Ang manampalataya sa isang bagay ay ang makumbinseng ito ay totoo. Ang manampalataya kay Jesucristo para sa buhay na walang hanggan ay ang makumbinseng ibibigay Niya ito sa iyo sa pamamagitan ng pananampalataya lamang sa Kaniya. ngunit maraming mga bagay kung saan ang isang mananampalataya ay tinawag upang sampalatayahan matapos na siyang tumanggap ng buhay na walang hanggan.
Kapag “nakarinig” tayo ng mga bagay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, dapat nating sampalatayahan ang mga ito. Halimbawa, ang Kasulatan ay nagsasabi sa ating gagantimpalaan ni Cristo ang mga mananampalataya para sa mga bagay na ginagawa nila para sa Kaniya. Sinasabi nilang mas maigi ang magbigay kay sa tumanggap. Sinasabi nilang kailangan nating patawarin ang mga mananampalatayang nagkasala laban sa atin. Kung hindi, hindi tayo patatawarin ng Panginoon. Ito ay magreresulta sa pagkawala ng pakikisama sa Kaniya. ang isang Cristiano ay maaaring hindi makumbinseng totoo ang mga ito, kahit pa siya ay nanampalataya na kay Jesus para sa buhay na walang hanggan at alam niyang taglay na niya ito.
May dakilang ilustrasyon ng mga bagay na ito sa Marcos 7. Tinuturuan ni Jesus ang mga alagad ng ilang bagong mga bagay. Ang mga alagad na ito ay mga mananampalataya na, ngunit ang mga bagay na ito ay mahirap para sa kanilang maunawaan. Dalawang beses, sinabihan Niya silang “makinig” sa Kaniyang sinasabi. Ang sinasabi Niya sa kanila ay laban sa lahat ng bagay na tinuro sa kanila. Ang pagkaing kanilang kinakain ay hindi makadudumi sa kanila. Sa katotohanan, wala silang inilalagay sa kanilang bibig na makarurumi sa kanila. Hindi iyan ang tinuturo ng Judaismo sa kanila! Ngunit dahil dito, bagama’t narinig nila ang Kaniyang sinasabi, ang ilan (lahat?) ay hindi kumbinsidong ito ay totoo. Ito ang dahilan kung sinabihan Niya silang “makinig.”
Dagli matapos turuan sila ng mga bagong bagay na ito, isang persona pang persona ang “nakarinig” sa sinasabi ng Panginoon. Ang personang ito ay hindi gaya ng mga alagad. Siya ay isang babae. Hindi siya Judio. Hindi siya naglalakbay kasama Niya at wala siyang oportunidad na makarinig mula sa Kaniya araw-araw. Sa katotohanan, ni hindi nga siya nakatira sa Israel. Siya ay nakatira sa isang banyagang lunsod na tinatawag na Tiro. Pagsating sa pakikinig sa sinasabi ng Panginoon marami siyang disbentahe.
Ngunit siya ay nakarinig ng ilang mga bagay. Ang mga tao mula sa kaniyang bayan ay narinig Siyang magsalita at nasaksihan Siyang nagpalayas ng mga demonyo at nagpapagaling ng mga may sakit (Marcos 3:8-11). Base sa kaniyang mga narinig, nanampalataya siyang Siya ang Cristo ng mga Judo, ang Anak ni David (Mat 15:22). Malinaw na alam niyang Siya ay may kakayahang magpalayas ng demonyo. Ito ang dahilan kung bakit siya lumapit sa Kaniya. Ang kaniyang anak na babae ay nasa bahay, marahil ay inaalilihan ng isa sa mga masasamang espiritung ito. Nais Niyang palayasin ang demonyo palabas sa kaniyang anak na babae.
Alam niya ang mga bagay na ito tungkolsa Kaniya, dahil ayon kay Marcos, siya ay “nakarinig” tungkol sa Kaniya (7:25). Ito ang parehong pandiwang ginamit nang sabihan ni Jesus ang Kaniyang mga alagad na “makinig” sa Kaniyang tinuturo sa Kanila (7:14, 16). Pinagkukumpara ni Marcos ang babeng ito at ang mga alagad. Ang mga alagad ay nahihirapang makumbinseng totoo ang mga tinuturo ni Jesus. Ang babaeng ito ay walang ganiyang problema.
Sa simula, tinanggihan ng Panginoon ang kaniyang hiling. Sinabi Niya sa kaniyang ang mga alagad Niya ay may prioridad kay sa Kaniyang mga pangangailangan. Malinaw na ginaw Niya ito upang siya ay subukin. At nakapasa siya sa pagsubok. Siya ay makulit, pinunto niya sa Panginoong okey lang na siya ay pangalawa lang sa mga pangangailangan ng mga alagad, ang Kaniyang kapangyarihan ay napakalaki na kaya Niyang tugunan ang mga pangangailang pareho ng mga alagad at ng kaniyang anak na babae.
Pinuri siya ng Panginoon. Sinabi Niya sa kaniyang umuwi, at ang demonyo ay iniwan na ang kaniyang anak na babae. Ang kaniyang pananampalataya ay napakalaki, na ni hindi na niya kailangan Siyang pumasok sa Kaniyang bahay upang hipuin ang kaniyang anak na babae. Narinig niya ang Kaniyang sinabi, at sinampalatayahan niya ito. Ang batang babae ay gumaling kahit malayo dahil sa simpleng salita ng Panginoon. Ito ang nag-iisang himalang ginawa sa ganitong paraan na masusumpungan sa Marcos. Sa Mateo, nagkomento si Jesus tungkol sa kaniyang “malaking pananampalataya” (Mat 15:28).
Ang babaeng ito ay isang napakalaking halimbawa sa atin. Alam niyang Siya ang Cristo. Sinampalatayahan niya ito. Ngunit marami pa siyang narinig na ibang bagay tungkol sa Kaniya. At sinampalatayahan niya rin ang mga ito. Ang Kaniyang salita ang kailangan niya lamang pakinggan.
Hindi ba maganda kung lahat tayo ay gaya niya? Nang panahon ng Kaniyang ministeryo marami si Cristong sinabi na mahirap sampalatayahan. Habang inaaral natin ang mga ito, sana ang babaeng ito ay maging isang halimbawa sa atin. Gaano man kahirap paniwalaan ang mga bagay na ito, kapag narinig natin ang mga salita ng Panginoon, hayaan nating sumapat ang mga ito. Ang babae ay nakumbinseng totoo ang mga ito. Sana ganuon din tayo.