Namatay si Ravi Zacharias, isang kilalang Amerikanong teologo noong Mayo ng 2020. Ang kaniyang pandaigdigang ministry ay nakapokus sa apologetika kung saan kaniyang ipinagtatanggol ang Cristianong pananampalataya. Isa siyang madalas hanaping manunulat at mananalumpati sa mundong ebangheliko. Milyong mga Ebangheliko ang tumitingin sa kaniya bilang isang kapakipakinabang na kapartner.
Ngunit lahat ng mgay iyan ay nagbago ilang sandali matapos ng kaniyang kamatayan. Inihayag na siya ay isang ipokrito. Mayroon siyang problema sa kasalanan ng pagnanasang sekswal. Ang kaniyang pribadong buhay ay hindi bumabagay sa kaniyang pampublikong mukha. Maraming babae, kabilang na ang maraming masahista, ang nagkwento ng kaniyang mga pang-aabusong sekswal laban sa kanila. Siya, hindi nakapagtataka, ay gumon sa pornograpiya.
Isa ring teologo ang namatay noong 1982. Hindi siya kasin kilala sa publiko gaya ni Zacharias, ngunit siya ay kilala sa mga iskolar Ebangheliko. Ang kaniyang pangalan ay George Ladd. Naalala ko sa seminaryo na ang kaniyang aklat na The Theology of the New Testament ay isa sa mga dapat basahin. Kung narining ninyo na ang kaharian ng Diyos ay “narito na/ngunit wala pa,” maaaring hindi ninyo nalalamang ang pariaralang iyan ay nagsimula kay Ladd. Isa sa mga pangunahing publikasyong Cristiano ang minarkahan ang kaniyang aklat bilang ikalawang pinakamaimpluwensiyang Cristianong aklat sa ika-20 siglo. Noong aking kapanahunan sa seminaryo, wala akong narinig na negatibong salita tungkol sa kaniya. Lagi siyang nilalarawan bilang isa sa pinakamataas na kalibre na iskolar ng BT. Siya ay matagala’t ginagalang na propesor sa Fuller Theological Seminary.
Subalit, hindi ko alam ang isang bagay na alam sa mga sirkulo ng mga iskolar Cristiano: si Ladd ay hindi gaya ng kaniyang ipinapakita. Kamakailan ko lang nalaman, na gaya ni Zacharias, siya ay isa ring ipokrito. Isang biyograpo ni Ladd ang kamakailan ay nalimbag na tumatalakay sa ilang hindi magandang detalye ng kaniyang buhay. Ang mga detalyeng ito ay hindi kumpirmadong tsismis, kundi mga bagay na si Ladd mismo ay hayagang inamin.
Sa biyograpo, A Place at the Table, ni John D’Elia, ang mambabasa ay sinabihang isang lasenggero si Ladd. Bilang resula, kaniyang minamaltrato ang kaniyang asawa at mga anak. Namumuhi sa kaniya ang kaniyang anak na babae dahil sa kawalan niya ng pagmamahal sa kapatid nitong lalaking may sakit. Siya ay estranghero sa kaniyang asawa, anupa’t binabalewala niya ito.
Gustong gusto niya rin ang palakpak ng sanlibutan. Hanap ni Ladd ang pagsang-ayon ng mga iskolar, kahit maging ng mga liberal. Kapag hindi niya ito natanggap, siya ay nanlulumo sa depresyon. Isa siyang lalaking puno ng kapaitan. Sabi ni John Piper, isang Ebanghelikong nagsasabing nakinabang nang husto sa mga turo ni Ladd, na ibig na ibig ni Ladd na ipagmayabang ang mga bayad na natatanggap mula sa kaniyang mga akda. Para kay Ladd, ito ay nagpapakita na ang mundo ay sang-ayon sa kaniyang gawa.
Bakit iba ang pagsusuri ng mundong Ebangheliko sa dalawang ito? Nang mahayag ang mga kasalanan at ipokrisya ni Zacharias, madalas kong marinig na siya ay hindi tunay na ligtas. Umano’y walang tunay na mananampalataya ang makagagawa ng kaniyang ginawa.
Ngunit hindi ganito ang narinig ko tungkol kay Ladd. Kahit na nang mabantog ang kaniyang kasalanan at ipokrisiya, hindi ko narinig ang mga ito hanggan kamakailang pagkalimbag ng kaniyang biyograpo. Kahit na nang nalimbag na ito, isang manunuri ang nagkomento, na si Ladd ay “isang Cristianong may pagkukulang na ginamit nang husto ng Diyos.”I Ipinunto naman ng isa na ang buong mundong Ebangheliko ay may utang sa kaniyang Biblikal na iskolarship. Bagama’t siguradong mayroon, wala akong narinig na kahit sinong kumukwestiyon sa walang hangganang kapalaran ni Ladd.
Ngunit ang parehong teologong mga ito ay mga ipokritong alipin ng laman. Bakit tila inaabot kay Ladd ang biyaya at awa sa pagsusuri ng kaniyang buhay ngunit hindi kay Zacharias? Marahil dahil si Ladd ay isang iskolar na Ebanghelikong nag-aral sa Harvard samantalang ang kredensiyal ni Zacharias ay napakahina. O marahil dahil harapang inatake ni Ladd ang Dispensasyonalismo at Free Grace Theology, kaya panig sa kaniya ang maraming teologong kapareho niya ng paniniwala. Para sa marami, marahil nakikita ng mga tagataguyod na mga Calvinista’t Lordship Salvation na ang kasalanan ni Zacharias ay mas malala kaysa kay Ladd. An-g pagnanasa at pang-aabusong sekswal ay nagdidiskwalipika sa isang taong maging anak ng Diyos. Ang adiksiyon sa droga, pagmamahal sa sanlibutan at ang kapalaluan ay hindi. Hindi kung ikaw ay isang ginagalang na teologo.
Ito ay walang kasaysayan. Kung ang pagiging ipokrito’t makalaman na mananampalataya ay nangangahulugang si Zacharias ay wala sa kaharian, tayo ay maging patas. Ganuon din dapat si Ladd.
Tawagin ninyo itong Free Grace. Tawagin ninyo ito sa kung anumang pangalan.ngunit maraming makalamang mga ipokrito ang nasa kaharian ng Panginoon. Kung sila ay nanampalataya, kabilang sa mga ito si Zacharias at Ladd.
__________
- Trevin Was sa https://www.thegospelcoalition.org/blogs/trevin-wax/book-review-a-place-at-the-table/. Tingnan din ang pagsusuri ni Changyoung Lee sa Seminary Studies (Spring 2010): 123-25.