Sa Galatia, kausap ni Pablo ang mga mananampalatayan at pinaaalalahanan silang, “Huwag kayong padaya; ang Diyos ay hindi napabibiro sapagkat ang lahat na ihasik ng tao ay siya namang aanihin niya” (Gal 6:7). Sinabi niya sa kanilang kung sila ay mamumuhay ayon sa lamang, sila ay aani ng mga bagay na galing sa laman.
Ngunit ang prinsipyong ito ay lapat sa lahat ng mga tao, hindi lamang sa mga mananampalataya. Ang isang magandang halimbawa nito ay nasa 2 Hari 19. Ang hari ng Asiria ay sumugod sa Juda dala ang kaniyang malaking hukbo. Dumating siya sa Jerusalem at sinabihan ang mga Judiong kung hindi sila susuko, wala silang pag-asa.
Sa ganitong gawi, kaniyang tinutuya ang Diyos. Sinasabi niya sa mga taong hindi sila maililigtas ng kanilang Diyos. Ang kanilang Diyos ay walang pinagkaiba sa mga diyos ng ibang mga bansa. Tinalo ng Asiri ang mga bansang ito, at ang kanilang mga diyos ay walang naitulong sa kanila. Ganito rin ang mangyayari sa Jerusalem (18:33; 19:12-13). Ang hari ng Asiria ay nagmamayabang ng lahat niyang tagumpay sa nakapalibot ng mga bansa upang ipakita sa mga Judio ang kawalang katuturan ng paglaban sa kaniya.
Ang hari ng Asiria ay nagsasabing kaniyang kukubkubin ang lunsod, sila ay magugutom at mapipilitang kumain at uminom ng kanilang sariling dumi (18:27). Ang kanilang pagkatalo ay tiyak. Ang karamihan sa kanila ay mamamatay (18:32) dahil hindi sila maililigtas ng kanilang Diyos. Ang mga mabubuhay ay dadalhin sa pagkabihag na may mga pangaw sa kanilang mga ilong at labi (19:28).
Ang lahat ng ito ay isang paglapastangan sa Diyos. Ang hari ng Asiria ay kinukumpara ang Diyos na naglalang ng langit at ng lupa (19:15) sa mga huwad na diyos na gawa ng mga kamay ng mga tao. Tinutuya niya ang Diyos ng Israel.
Sinabi ni Isaias sa mga Judio na huwag matakot sa hari ng Asiria. Ang salita ng hari ay isang ironiko; nagyayabang siya sa kaniyang mga tagumpay sa gyera ngunit ang Diyos ang kaniyang tintuya na Siyang nagbigay sa kaniya ng mga tagumpay na ito (19:25-26).
Ang mga diyos na gawa sa bato at kahoy ay hindi makapagliligtas kaninuman. Ngunit ang Diyos ng Israel ay hindi diyos na gaya ng mga ito, at makapagbibigay ng tagumpay sa Kaniyang bayan. Ang mga Asirio ay nagsasabing kakain ng dumi ang mga taga-Jerusalem. Sinasabi ng Diyos na sa halip, ang Kaniyang bayan ay kakain ng sarili nilang pananim at makararanas ng masaganang ani (19:28). Ang mga Asirio ay nagsasabing mamamataya ang mga Judio. Ngunit pinatay ng Diyos ang 185, 000 sa mga Asirio; sila ang mamamatay(19:35). Tinatakot ng hari ng Asiria si Ezekias, ang hari ng Juda, ng kamatayan. Ngunit ang hari ng Asiria mismo ang mamamatay. Sinabi ng mga Asirio na hindi maililigtas ng Diyos ng Israel ang hari, ngunit ang pinuno ng Asiri ang mamamatay sa templo ng kaniyang huwad na diyos (19:37). Ang mga Asirio ay nagsasabing mamamatay ang mga Judio. Sinabi ng Diyos na sila ay mabubuhay.
Sinabi ng Asirio na kaniyang dadalhin sa pagkabihag ang mga natira sa mga Judio nang may pangaw sa ilong. Sa halip, ang mga Asirio ang napilitang lumikas sa Juda matapos ang kahiya-hiyang pagkatalo.
Sa madaling salita, lahat ng sinabi ng haring Asirio na hindi kayang gawin ng Diyos ay Kaniyang ginawa. Nilapastangan ng hari ang Diyos, samantalang sa bandang huli, ang kaniyang diyos na gawa sa kahoy at bato ang hindi makaliligtas sa kaniya.
Hindi mabibiro o matutuya ang Diyos. Ang isang mananampalataya ay hindi maiwawala ang kaniyang kaligtasan ngunit kung siya ay mamumumuhay sa laman bilang pagsuway sa sinasabi ng Diyos, kaniyang aanihin ang pagkawasak at pagkawala ng gantimpala. Maging sa hindi nananampalatayang mundo, ang parehong prinsipyo ay lumalapat. Sa ating panahon, malinaw nating nakikita ang karamihan sa mga taong tumutuya sa Diyos. Kanilang kinukwestiyon ang Kaniyang pag-iral. Sa katotohanan, kanilang nililibak at tinatanggi ito. Gaya ng hari ng Asiria, kanilang tinutuya ang Kaniyang kakayahang gawin ang mga pangako Niya sa Kaniyang bayan. Kanilang hinahamak ang mga moral na alituntuning Kaniyang tinatag para sa Kaniyang nilalang.
Sa ating pagtingin sa paligid, nakikita natin ang nangyayari, at madali tayong panghinaan ng loob. Bakit walang ginagawa ang Diyos sa lahat ng deprabidad sa ating paligid at bakit hindi Siya tumutugon sa mga sinasabi ng sanlibutan laban sa Kaniya? Ngunit kung ganito tayo mag-isip, kailangan nating pansinin kung ano ang talagang nangyayari. Nakikita na natin ang kaguluhan at pagkawasak na dala ng mga kalapastanganang ito sa buhay ng mga humahamak sa Kaniya. an gating mga lunsod at kultura at puno ng patunay.
Alam din nating, sa huli, ang lahat ng pag-aalipustang ito ay pansamantal lamang. Darating si Cristo upang hatulan ang sanlibutan. Ito ang isa sa pangunahing tema ng Aklat ng Pahayag. Hindi matutuya ang Diyos. Ito ay katotohanang unibersal. Ang mga mananampalatayang lumalakad sa pagsuway ay matututunan ang aral na ito. Natutunan ito ng mga Asirio at ng kanilang hari. Hindi malaon, matututunan din ito ng buong sanlibutan.