Isang mambabasa ang nagpadala ng isang video ng mensahe ni Pastor J. D. Greear tungkols sa Santiago 2. Sa mensaheng iyan nagkomento si Greear sa San 2:13, “Hindi ka makatatanggap ng uri ng awa na ipinakita saiyo ng Diyos sa pagpatawad ng iyong mga kasalanan at hindi mo iyan ibigay sa iba” (tingnan dito sa 25:45). Nagpatuloy siya sa paglalarawan ng isang taong nasagasaan ng isang trak na 18-wheeler ngunit walang anumang sugat. “Hindi ka maaaring tamaan ng ganiyang uri ng pwersa at manatiling pareho.” Ang punto niya ay hindi maaaring ang isang tao ay tamaan ng nagliligtas na kapangyarihan ng Diyos at manatiling pareho. Ang mga taong ipinanganak na muli ay kakaiba at kumikilos nang iba sa mga hindi ligtas na tao.
Tama ba siya?
Kakaiba nga ba ang mga taong naipanganak nang muli?
Masasabi mo ba kung ang isang tao ay naipanganak nang muli matapos silang masdan nang ilang oras?
Masasabi mo bang ikaw ay naipanganak nang muli sa pagmamasid sa iyong sarili sa loob nang ilang oras?
Ang sagot sa lahat ng mga tanong na ito ay “Hindi.” Walang garantiya na ang mga taong naipanganak nang muli ay kakaiba sa mga hindi mananampalataya.
Paano natin nalalaman?
Ito ang sinasabi ng Biblia.
Sinaway ni Pablo ang mga mananampalataya sa Corinto sapagkat marami sa kanila ay namumuhay na tulad ng mga hindi mananampalataya sa Corinto: “sapagkat kayo ay mga nasa laman. Kung saan naghahari ang pagkainggit, pagtatalo at pagkakahati sa inyo, kayo ay makalaman at umaasal na gaya ng mga karaniwang mga tao?” Ang salitang karaniwan ay wala sa Griyego. Sila ay umaasal na gaya ng likas sa mga tao (1 Cor 2:14). Umaasal sila na gaya ng mga hindi mananampalataya.
Walang pangako sa Kasulatan na ang mga mananampalataya ay kakaiba.
Hindi ka kailan man magkakaroon ng katiyakan ng iyong kaligtasan kung ito ay ibabase mo sa iyong gawi. Ito ay isang imposibleng pangarap. Bakit? Dahil ang mga mananampalataya ay nagkakasala (Roma 3:23; 1 Juan 1:8, 10). Lahat tayo ay hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
Si J. D. Greear ay isang mahusay na mananalumpati. Siya ay mainit, at nakikihalubilo sa kaniyang mga makikinig. Ngunit siya ay nanghahawak sa Lordship Salvation. Sinasabi niyang upang maipanganak na muli, kailangan mong italaga ang iyong buhay kay Cristo, tumalikod sa iyong mga kasalanan at sumunod kay Cristo.i At kung ang iyong buhay ay hindi nagpapakita na ikaw ay radikal na nabago, ito ay nagpapakitang hindi ka tinamaan ng kapangyarihan ng Diyos.
Ang pagkakaroon ng mabuting intensiyon ay hindi sapat. Kapag ating pinilipit ang Salita ng Diyos, ang ating pangangaral ay hindi mabuting balita.
__________
- Tingnan, J. D. Greear, Gospel (Nashville, TN: B & H Publishing, 2011), pp. 47, 244-45; Stop Asking Jesus into Your Heart (Nashville, TN: B & H Publishing, 2013), pp. 56, 61, 79-81.