Isang karaniwang awit sa mga sirkulong Cristiano ngayon ay dapat magmahalan tayong mga Cristiano. Kailangan nilang isantabi ang pagkakaiba. Sinabihan tayong mahalin ang lahat ng tao. Kung totoo ito, mas lalong dapat nating mahalin ang mga kapwa mananampalataya. Nakikita bilang isang kasiraan ang pagkakaiba sa pagitan ng mga Cristiano na siyang pumipigil sa kanilang magmahalan sa bawat isa. Kadalasan, kakabit nito ang pananaw na nagsasabing ang doktrina ay maaaring makahadlang sa daan ng pag-ibig pag hinayaan natin ito.
Ang pananaw na ito ay nagsasabing sekondaryo ang katotohanan sa panawagan ng pag-ibig. Maaari tayong hindi magkasundo sa kung ano ang totoo basta nagmamahalan tayong lahat.
Amg Ikalawang Juan ay isang maikling aklat ngunit ang kaniyang pambungad na mga sitas ay mahalaga sa paksang ito. Sa unang apat na sitas, binanggit ni Juan nang makalimang beses. Dalawa sa limang beses, kinabit niJuan ang katotohanan sa pag-ibig. Sumulat siya sa isang iglesia at mga miyembro nito (“Hirang na babae at kaniyang mga anak”). Sinabi niyang mahal niya sila sa katotohanan (v1). Sinabi niyang hindi lamang siya ang nakararamdam ng ganito sa kanila. Ang lahat ng nakakikilala ng katotohanan, ay ganito rin ang pakiramdam (v1). Binanggit ni Juang ang katotohanan ay nananatili sa atin (v2). Ang biyaya, awa at kapayapaan ay nanggaling pareho sa Ama at Cristo, “sa katotohanan at pag-ibig” (v3). Panghuli, sinabi niyang ang mga miyembro ng iglesiang ito ay lumalakad sa katotohanan (v4).
Ang “katotohanan” dito ay malinaw na tumutukoy sa doktrinang tinalakay sa naunang epistula ng 1 Juan. Kabilang na dito ang mga katotohanang si Jesus ang Cristo at sa Kaniya ay mayroon tayong buhay na walang hanggan. Ang mga ito ay ilan sa mga katotohanang tinatakwil ng mga huwad na gurong banta sa mga mambabasa ni Juan.
Anupaman ang masasabi natin tungkol sa katotohanang ito, malinaw na ito ay mahalaga kay Juan. Mahal niya ang iglesiang ito, ngunit mahal niya sila sa katotohanang ito. Ang kanilang pinaniniwalaan at kung paano sila tumugon sa paniniwalang iyan ay mahalaga. Nang sabihin niyang silang “nakaaalam ng katotohanan” ay kabahagi ng kaniyang pananaw tungkol sa iglesiang ito, tinutukoy niya ang mga sakdal na mananampalatayang sumusunod sa pinahayag ng Diyos (1 Juan 2:3-4, 13ss). Ang pag-ibig sa ibang mananampalataya ay mula sa kaalamang gaya nito (1 Juan 4:7-8).
Naranasan ng mga Cristiano ang biyaya, awa at kapayapaan mula sa Diyos at kay Cristo “sa katotohanan at pag-ibig.” Napansin ninyo bang inuna ni Juan ang katotohanan? Hindi lamang niya sinabing magkasama ang katotohanan at pag-ibig; sinasabi niya ring hindi natin maipakikita ang sakdal na Cristianong pag-ibig kung walang katotohanan. Hindi nakapagtatakang tinapos ni Juan ang kaniyang konklusyon na siya ay natutuwang malamang na sila ay lumalakad (namumuhay) sa katotohanan.
Ano ang masasabi natin sa mga bagay na ito? Walang duda, ang doktrina ay mahalaga. Oo, kailangan nating mahalin ang lahat. Nangangahulugan itong nais natin ang pinakamahusay para sa kanila. Ngunit ano ang pinakamahusay para sa mga nagtatakwil sa pundamental na katotohanan. Paano ang mga tumatakwil sa eternal na seguridad ng mga mananampalataya? Paano ang mga nangangaral ng evangelio ng mga gawa? Ang mga mensaheng ito ay tumatakwil sa katotohanang binabanggit ni Juan. Para sa mga hindi makaunawa sa mga konseptong ito, minamahal ba natin sila kung hindi natin ituturo ang kanilang mali? Sa ibang pagkakataon, ang mga taong ito ay dating naniwala sa mensahe ng biyaya. Minamahal ba natin sila sa hindi pagtuturo ng kanilang paglayo sa katotohanan?
Mayroon pang isang elemento sa pag-ibig at katotohanang hindi madalas matalakay. Samantalang tinatawag ang mga Cristianong magmahalan sa bawat isa, hindi ba halatang may ibat ibang antas ng pag-ibig? Iniibig ng Diyos ang sanlibutan (Juan 3:16) at, lalo na ang mga mananampalataya na Kaniyang mga anak. Ngunit tama bang sabihing mas malaki ang pag-ibig ng Diyos sa iba kumpara sa iba? Sa Juan 14:23, kausap ni Jesus ang Kaniyang mga alagad, ilang oras bago siya arestuhin. Sinabi Niya sa kanilang kung iniibig nila Siya, tutuparin nila ang Kaniyang mga salita (tamang doktrina!). Kung gagawin nila ito, iibigin sila ng Diyos ang mananahan sa kanila. Malinaw na dati na silang iniibig ng Diyos. Sinasabi ni Jesus na kung iibigin nila Siya at tutuparin ang Kaniyang mga salita, iibigin sila ng Diyos nang mas mataas na antas ng pag-ibig.
Siguradong ito ang tinutukoy ni Juan. Mahal niya ang lahat ng mananampalataya. ngunit ang iglesiang ito ay isang masunuring iglesia. Ang mga mananampalataya rito ay nanghahawak sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Nanghahawak sila sa tamang doktrina. May espesyal na pagsinta si Juan sa kanila dahil dito.
Marami ang nagpapahayag ng parehong sentimyento gaya ng kay Juan. Kapag nagtitipon ang mga tagataguyod ng Free Grace, madalas silang maringgang: “Mayroon akong espesyal na koneksiyon sa mga taong ito.” Kapag ang mga tao ay lumalakad sa katotohanan ng tamang doktrina- sa biyayang binabanggit ni Juan sa 1 Juan- may kasiyahan at karanasan ng pag-ibig ng Diyso na hindi umiiral para sa mga hindi lumalakad sa katotohanan.
Ang pag-ibig sa iba ay isang maginoong hangarin. Ngunit ang katotohanan- ang tamang doktrina- ay bahagi ng pormula. Hindi pag-ibig ang hayaang ang ibang, kabilang na ang mga kapwa Cristiano- maniwala sa huwad na doktrina. Kapag ang mga mananampalataya ay naniwala at lumakad sa tamang doktrina nang magkakasama, may mas malalim na karanasan ng pag-ibig ng Diyos na nais ng Diyos na umiral sa Kaniyang mga anak.