Inilalagay naming ang karamihan sa aming mga mensahe sa aming taunang kumperensiya sa maing Youtube channel. Naglalagay kami isa kada linggo.
Gusto kong silipin ang mga videong ito at basahin ang mga komentaryo.
Ang aming video noong Setyembre 6 ay may pamagat na “The Changing State of Free Grace Theology” ni Mike Lii. Isang hindi nagpakilalang komentaryo ang umagaw sa aking pansin: “Sinasabi ba ni Mike Lii na ang isang tao’y kailangang manghawak sa doktrina ng eternal na seguridad upang maligtas? Ito ba ang posisyun ng GES? Kung oo, ang aking paniniwala sa GES bilang isang organisasyon, ay ganap na naalog, dahil ito ay isang kabaliwan.”
Ang ekspresyong eternal na seguridad ay wala sa Kasulatan. Ang masusumpungan ay buhay na walang hanggan. Ang buhay na walang hanggan ay tumatagal kailan pa man. Ang pinangako ng Panginoong Jesus ay ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan (Juan 3:16). Maaari mo bang sabay na sampalatayahan ito at ang posibilidad na ikaw ay mapapahamak? Hindi.
Bago ako nakarating sa pananampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan, nanampalataya akong si Jesus ay Diyos, na Siya ay namatay para sa aking mga kasalanan sa krus, na Siya ay bumangon muli mula sa mga patay, at na Siya ay nagbibigay ng pansamantalang kaligtasan sa lahat ng tumalikod sa kanilang mga kasalanan at sumunod sa Kaniya. inisip ko na ang kaligtasan ay hindi sigurado hanggang kamatayan. Kailangan kong mamuhay nang walang kapintasang buhay upang mapanatili ko ang kaing kaligtasan. isang kasalanan at mapapahamak ako kailan pa man (Oo. Ako ay nanghawak sa isang masidhing uri ng Lordship Salvation.)
Inisip kong naniniwala ako sa Juan 3:16. Ngunit hindi pala. Hindi ko ito nauunawaan.
Kailangan kong makumbinse na ang aking kapalaran ay sigurado sa payak na pananampalataya kay Jesus. Ako ay isang makabagong, nagmamatuwid na Pariseo hanggang sa buksan ng Diyos ang aking mga mata sa katotohanang ang sinumang sumampalataya kay Jesus ay hindi kailan man mapapahamak. Siya ay may buhay na walang hanggang hindi maiwawala.
Bakit ito kontrobersiyal?
Bakit sasabihin ng nagkomento na ito “ay isang kabaliwan?”
Ang dahilan ay itataboy nito ang maraming mabubuting taong naniniwala sa pagka-Diyos ni Jesus, sa Kaniyang kamatayan, at pagkabuhay na maguli at sinisikap ang kanilang lahat upang maging karapat-dapat sa langit kapag sila ay namatay. Talaga bang itataboy ni Jesus mula sa kaharian ang mga taong hindi nanampalataya sa Kaniya para sa garantisadong regalo ng buhay na walang hanggan?
oo. Gagawin Niya. Sa Dakilang Puting Luklukan, marami ang tatawag sa Kaniyang, “Panginoon” at ituturo ang kanilang mga gawa upang patunayang sila ay marapat na tanggapin sa Kaniyang kaharian (Mat 7:21-23). Ngunit itataboy Niya sila dahil hindi sila kailan man nanampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan (Juan 5:39-40).
Hinayag ni Santiago at ng mga apostol sa Konseho sa Jerusalem na ang kaligtasan ay sa pananampalataya lamang hiwalay sa mga gawa (Gawa 15:1, 5, 7-11).
Tila hindi matuwid para sa atin na itaboy ng Panginoong Jesus ang mga tao mula sa Kaniyang kahariang naniniwalang sila ay may sapat na kabutihan at nanatiling matuwid upang maging karapat dapat sa Kaniyang kaharian. Maaaring isipin nating ito ay kabaliwan.
Subalit ang isyu rito ay kung saan natin gugugulin ang ating eternidad. Kung posibleng mali ang iyong pananaw ng nagliligtas na mensahe, hindi ba’t karunungan lamang ang ipanalangin ito? Hindi ba’t karunungang muling sulyapan ang Juan 3:16?
Si Jesus ay hindi nag-aalok ng kaligtasang walang kasiguruhan. Hindi Niya ito ginawa. Hindi Niya kailan man gagawin.