Sinulat ko ang aking disertasyon sa DTS tungkol sa pagsisisi noong 1985. Kamakailan, sumulat ako ng isang aklat tungkol sa pagsisisi na may pamagat na Turn and Live. Ngunit hindi pa ako natanong ng tanong na tinanong ni M. G. sa pamamagitan ng email:
“Tumpak bang sabihing ang gamit ng magsisi at pagsisisi na masusumpungan sa Luma at Bagong Tipan ay laging nakatuon sa mga Judio? Mayroon bang anumang pasaheng nananawagan sa mga Gentil sa pagsisisi?”
Ito ay magandang tanong. Hindi ko pa ito natalakay.
May ilang mga sitas na espisipikong nananawagan sa mga Gentil sa pagsisisi. Ngunit tama si M. G. na karamihan sa mga reperensiya sa pagsisisi ay tungkol sa Bansang Israel.
Tinatawagan ng LT ang Israel na”tumalikod sa kaniyang masasamang gawi” (ang karaniwang ekspresyon ng LT sa pagsisisi) nang maraming beses (hal 2 Cron 7:14).i Mayroon lang ilang beses na tinawagan ang mga bansang Gentil sa pagsisisi (hal Jonas 3ii; Amos 1:3-2:3iii). (Minsan ang pagbalik ng mga Gentil sa Panginoon sa hinaharap ay hinuhula, gaya ng Awit 22:27; Is 42:6-7).
Sa Bagong Tipan, ang panawagan sa pagsisisi ay paibaiba, depende sa aklat na pinag-uusapan.
Ang bawat gamit ng mga salitang magsisi at pagsisisi sa Sinoptikong Evangelio ay nakatuon sa Israel, maliban sa Dakilang Komisyon sa Lukas. Dito, ang mga apostol ay sinabihang “ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay ipinangaral sa Kaniyang pangalan sa lahat ng mga bansa, simula sa Jerusalem” (Lukas 24:47).
Walang reperensiya sa pagsisisi sa Evangelio ni Juan.
Sa labing-isang gamit ng mga salitang ito sa Gawa, lima lamang ang tumutukoy sa pagsisisi ng mga Samaritano o ng mga Gentil (Gawa 8:22; 11:18; 17:30; 20:21; 26:20).
Ang dinosenang reperensiya sa Pahayag ay lahat patungkol sa mga Gentil. Pito ang panawagan sa mga mananampalatayang Gentiliv na magsisi (Pah 2:5, dalawang beses, 16, 21, ; 3:3, 19). Sa natititrang bahagi ng aklat, may apat na reperensiya sa katotohanang ang mga Gentil ay hindi magsisisi ng kanilang masasamang gawa sa Tribulasyon (9:20, 21; 16:9, 11).
Mayroon lamang limang reperensiya sa pagsisisi sa labintatlong epistula ni Pablo. Apat sa mga ito ay patungkol sa pagsisisi ng mananampalatayang Gentil (2 Cor 7:9, 10; 12:21; 2 Tim 2:25). Iisa lamang ang posibleng reperensiya sa hindi mananampalatayang Gentil (Rom 2:4).
Ang Hebreo ay may tatlong reperensiya sa pagsisisi, lahat ay nakatuon sa mga mananampalatayang Judio (Heb 6:1, 6; 12:17).
Si Pedro ay nagbanggit ng pagsisisi nang isa lamang na beses, na nagsasabing hangga’t may sapat na pagsisisi sa buong mundo, pinapaliban ng Diyos ang pagbabalik ni Cristo at bilyon-bilyong kamatayang mauuna rito sa panahon ng Tribulasyon (2 Ped 3:9).
Sa LT, ang panawagan sa pagsisisi ay halos ekslusibong nakatuon sa mga Judio.
Sa BT, ang mga panawagan sa pagsisisi ay halos nakatuon sa mga mananampalataya, ngunit minsan ay sa mga hindi mananampalataya.
Kailan man ay hindi pinakita ang pagsisisi sa LT o sa BT man bilang kundisyon para sa buhay na walang hanggan.
Ang Israel ay tinawag sa pagsisisi sa mga ministerio ni Juan Bautista at ng Panginoong Jesus. Sa Aklat ng Gawa, ang mga panawagang ito ay nagpatuloy sa pag-aalok ng mga apostol ng kaharian sa henerasyong ito ng mga Judio.
Hinihikayat ko kayong mag-aral para sa inyong sarili. Mayroon lamang limampu’t limang gamit ng magsisi at pagsisisi sa BT. Pag-aralan ninyo ang mga ito ay makikita ninyong ang pagsisisi ay isyu ng pisikal na buhay at pagpapala, hindi isyu ng walang hanggang kapalaran. Makikita ninyo rin na madalas ang mga Judio ang tinatawag sa pagsisisi.
_____
- Tingnan ang artikulo ko sa pagsisisi sa LT: https://bible.org/seriespage/2-doctrine-repentance-old-testament.
- Samantalang si Jonas ay nagbabanggit ng paparating na kahatulan, at hindi pagsisisi, alam ng Panginoon- at inaakala na ni Jonas- na ang mga taga-Nineve ay magsisisi at maliligtas bilang resulta ng pahayag ni Jonas
- Samantalang hindi nanawagan si Amos sa mga bansang Gentil na magsisi, ang kaniyang pahayag tungkol sa darating na paghuhukom ay dapat na magturo sa kanilang pagsisisi.
- Ang mga ito ay panawagan sa mga mananampalataya sa mga pangunahing Gentil na iglesia na magsisi. Bagama’t maaaring may mga mananampalatayang Judio sa mga kongregasyong ito, ang mga iglesiang ito ay binubuo sa karamihan ng mga Gentil.