Ito ay kakaiba sa pandinig ng mga sibilyan pero patotohanan kong ang mga miyembro ng elitong pwersa ng military ay ganadong lumaban kapag ang bansa natin ay pumasok sa digmaanl. Ibinibilang nilang malaking karangalan na depensahan ang kanilang bansa at tapusin ang anumang banta. Nakikita nila ang kanilang mga sarili bilang tagapagtanggol ng kanilang sariling pamilya at mga kaibigan.
Isang araw magkakaroon ng digmaan- ang digmaan ng Armagedon- na lalahukan ng lahat ng hukbo ng sanlibutan. Mahirap paniwalaaan pero bubuo sila ng alyansa upang labanan ang Panginoong Jesucristo sa Kaniyang pagbabalik upang hatulan ang sanlibutan sa kasalanan nito, dalhin ang hustisya, at itatag ang matuwid na kaharian. Bagama’t hindi Niya kailangan ng hukbo, mayroon siyang kasamang lalaban para sa Kaniya.
Nilalarawan ng Pah 17:14 ang mga lalaban sa mabuting pakikipaglaban kasama ng Panginoon sa araw na iyon. Sila ay tinatawag ni Juan bilang “tinawag, pinili at tapat.” Sino ang mga taong ito?
Posibleng tinutukoy ni Juan ang mga mananampalatayang Judio na buhay sa katapusan ng Tribulasyon. Sila lahat ay tapat, na nakatiis ng iba’t ibang pagsubok na mararanasan nila sa loob ng pitong taon ng kapighatian.
Ngunit sa tingin ko, karamihan sa mga tao ay nakikita ang mga sundalong ito sa tabi ni Panginoon bilang Iglesia. Sa Pah 19:14, 16, si Jesus ay tinawag na “Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon.” Ang mga mananampalatayang Judio sa mundo ay hindi bababa mula sa langit sa pagdating ni Jesus. Ngunit ang Iglesia ay oo.
Kung ipalalagay nating ang mga sundalong ito ay ang Iglesia, sino sila talaga? Ang kanilang bilang ba ay ang buong Iglesia o iilan lamang?
Lagi kong ipinalagay at ako ay naturuan na ang Pah 19:14 ay patungkol sa lahat ng mga Cristiano. Ngunit nang aking siyasatin ito nang malapitan, marahil hindi ito tama. Hindi lahat ng mananampalataya ay matatawag na “tapat.” Halimbawa, nagbigay si Jesus ng parabula, na nagbabanggit ng katotohanang ang ilang mananampalataya ay tapat, at ang ilan ay hindi (Mat 24:45).
Madalas marinig na ang mga mananampalatayang ito ay “tinawag at pinili.”Madalas gaya nang ipinakita ng iba, mas maiging makita ang mga salitang ito bilang paglalarawan ng mga pinili at tinawag para sa espesiyal na paglilingkod. Ang mga salitang ito ay walang kinalaman sa pagpahayag kung sino ang mananampalataya at kung sino ang hindi.
Sa Roma 8, nagbabanggit si Pablo ng pighating kasama ni Cristo at paghaharing kasama Niya. Ang mga ito ay mananampalatayang lumalakad sa pamamagitan ng Espiritu (v 14, 17-18). Hindi lahat ng mananampalataya ay lumalakad sa Espiritul samakatuwid hindi sila lahat ay namimighating kasama ng Panginoon. Hindi lahat ng mananampalataya ay maghaharing kasama ni Cristo. Ang mga mananampalatayang nagdusang kasama ni Cristo ay tinawag upang magharing kasama Niya (v 30).
Sa tingin ko nang binanggit ni Juan ang mga “tinawag, pinili at tapat” sa Digmaan ng Armagedon, hindi niya tinutukoy ang lahat ng mananampalataya. Tinutukoy niya ang mga maghaharing kasama ni Cristo sa Kaniyang kaharian. Sila ay gagantimpalaan. Ang isa sa mga gantimpala ay ang pribilehiyo ng pagbalik kasama Niya sa Kaniyang pagdaig sa Kaniyang mga kaaway.
Ang ilan ay umaatras sa ideyang ang mga Cristiano’y lalaban sa isang digmaan, ngunit dapat nating alalahaning si Cristo mismo ang mangunguna dito. Ito kung ganuon ay hindi mali. Mula nang Pagkahulog, ang Sannilalang mismo at ang mga tapat na mananampalataya mismo ay naghahanap ng pagdating ng katuwiran. Kabilang dito ang paghatol sa kasamaan. Si Cristo ang matuwid na Hukom na magbibigay ng matuwid na sentensiya. Ito ay isang malaking karangalan sa isang mananampalatayang pinili at tinawag.
Balikan natin ang aking mga ilustrasiyon, sa digmaan ay laging mayroong elitong mga sundalo. Tinatawag natin sila sa mga pangalang Special Forces, SEAL Teams at Rangers. Binigyan sila ng mga trabahong hindi ibinibigay sa ibang sundalo. Dapat lamang, sila ay ginagalang nang husto ng mga lider ng militar. Sila ay ginagantimpalaan sa kanilang paglilingkod sa iba’t ibang paraan.
Hindi ba’t maganda ang mapabilang bilang isa sa mga “Special Forces” ni Cristo? Kapag dumating Siya bilang matuwid na Hukom at Pinuno ng Kaniyang mga hukbo upang hatulan ang sanlibutan sa kasamaan nito, isipin natin ang pribilehiyo ng pagiging tinawag at pinili upang makilahok sa Kaniyang gagawin sa Kaniyang pagbalik. Anong laking karangalan ang mapabilang na matuwid sa Pinuno!