Si DM ay may dalawang napakagandang tanong: “May pagkakaiba sa pagitan ng pagiging ligtas at kapanganakang muli? Maaari bang gamitin nang palitan ang kaligtasan at kapanganakang muli?”
Sa aking aklat, The Ten Most Misunderstood Words in the Bible, may isa akong kabanata tungkol sa mga salitang ligtas at kaligtasan. Pinakita king sa Biblia ang mga salitang ito ay tipikal na ginagamit sa kaligtasan mula sa mga paghihirap sa buhay na ito. Bihira lang silang tumukoy sa kapanganakang muli at pagkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Kung pamilyar kayo sa isang Venn diagram, nakuha ninyo ang ideya. Isipin ninyo ang dalawang bilog na bahagyang nagpatong. Ang maliit na lugar ng pagpapatong ay totoo sa ligtas at buhay na walang hanggan.
Tingnan ninyo ang Juan 3:16-17:
Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.
Ang buhay na walang hanggan sa v6 ay nangangahulugan ng kaparehong bagay sa maligtas sa v17. (At ang mapahamak ay kasinkahulugan ng hatulan.)
Ngunit ito sa katotohanan ay isang bihirang gamit ng salitang ligtas.
Narito ang ilang halimbawa sa BT kung saan ang maligtas ay nangangahulugang maligtas mula sa mga paghihirap sa buhay na ito:
“… na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Diyos ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito’y kakakunti, samakatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig” (1 Pedro 3:20).
“Datapuwat ang senturion, sa pagkaibig na iligtas si Pablo, ay pinigil sila sa kanilang binabalak at ipinag-utos na ang mga makalangoy ay magsitalon at mangaunang magsidating sa lupa…” (Gawa 27:43).
“…at nangagsasabi, Ikaw na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay Iyong itatayo, Iyong iligtas ang sarili Mo; kung Ikaw ay Anak ng Diyos, ay bumaba ka sa krus” (Mateo 27:40).
“At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon, at kung nagkasala siya ay ipatatawad sa kaniya” (Santigao 5:15).
Madalas magbiro si Dr. Earl Radmacher na minsan siya ay naligtas nang makatlong beses bago siya maghapunan. Ibig niyang sabihin ay niligtas siya ng Diyos mula sa iba’t ibang kahirapan: aksidente sa kotse, kalugihang pinansiyal, kahihiyan, sakit, atbp.
Ang mga ligtas na tao ay nangangailangan ng patuloy na pagliligtas sa lahat ng pagkakataon. Nangangahulugang, ang mga taong may buhay na walang hanggan ay nangangailangan pa rin sa Diyos na iligtas sila sa maraming kahirapang kanilang kinakaharap sa buhay na ito.
Mahuhusay na tanong, DM.