Si Peter ay may pinadalang isa pang artikulo sa akin, at kaniyang sinasabing, “mayroon ding mali sa isang ito.” Ito ay ang debosyunal ng Pathway to Victory noong Marso 22, 2003 mula sa pastor ng First Baptist Dallas na si Robert Jeffress.i Ito ay may titulong, “Ang Kakayahang sumampalataya ay isa ring Kaloob.”
Mababasa mo ang buong debosyunal mula rito.
Tinataguyod ni Jeffress ang isang Calvinistang posisyun ngunit nilagyan niya ng pihit upang hindi ito lumabas na napakadeterministiko.
Tinanong niya, “Lahat ba ay malaya sa sanlibutan na malayang magtiwala kay Cristo bilang Tagapagligtas, o pinipigilan ba ng Diyos ang ilang tao upang makalapit kay Cristo. Narito ang kaniyang nakapagtatakang sagot (matapos sipiin ang Pah 22:17): “Ang lahat ay malayang magtiwala kay Cristo, ngunit hindi lahat ay nais o may kakayahang sumampalataya kay Cristo.”
Ipinapalagay kong ipinakahuhulugan niyang manampalataya nang kaniyang sabihing magtiwala. Hindi nga ba’t ang titulo ng debosyunal ay “Ang Kakayahang sumampalataya ay isa ring Kaloob.”
Kuha ko ang bahagi tungkol sa pagnanais. Sinabi ng Panginoon sa Juan 5:40 na ang ilan sa kaniyang tagapakinig ay “ay hindi nais na lumapit sa Akin upang kayo ay magkaroon ng buhay.” Ang paglapit kay Cristo ay tumutukoy sa pananampalataya sa Kaniya (Juan 6:35). Oo, marami ang ayaw manampalataya kay Jesus. Ayaw nilang manalangin, pumunta sa simbahan, magbasa ng Biblia o magtanong sa kanilang mga kaibigang Cristiano.ii
Ngunit pansining siya ay nagpatuloy, na bago ang bagong kapanganakan, “hindi lahat ay … may kakayahang sumampalataya kay Cristo.” Ang sabihing hindi lahat ay may kakayahang manampalataya ay nangangahulugang bago pa tayo ipanganak, ang ating kapalaran ay nakatalaga na. Ang mga hindi halal ng Diyos ay walang kakayahang manampalataya kay Cristo at maipanganak na muli. Kung hindi ikaw halal, kawawa ka. Walang remedyo para sa iyo dahil ayon sa Calvinismo, si Cristo ay namatay para lamang sa mga halal.
Nagpatuloy si Jeffress sa pasaheng paboritong tunguhan ng mga Calvinista, Ef 2:1-3. Sinulat niya, “Tayo ay ipinanganak sa mundong ito na patay espirituwal. Ang isa bang patay espirituwal biglang makababangon at magsimula ng bagong buhay? Hindi. Sa parehong paraan, kung espirituwal ang pag-uusapan, hindi tayo biglang babangon isang araw at magsabing, ‘Alam mo, kailangan ko ng Tagapagligtas.’ Hindi ganito ang pangyayari.” Ito ay isang teribleng pagkaunawa ng Ef 2:1-3. Ang mamatay espirituwal ay ang kawalan ng buhay na walang hanggan gaya ng nililinaw ng Ef 2:5: “Tayo ay Kaniyang binuhay kalakip ni Cristo (sa biyaya kayo ay naligtas).” Ang ideyang nag isang hindi mananampalataya ay hindi makahahanap sa Diyos (bilang tugon sa Kaniyang paghila sa kanila) ay sinasalungat ni Cornelio sa Gawa 10, ng mga taga-Berea sa Gawa 17:11, at ng mga salita ni Pablo sa mga pilosopong sa Atenas sa Gawa 17:27. Ang mga patay espirituwal ay makadadalangin, makatutungo sa simbahan, at makadadalo sa mga pag-aaral ng Biblia. Makahahanap sila sa Diyos dahil ang pananaw ng mga Calvinista tungkol sa ganap na depravidad ay maling mali.
Isa pa, bakit siya nagbabanggit ng “magsimula ng bagong buhay”? Siya ba ay nagmumungkahing kabilang sa pananampalataya kay Jesus ang pagtalikod mula sa ating mga kasalanan at pagtatalaga ng ating mga sarili sa pagsunod kay Cristo buong buhay natin? Hindi ko sigurado. Ngunit tila ito ang kaniyang ipinahihiwatig.
Ang sagot ng mga Calvinista sa dilemang ito ay ang pagsasabing ang kapanganakang muli ay lohikal na nauuna bago ang pananampalataya. Sa pananaw na ito ang hindi mananampalataya ay binibigyan muna ng buhay na walang hanggan, at matapos niya ay bibigyan ng tinatawag ng mga Calvinistang kaloob ng pananampalataya.
Marahil hindi ninyo naunawaan ang aking sinulat. Kaya hayaan ninyong sabihin ko muli sa ibang paraan. Ayon sa mga Calvinista, ang isang tao ay ipinanganak na muli muna. Matapos niyan, saka lang siya makasasampalataya. Sa tingin nila baligtad ang Juan 3:16. Sa tingin nila dapat ganito ang sinasabi nito, “Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan na binigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang may buhay na walang hanggan ay makasampalataya sa Kaniya at hindi titigil sa pagsampalataya.”
Tila nanghahawak si Jeffress sa pananaw na ito. Maingat ninyong sundan ang kaniyang sinulat: “Ang paraan ng Diyos kung paano buhayin ang isang patay espirituwal ay sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ang nagpanganak sa atin at nagbigay sa atin ng kakayahang sumampalataya.” Marahil iisipin ng ibang namali niya lang ang pagkakasunod ng mga salita. Siguradong ang ibig niyang sabihin ay binigyan tayo muna ng Espiritu Santo ng kakayahang sumampalataya at kapag oo na, saka Niya tayo ipanganganak na muli. Ngunit hindi iyan ang kaniyang sinulat. Ang sinulat niya ay ipinanganak na muli tayo ng Espiritu Santo at saka Niya tayo binigyan ng kakayahang manampalataya.
Ganito niya tinapos ang kaniyang debosyunal: “Ang iyong kaligtasan ay walang kinalaman ngunit buong buong may kinalaman sa Diyos. Maging ang iyong kakayahang sumampalataya ay isang kaloob mula sa Espiritu Santo ng Diyos. Sa Kaniyang kaawaan, dahil sa Kaniyang pag-ibig sa iyo, niligtas ka Niya. Ang Espiritu Santo ang nagbigay sa iyo ng kakayahang magtiwala kay Cristo.”
Sang-ayon ako kay Peter. May mali sa debosyunal na ito.
__________
- Si Robert Jeffress ang pastor sa mataas na paaralan sa FB Dallas noong 1980. Nagtrabaho ako sa kaniya bilang isang intern ng isang taon at mayroong napakamaayos na relasyon sa kaniya. Gusto ko siya ngunit may alinlangan ako sa ilan sa kaniyang sinusulat at sinasabi.
- Ngunit may ilang mga tao nang araw na yun na handang lumapit kay Cristo. Ang labing-isang alagad ay nanampalataya sa Kaniya. Wala isa man sa kanila ang ayaw.