Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Kung Nais Ng Diyos Na Maligtas Ang Lahat, Ibig Bang Sabihing Bigo Siya?

Kung Nais Ng Diyos Na Maligtas Ang Lahat, Ibig Bang Sabihing Bigo Siya?

June 6, 2023 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Si AA ay may ilang magagandang tanong:

Ilang linggo na akong nakikinig sa iyong podcast (isang kaibigan ang walang sawang nagrekomenda nito). Gusto kong malaman kung paano mo sasagutin ang tanong na ito:

Patungkol sa 1 Timoteo 2:4, nais ba talaga ng Diyos na maligtas ang lahat ng mga tao? Bakit hindi mas maraming tao ang nanampalataya? Bigo ba ang Diyos.

Pamilyar ako sa kung paano ito sagutin ng mga Calvinista ngunit kuryoso ako sa iyong pananaw.

Karamihan sa mga Calvinista ay nagsasabing ang anumang naisin ng Diyos, Kaniyang tinutupad. Kung ganuon hindi Niya kaloobang maligtas ang lahat ng mga tao. Ang ibig sabihin ng 1 Tim 2:4, ayon sa kanila, ay nais ng Diyos na lahat ng mga halal ay maligtas. Ito ang Kaniyang tinupad. (Tingnan ang artikulong ito ni John MacArthur.)

Ang ilan ay iniisip na ang kaligtasan dito ay hindi nangangahulugang mamumuhay kasama ng Diyos magpakailan man. Sa halip, ito ay tumutukoy sa kaligtasan mula sa pagkatali sa kasalanan sa pamamagitan ng pagiging miyembro ng bayan ng Diyos.i

Maraming Calvinistang iniisip na ang salitang lahat ng tao ay tumutukoy sa lahat ng uri ng mga tao, kabilang na ang mga Gentil. Hindi ito nangangahulugang bawat isang mga tao. Nangangahulugan ito na lahat na uri ng tao (ie, tao sa bawat bansa at grupo). Tingnan dito.

Mayroon ding ilang Calvinistang nagsasabing ang Diyos ay may dalawang uri ng pagnanais- yung Kaniyang tinutupad at iyong Kaniyang nais makitang mangyari ngunit pinili Niyang huwag mangyari. Iniisip nilang ang 1 Tim 2:4 ay tumutukoy sa panghuling uri ng pagnanais. (Ito ang esensiyal na pananaw ni John Piper. Tingnan dito.)ii

Sang-ayon ka sa minoridad na posisyung Calvinistang ito (bagama’t hindi ako Calvinista).

Tunay na nais ng Diyos na maligtas ang lahat ng mga tao, samakatuwid, na magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit hindi Niya pipilitin ang sinumang manampalataya at maligtas.

Tingnan halimbawa ang Mateo 23:37-39 at Juan 5:39-40. Pareho ang mga itong nagsasabing ang dahilan kung bakit may malawakang kawalan ng pananampalataya sa Israel ay hindi nais ng mga taong sumampalataya kay Jesucristo. Parehong nagsasabing nais ng Diyos na maligtas ang buong Israel. At lahat ng Israel ay maliligtas isang araw (Roma 11:26).

Ito ang dahilan kung bakit mas maraming tao ang ayaw sumampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggan. Hindi nila nais na lumapot kay Jesus para magkaroon ng buhay (Juan 5:40). Ang dahilan ay ang daan ng pananampalataya-lamang-at-libreng-regalo ay walang saysay para sa maraming tao. Hindi ito lapat sa kanilang tradisyon (Budista, Hindu, Muslim, Calvinista, Arminiano, atbp), at hindi nila nais ikunsidera ang posibilidad na ang kanilang tradisyon ay mali.

Kunsidera ang ilan sa mga nais ng Diyos ngunit hindi nangyari.

  • Hindi Niya nais na magkasala sila Adan at Eva.
  • Hindi Niya na magkasala ang mga anak nila Adan at Eva.
  • Hindi Niya nais na mamatay ang mga tao.
  • Hindi Niya nais na bahain ang mundo at pumatay ng bilyon.
  • Hindi Niya nais na bawasan ang buhay mula sa 900+ na taon at maging 70-100 taon.
  • Hindi Niya nais na maghimagsik ang Israel sa Kadesh-Barnea.
  • Hindi Niya na nais na itakwil ng Israel ang Panginoong Jesucristo.
  • Hindi Niya nais na maipangaral ang mga huwad na evangelio.

Karamihan sa mga nangyayari ngayon at sa nakalipas ay salungat sa kalooban ng Diyos. Hinayaan Niyang mangyari ito sa maikling panahon sa kasaysayan ng tao. Ngunit hindi malaon, itatatag ni Jesus ang Kaniyang kaharian at maghahari ang katuwiran. Walang kasalanan o kawalang pananampalataya kapag pumasok tayo sa bagong sanlibutan. Ang lahat ng nais ng Diyos ay mangyayari sa wakas.

Hindi nabigo ang Diyos. Hindi maaaring mabigo ang Diyos.

Para sa karagdagan sa Calvinismo, tingnan ang “Ang Calvinismo ay May Kahon ng mga Misteryosong Sitas” dito at ang aking aklat Is Calvinism Biblical dito).

__________

  1. Tingnan si Luke T. Johnson, 1-2 Timothy (New Haven, CT: Yale University Press, 2008), p. 191. Bagama’t Katoliko si Johnson, ang kaniyang edukasyon ay eklektiko.
  2. Tingnan din si Thomas D. Lea, Hayne P. Griffin, Jr. 1,2 Timothy, Titus (Nashville, TN: Broadman & Holman Publishers, 1993), p. 89.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Recently Added

December 8, 2025

The Non-Eternal Life Gospel (A Challenge) 

I have spoken on behalf of GES for many years. Both verbally and in print, I and others like me have been labeled as “non-(fill in the blank) gospel” believers. We believe the unbeliever must believe in...
December 8, 2025

The Importance of Daniel 9:24-27 and Daniel’s Prophecy of the Seventy Weeks

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are discussing Daniel’s prophecy of the seventy weeks. What do these weeks...
December 5, 2025

“Have I Shown You My Iron Cross?” 

I recently heard a story that I’m pretty confident is true. Most of us have seen pictures of the warehouses at Auschwitz. The Nazis collected all the personal effects—shoes, clothes, jewelry, toys, etc.—of those who died...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram