May 2.38 bilyong nagpapakilalang Cristiano ngayon. Sa mga ito tanging 200 milyon, o nasa 9% ng mga nagpapakilalang Cristiano, ang naniniwala sa walang hanggang seguridad hiwalay sa pagtitiis.
Ang Evangelio ni Juan ay nag-uulat ng mga turong evangelistiko ni Jesus. Ipinapakita ni Juan si Jesus na nagtuturong ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay may walang hanggang seguridad sa sandali ng pananampalataya, hiwalay sa pagtitiis. Hindi nakapagtatakang maraming mga pastor at teologo ang umiiwas sa aklat na sumasalungat sa kanilang mga aral.
Ang nakagigilalas ay, ilan sa 200 milyong naniniwala sa eternal na seguridad hiwalay sa pagtitiis ay umiiwas din sa Evangelio ni Juan. Ito ay dahil hindi sila naniniwalang kailangan ng isang taong maniwala kay Jesus para sa hindi nababawing buhay/kaligtasan na Kaniyang ipinangako. Sinasabi nilang ang sinumang nananampalataya sa pagka-Diyos, kamatayan at pagkabuhay na maguli (DDR) ni Jesus ay may eternal na kasiguruhan kahit pa ang mga naniniwala sa Kaniyang DDR ay hindi naniniwala sa pangako ng buhay na walang hanggan. Ito ay nagreresulta sa isang uri ng Cristianong unibersalismo. Ang mga taong ito ay naniniwalang ang halos lahat ng 2.38 bilyong nagpapakilalang Cristiano ay ipinanganak na muli. Nakikita nila ang katiyakan ng walang hanggang kapalaran ng isang tao bilang isyung sanktipikasyon, at hindi isyung pag-aaring matuwid.
Ang pangako ng buhay na walang hanggan sa lahat ng mga nanampalataya kay Jesus para rito ay masusumpungan sa buong BT. Ngunit, ang Evangelio ni Juan ang tanging lugar kung saan ito ay ipinapakita sa halos bawat pahina. Ito ang dahilan kung bakit maraming lider Cristiano ang bihirang dumutdot ng kanilang mga paa sa tubig ng Ikaapat na Evangelio.
Ang mabentang aklat, The Gospel According to Jesus, ay sinulat ng ulo ng isang lalaking may malaking iglesia, ministri sa radio, kolehiyo ng Biblia at seminaryo. Sa unang edisyon ng aklat na iyan, sumulat siya tungkol sa Juan 3:14-15 at sa itinaas na tansong ahas sa Bilang 21. Inespikula niya: “Upang makatingin sa tansong ahas sa poste, kailangan nilang hilahin ang kanilang sarili sa kung saan makikita nila ito” (p. 46). Ang pahayag na iyan ay inalis sa ikalawa at ikatlong edisyon dahil sa kritisismong natanggap ng may-akda. Wala sa Bilang 21 ang nagmumungkahing kailangan nilang hilahin ang kanilang mga sarili sa harap ng itinaas na tansong ahas.i
Sinulat ni Warren Wiersbe:
Hindi tinusok ni Moises ang poste sa loob ng Tabernakulo, o kahit sa korte ng Tabernakulo dahil walang sinumang naligtas sa pag-iingat ng kautusan. Ang itinaas na ahas ang tanging gamot sa buong kampo, kung paanong si Jesucristo ang tanging Tagapagligtas ng lahat ng mga makasalanan sa sanlibutan (Gawa 4:12; Juan 14:6). Walang maaaring tumingin sa tansong ahas para sa ibang tao; bawat naghihngalong makasalanan ay kailangang tumingin para sa kaniyang sarili. Ang kaligtasang inaalok ni Cristo ay personal at indibidwal, at ang bawat isa sa ating ay kailangang tumingin kay Cristo sa pananampalataya. Anumang pagsisikap ang kanilang gawin, walang naghihingalong Judio ang makapagliligtas ng kaniyang sarili. Ang tanging kaligtasang nariyan ay ang buong biyayang ibinigay ng Diyos, at kung ito ay iyong itakwil, mamamatay ka (Be Counted, p. 93).
Kapag ang taong hindi sang-ayon sa mensahe ng Evangelio ni Juan ay tinatalakay ito, binabago nila ang kahulugan upang lumapat sa kanilang teolohiya ng pagtitiis.
Tinuro ng Panginoon na ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay may buhay na walang hanggang hindi maiwawala (Juan 3:14-18; 4:10-26; 5:24, 39-40; 6:35, 37, 39, 40, 47; 11:25-27). Hulaan ninyo kung anong klaseng tugon ang Kaniyang natanggap. Sinabi ni Juan: “Siya ay pumunta sa Kaniyang sarili ngunit ang Kaniyang sarili ay hindi siya tinanggap”(Juan 1:11). Ang populasyon ng Israel sa panahon ni Cristo ay tinatantiyang nasa 600, 000. Si Jesus ay mayroon lamang 500 na tagasunod sa katapusan ng Kaniyang ministri (1 Cor 15:6). May nadala Siyang siguro 1,000 taong manampalataya sa Kaniya sa loob ng tatlo at kalahating taon ng ministri. Karamihan sa Israel ay inaakalang Siya ay isang huwad na guro at huwad na mesiyas.
Tayo man ay tatawagin ding huwad na mga guro kung ituturo natin ang Kaniyang tinuro.
Ito ay isang paraan upang magbata para sa Kaniya (Fil 1:29).
Kailangan nating pahalagahan nang husto ang mga salita ng Panginoong Jesus sa Evangelio ni Juan sa ating pagbabahagi ng ating pananampalataya. Ang pag-iwas sa Kaniyang salita sa nag-iisang aklat ebanghelistiko ng Biblia ay isang masamang ideya.
_____
- Dahil sa ang poste ay nagagalaw at ibinigay ito ng Diyos upang paraan ng paggamot, maaaring pinaikot ito ni Moises sa buong kampo. Maaari ring nilagay niya ang poste sa sapat na taas upang ang kahit sinuman sa kampo ay makatitingin saan man siya naroon. Alin man sa mga ito, sinasabi ng Bilang 21:9 na ang itinaas na tanso, gaya ng itinaas na Panginoong Jesucristo (Juan 3:14-15),ay nariyan para gamutin ang lahat ng titingin.