Nagkolehiyo ako sa US Air Force Academy. Hindi ko nais na ipintang terible ngunit ang buhay sa isang kolehiyong sibilyan ay mas Masaya kaysa sa isang akademyang militar. May ilang hindi magandang aspeto sa paggugol nang apat na taon ng iyong buhay sa isang institusyong lahat ay bilang ang kilos.
Ngunit ang mga nasa kapangyarihan ay nagbigay ng matibay na motibasyon upang magtiyaga ang lahat. Ang pangunahing alituntunin ay maaaring pangit ngayon, ngunit mas maigi sa susunod na taon. Ang iyong unang taon ang pinakamasama. Kailangan naming lumakad at kumain na naka-atensiyon. Hindi kami maaaring makipag-usap kaninuman sa publiko maliban kung kausapin ng mga senyor. Ito ay isang taong lahat ng nasa itaas mo ay sinisigawan ka. Ngunit kaming lahat ay laging may susunod na taong tinitingnan.
Ang aming ikalawang taon ay mas maigi. Ngunit may mahihirap na bagay pa rin. Kailangan mong dumalo sa eskwelahan ng surbaybal. Kailangan mong maglingkod bilang CQ. Nangangahulugan itong ikaw ay utusan ng 100 kadete. Kailangan mong umupo sa isang lamesa sa loob ng 24 oras, sumasagot ng telepono para sa lahat. Kailangan mong tiyaking ligtas ang lugar ng eskwadron. Ngunit laging may susunod na taon. Iiwan mo ang eskwelahan ng surbaybal at hindi mo na kailangang magbantay bilang CQ,
Tunay nagnag mas maigi ang ikatlong taon. May natamo kang karagdagang mga oportunidad upang lumabas ng akademya sa katapusan ng linggo. Ngunit ang pinakamahusay na trabaho at karamihan sa mga pribilehiyo ay binigay sa mga senyor. Pinakamahalaga sa lahat, tanging mga senyor lang ang maaaring magmay-ari ng kotse. Bilang isang junior, gusto mo ngunit hindi hindi mo pag-aari ang kalayaang taglay ng mga senyor. Ngunit lahat ay magbabago sa susunod na taon.
Bilang isang senyor, natanggap mo na sa wakas ang iyong kotse. Nakuha mo na ang pinakamahusay na trabaho sa eskwadron. Ngunit ikaw ay isa pa ring kadete. Kumikita ka ng mga 100 dolyares kada buwan. Ngunit kailangan mo pa ring manirahan kasama ng ibang kadete. Ngunit lahat ay magbabago sa susunod na taon. Magtatapos ka na rin. Kikita ka ng mas malaking pera. Maaari kang mag-asawa. Karamihan sa mga kadete ay magsasanay bilang piloto at tutuparin ang buong buhay na pangarap na lumipad.
Ngunit kapag tinanong mo ang mga nagtapos, sila man ay tumitingin pa rin sa susunod na taon. Matapos ang kanilang pagsasanay bilang piloto, tutuparin nila ang pitong taong obligasyon sa Hukbong Panghimpapawid. Pagkatapos sila ay mag-aaplay bilang piloto sa isang sibilyang komersiyal na airlines. Sa simula, hindi sila kikita ng maraming pera. Ngunit matapos ang humigit-kumulang na 20 taon mararating mo na ang Nirvana. Sila ay magiging kapitan sa American o sa Delta Airlines. Oo, ito ay malayo pa. Ngunit kailangan nilang magtrabaho nang husto para sa “susunod na taon.” Kahit pa ang susunod na taon ay 20 taon pa sa hinaharap.
Sa ilang aspeto, ang Cristianong pamumuhay ay hawig diyan. Tayo ay sinabihan ding magtiis. “Sa susunod na taon” lahat ay magiging maigi. Bagama’t hindi natin alam kung hanggan kailan ang “susunod na taon” alam nating darating ito. Sa susunod na taon, kung tayo ay magtitiyaga, tayo ay magiging kahawig ni Cristo. Sa susunod na taon, kung tayo ay magtitiis, tayo ay gagantimpalaan ng Hari sa Kaniyang pagbabalik. Sa susunod na taon, tatanggap tayo hindi ng bagong kotse kundi ng bagong katawan ng kaluwalhatian. Ang mga bagay na ito ay isang malakas na motibasyon para maglingkod sa Panginoon na may antisipasyon sa kung ano ang darating (Roma 8:22-25; 2 Tim 2:12; Heb 6:12). Ang hinaharap ay mas maigi kaysa ngayon.
Subalit sa isang banda, ang aking karanasan sa akademyang military ay hindi katulad ng Cristianong pamumuhay. Sa panghuling pagsusuri, lahat ng pinagtrabahuhan naming mga kadete ay hindi magbibigay sa amin ng satispaksiyon. Ang mga gantimpala ay pansamantala lamang. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nilang madalas sabihin sa amng, “Maghintay ka hanggang sa susunod na taon.” Kapag narating na natin ang bawat layon, kailangan natin ng bagong layon upang mamotiba tayo.
Ilang taon na ang nakaraan, ako ay nasa isang eroplano patungo sa ibang bahagi ng bansa. Isang dalaga ang nakaupo sa aking tabi. Nag-usap kami nang maikling panahon at nalaman kong ang kaniyang ama ay dumalo sa Air Force Academy ilang taon matapos ko. Sinabi niyang siya ngayon ay isang kapitan para sa isa sa mga mayor na airlines. Sinabi ko sa kaniyang narating na ng kaniyang ama ang Lupang Pangako para sa mga kadete. Ang kaniyang sinabi ay bumaon sa akin. Sinabi niya, “Ang hiling ng kaniyang ama ay sana hindi na siya pumunta sa Academy. Ang talagang gusto niya ay maging abogado.”
Kapag inisip mo ito, ito ay totoo sa lahat ng alok “sa susunod na taon” ng sanlibutang ito. Kailan man ay hindi sasapat ang mga bagay. Lagi kang hihiling nang higit pa, ng ibang bagay. Ito ang kalagayan dahil ang lahat ay pansamantala lamang, gaano man kaganda ito at gaano man natin hinahangaan ang mga humahabol ng mga pangarap na ito. Pinakamainam ang pagkasabi ni Juan: Ang sanlibutang ito ay lumilipas (1 Juan 2:17).
Hindi ganito para sa mananampalataya. Ang ating susunod na taon ay makikita natin ang ating Hari at mamumuhay na kasama Niya magpakailan man. Ang ating susunod na taon ay magbibigay ng lubos na kasiyahan. Walang magsasabing, “Maghintay ka lamang, ang susunod na taon ay mas maigi.”