Sa Juan 15:5, sinabi ng Panginoon, “Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: ang nananatili sa Akin at Ako’y sa kaniya ay siyang nagbubunga ng marami.” Ang sitas na ito ay madalas gamitin ng mga guro ng Biblia, ng mga mangangaral, at maging ng mga propesor sa mga seminaryo upang sabihing lahat ng mga mananampalataya ay magkakaroon ng bunga espirituwal. Sinasabi nilang ang “pananatili kay Cristo” ay kapareho ng “pagiging Cristiano.” Sinasabi nilang dahil ang lahat ng mananampalataya ay “nananatili” kay Cristo, lahat ng mananampalataya ay lalakad sa pagsunod at magkakaroon ng mabuting bunga. Kung ikaw ay hindi namumuhay ng banal na pamumuhay, ikaw ay hindi nananatili kay Cristo, at kung ganuon ay hindi ka mananampalataya. ikaw ay tutungo sa impiyerno. Kung ganuon isang mabuting ideya, na siyasatin ang iyong sarilikung ikaw ay may bunga. Kung hindi “marami” ang iyong bunga (sa pagsunod sa Panginoon), dapat kang mag-alala sa iyong kaligtasan.
Ang mga tagasunod ng Free Grace, sa isang dako, ay pinupunto ang kakatwaan ng pananaw na ito. Ang Panginoon ay nagbabanggit ng pamumunga, hindi kung malalaman natin o hindi kung tayo’y ligtas. Sa Juan 15, kausap ni Cristo ang labing-isang alagad, na lahat ay mayroon buhay na walang hanggan. Nang sabihin Niya sa kanilang manatili sa Kaniya, hindi Niya tinutukoy ang pagiging ligtas. Ang pananatili sa Kaniya ay pagkakaroon ng intimasya kasama Niya. Nais Niyang manahan kasama nila. Iyan ang kahulugan ng pandiwang manatili. Kung ang Panginoon ay nananahan sa mananampalataya, siya ay magbubunga ng Kaniyang ninanais. Ang isang mananampalataya ay maaaring may pakikisama sa Kaniya, ngunit maaari niya ring piliing huwag makisama sa Kaniya. Ang suwail na mananampalataya ay walang maintimasyang pakikisama kay Cristo.
Mayroong magandang ilustrasyon ng katotohanang espirituwal na ito sa 2 Hari 25:8-17. Ang mga sitas na ito ay nagkukwento ng pagkawasak ng templo sa Jerusalem sa kamay ng hukbo ng Babilonia. Sinunog nila ang gusali. Matapos ay tinangay lahat ng kasangkapan ng templo patungong Babilonia.
Ang templong ito ay simbolo sa mga Judio. Ito ang simbolo ng kanilang pambansang kalagayan. Ngunit higit pa ito diyan. Ito rin ay simbolo ng pananahan ng Diyos sa gitna ng Kaniyang bayan. Ito ang Kaniyang tahanan. Nang ito ay nakatayo, ito ay nangangahulugang ang Diyos ay tumitirang kasama nila. Siya ay may pakikisama sa kanila. Nariyan Siya upang pagpalain sila.
Ngunit ang bayan ay nahulog sa kasalanan. sinabi ng Diyos sa bayan na kapag ito ay nangyari, itataboy Niya sila sa ibang lupain bilang mga bihag. Sa madaling salita, kung sila ay hindi magbigay ng bungang Kaniyang inaasahan- kung sila ay lalakad sa kasuwailan- ang kanilang lunsod ay mawawasak. Kabilang na diyan ang templo.
Sa templo nila sinasamba ang Diyos. Dito sila naghahandog ng pantakip sa kanilang mga kasalanan. ang kapatawarang ito ng kanilang mga kasalanan ang dahilan kung paano sila nakakasama ng Diyos. Ang kapatawarang ito ang nagbibigay sa Diyos ng pagkakataong pagpalain sila.
Ano ang kahulugan ng pagkawasak ng templo? Malinaw na ang bayan ay walang pakikisama sa Kaniya. Hindi sila nananatili sa Kaniya. hindi na Siya nananahan- samakatuwid Siya ay hindi na nakikitira sa kanila- kapiling ng Kaniyang bayan.
Ngunit sila ba ay bayan pa rin ng Diyos? Oo. Alam natin ang kabuuan ng kwento. Bumalik ang Kaniyang bayan mula sa pagkatapon at tinayo muli ang templo. Ito ay larawan ng naibalik na pakikisama. Minsan pa ang Diyos ay nananahan sa gitna ng Kaniyang bayan. Siya ay nakatirang kasama nila.
Kapag ang mananampalataya ngayon ay namumuhay sa kasuwailan, hindi siya nananatili kay Cristo. Ngunit siya ay mananampalataya pa rin, ngunit ang Panginoon ay hindi nananahan sa kaniya. Sa estadong ito hindi siya magkakaroon ng espirituwal na bunga.
Ang buhay na walang hanggan ay hindi maiwawala. Ngunit ang Cristianong namumuhay sa suwail na pamumuhay ay isang taong hindi tinitirahan ni Cristo. Ito ay isang pangit na larawan. Maari mong basahin kung ano ang itsura nito sa 2 Hari 25:8-17. Ito ay tila isang magandang gusaling sinunog at ang mga kasangkapan ay tinangay palayo.