpoint_Apologetics ay nagkomento: “Ang Juan 3:16… ay isa lamang payak na positibong pahayag ng katotohanan. Ang nanampalataya … [ay] may kahulugan ng nagpapatuloy na pananampalataya. ito ay malinaw na hindi nilimitahan ng teksto sa isang sandali lamang.”
Ang kaibigan ni G. C. ay hindi naniniwala sa pangako ng buhay na walang hanggan. Posibleng nanampalataya siya dati. Buong pagmamahal na dapat balaan ni G. C. na kung siya ay hindi nanampalataya sa pangako ng buhay na walang hanggan sa isang taong nanampalataya lamang kay Jesus para rito, hindi pa siya naipanganak na muli. Ang kaniyang walang hanggang kapalaran ang nakataya rito.
Kung ang Juan 3:16 ay patungkol sa habambuhay na pananampalataya, kailan ang isang tao magkakaroon ng buhay na walang hanggan- nang siya ay unang nanampalataya, o matapos manampalataya hanggang sa huling tibok ng puso? Ang sagot ng kaibigan ni G. C. at ng karamihan ay ang huli.
Kung ito ay totoo, wala kahit isang taong ipinanganak na muli sa mundo ngayon! iii Walang sinumang taong nabuhay sa kasaysayan ng iglesia ang naipanganak na muli! Walang sinuamng naipanganak na muli hanggang sa siya ay mamatay at malibang namatay siya sa pananampalataya.
“Ang sinumang sumampalataya sa Kaniya… ay may buhay na walang hanggan.” Kung ang pananampalataya ay panghabambuhay, ang isang tao ay naging mananampalataya kapag siya ay namatay sa pananampalataya. Hindi bago mamatay.
Ito ay pagtakwil sa pangako ng Panginoon. Ang sinumang sumampalataya sa Panginoong Jesus ay may buhay na walang hanggan sa sandaling siya ay nanampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan.
Malinaw ang Juan 3:16. Gayun din ang maraming sitas sa Evangelio ni Juan at mahigit isandaan sa buong Biblia. Kapag ang isang tao ay nanampalataya kay Jesus para sa hindi nawawalang kaligtasan, taglay niya ito at hindi kailan man maiwawala ito.iv
___________
i Interesanteng ang karamihan sa nagsasabing kailangan ang habambuhay na pananampalataya ay nagsasabing kailangan din ang pagtitiis sa mabubuting gawa.
ii Pansining sa pagkaunawang ito ang tao ay walang buhay na walang hanggan nang siya ay manampalataya. Tatanggapin niya ito kapag siya ay namatay kung siya ay nakatiis sa pananampalataya at pagsunod. Hindi niya ito taglay bago ang kamatayan.
iii Siyempre, maraming tao ang pinaghihiwalay ang inisyal na kaligtasang sinasabi nilang natamo sa sandali ng pananampalataya at pinal na kaligtasang potensiyal na matamo sa pamamagitan ng pagtitiis sa pananampalataya at mabubuting gawa hanggang kamatayan. Subalit ayon sa Panginoong Jesus ang kaligtasan ay pinal sa sandaling manampalataya tayo (Juan 3:16-17).
iv Ang pagtitiis ay isyu patungkol sa pagpapala sa buhay na ito at walang hanggang gantimpala sa buhay na darating (hal Awit 1; Mat 6:33; 2 Tim 2:12; 4:6-8; Pah 2:26).