Si Mark ay may napakagandang tanong:
Mayroon akong tanong tungkol sa pangunahing pahayag na tayo ay “manampalataya kay Jesus (Ang Tagapagbigay) para sa pangako ng buhay na walang hanggan (ang Regalo).” Kailangan ba nating manampalataya sa bawat pangako ng Diyos upang matamo ang mga ito, o ito ba ay para lamang sa pangako ng buhay na walang hanggan?
Sa tingin ninyo ilang pangako mayroon sa Biblia? Ang hula ko ay marahil libo-libo. Pagnilayang ang mga propesiya ay mga pangako rin.
Isang lalaking nagngangalang Everett R. Storms ang gumugol ng isang tao’t may kalahati upang bilangin ang lahat ng mga pangako at ang kaniyang bilang ay 8, 810 ayon sa sumusunod: mga pangako ng Diyos sa atin, 7, 487; pangako ng isang tao sa kaniyang kapwa, 991; pangako ng mga tao sa Diyos, 290; at iba pang mga kombinasyon. Tingnan ito para sa artikulo tungkol sa kaniyang pag-aaral. Ang artikulo ay nagsasabing, ang tantiya sa bilang ng mga pangako sa Biblia ay “nasa pagitan ng 3, 000 hanggang 30, 000, na tila napakataas dahil mayroon lamang 31, 173 na sitas ang Biblia.”i
Iminumungkahi kong ang mga pangako ng Diyos ay minsan kundisyunal at kung minsan ay hindi kundisyunal.
Ang mga halimbawa ng mga hindi kundisyunal na pangako ng Diyos ay ang lahat ng propesiya tungkol sa una at ikalawang pagbabalik ni Jesus. Ang pangako ng bahaghari- na ang Diyos ay mag-iingat sa mundo- ay hindi kundisyunal. Amg pangakong lilipas ang langit at lupa ay hindi kundisyunal. Sa tantia ko nasa isang katlo o higit pa sa mga pangako ng Diyos ang hindi kundisyunal.
Ang mga kundisyunal na pangako ay may malawak na aplikasyon.
Ang tanging kundisyunal na pangako na mapanghahawakan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ay ang pangako ng buhay na walang hanggan. Subalit, mayroong dalawang pangakong pinag-uusapan. Una ay ang pangakong sa sandaling tayo ay manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, tayo ay may kasiguruhan magpakailan man. Ang isa pa ay hangga’t tayo ay patuloy na sumasampalataya sa Kaniyang pangako ng buhay na walang hanggan, tayo ay mananatiling tiyak ng ating walang hanggang kapalaran.
Narito ang iba’t ibang pangako at ang kanilang karampatang mga kundisyon:
Pangako |
Kundisyon |
Paghaharing kasama ni Cristo |
Magtiis sa pagpapahayag kay Cristo (2 Tim 2:12) |
Natatagong manna |
Magtiis sa pagpapahayag kay Cristo |
Karapatan sa Puno ng Buhay |
Magtiis sa pagpapahayag kay Cristo |
Espesiyal na Putting Bato |
Magtiis sa pagpapahayag kay Cristo |
Pagpupuri mula kay Cristo |
Magtiis sa pagpapahayag kay Cristo |
Kayamanan sa langit |
Ipaunang padala sa langit (Mat 6:19-21) |
Pinakikinggang panalangin |
Tratuhin nang maayos ang asawa |
Pagkain |
Magtrabaho gamit ang mga kamay |
Bunga ng Espiritu |
Lumakad kasama ang Espiritu (Gal 5:22-24) |
Kapatawaran ng mga kasalanan |
Lumakad sa liwanag at ipahayag ang mga kasalanan |
Mahabang buhay |
Igalang at sundin ang mga magulang (Ef 6:1-3) |
Dobleng paggalang |
Mamunong husay bilang isang matanda sa simbahan |
Biyaya mula sa Diyos |
Maging mapagkumbaba (San 4:6) |
Pagbabago ng buhay |
Hayaan ang isipang baguhin ng Salita ng Diyos |
Kahihiyan sa Bema |
Kabiguang makatiis sa pananahan kay Cristo (1 Juan 2:28) |
Pagsaway ni Cristo |
Tumigil na maghintay sa malapit na pagbabalik ni Cristo |
Marami pang mga pangako at mga kundisyon. Hinihikayat ko kayong gumawa ng inyong sariling lista at ibahagi ito sa inyong Sunday school at pag-aaral ng Biblia. Maliban sa ilang halimbawa, hindi ko sinulat kung saan makikita ang mga pangako at mga kundisyong ito. Hinihikayat ko kayong hanapin ang mga ito para sa inyong mga sarili.
Ang mga kundisyunal na pangako ng Diyos ay madalas matamo sa pamamagitan ng pagsunod sa sinasabi ng Diyos na dapat gawin upang matamo ang mga pangakong ito. Ang pagsunod sa Diyos ay nakabubuti para sa atin. Ang pagsuway ay masama para sa atin. Ang Diyos ay nangangako ng pagpapala sa pagsunod at ng mga sumpa sa pagsuway (cf Levitico 26; Deuteronomio 28).ii
_________
i Hindi ba’t lahat ng inulat ng Diyos bilang kasaysayan ay isa ring hindi diretsong pangako ng Diyos na ang mga ito ay talagang nangyari? Sinasabi kong ang kasaysayan at propesiya ay sa pinakadiwa ay mga pangako ng Diyos. Samakatuwid maaaring may maraming pangako sa iisang sitas. Halimbawa, ang Gen 1:1 ay nangangakong 1) ang langit at lupa ay nilalang; 2) na ang Diyos ang siyang Lumalang; at 3) na ang panahon ng paglalang ay “sa pasimula.” Sa tingin ko hindi binibilang ni Storms ang kasaysayan at ang mga propesiya bilang mga pangako. Kaya ang mga pangako sa Biblia ay maaaring lumagpas sa 8, 810.
ii Samantalang ang mga kabanatang ito ay para sa Israel, sila ay lumalapat sa mga mananampalataya at sa mga bansa ngayon. Ang motif ng pagpapala at sumpa ay masusumpungan din sa BT.