Ang mga anak kong babae ay matatanda na ngayon ngunit nang sila ay bata pa, paborito nila ang pelikulang The Princess Bride. Ang tangi ko lang naaalala sa pelikula ay ang ilang mga pariralang paulit ulit na binabanggit. Ang salitang hindi lubos maisip ay isang halimbawa. Isa sa mga tauhan ay lagi itong ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon. Minsan, matapos sabihin ito, isa pang tauhan ang nagbanggit ng pamosong, “Lagi mong ginagamit ang salitang iyan. Sa tingin ko hindi ito nangangahulugan gaya ng iniisip mong kahulugan nito.” Ang linyang iyan ay memorable’t nakatatawa.
Marahil lahat tayo ay maling gumagamit ng ilang mga salita at parirala, na siyang dahilan kung bakit ang pahayag na iyan ay nakatatawa. Sigurado ako na ang bawat estudyante ng Biblia ay makapatotoo na guilty ng maling ito.
Sa mga nakaraang taon, nabuod kong isang halimbawa nito ay ang paraan ng mga Cristiano ng paggamit ng pariralang, kapatawaran ng mga kasalanan. Sigurado akong nagamit na ito ay narinig itong gamitin ng iba. Ngunit tama ba ang pagkagamit natin nito. Alam ba natin kung ano ang sinasabi ng Biblia na kahulugan nito? O gaya ng tauhan sa pelikula, ginagamit ba natin ito sa paraang inaakala nating lalapat sa sitwasyon nasumpungan natin ang ating mga sarili.
Halimbawa, madalas nating marinig (at marahil tayo mismo ay nakasabi nito) na ang mga mananampalataya ay may kapatawaran ng mga kasalanan, na nauunawaan nating nangangahulugang ang lahat nating mga kasalanana- sa nakalipas, sa kasalukuyan at sa hinaharap- ay napatawad na. tapos kailangan nating umatras at sabihing kailangan pa rin nating ikumpisal an gating mga kasalanan upang mapatawad sa nagpapatuloy na panahon. Kapag ang isang mananampalataya ay nagkasala, kailangan niyang ikumpisal ito upang magkaroon ng kapatawaran ng mga kasalanan. kapag tinanong tayo upang linawin ang tila salungatang ito, sinasabi nating ang isa ay tungkol sa posisyunal na kapatawaran at ang isa naman ay tungkol sa pang-araw-araw na kapatawaran. Marahil tama ito. O marahil, sa isang banda, nakaririnig tayo sa likod ng ating isipang, “Lagi mong ginagamit ang salitang iyan. Sa tingin ko hindi ito nangangahulugan gaya ng iniisip mong kahulugan nito.”
Isa pang panahong madalas nating marinig ang parirala ay sa pagpapahayag ng ebanghelyo. Sinasabi nila sa mga taong kailangan nilang sumampalataya kay Jesus para sa “kapatawaran ng mga kasalanan,” at kung ito ay gagawin nila, sila ay maliligtas. Ang problema ay kapag pinahayag ni Jesus ang evangelio sa mga tao sa Evangelio ni Juan, hindi Niya kailan man binanggit ang kapatawaran ng mga kasalanan. Bilang karagdagan, bawat miyembro ng isang kulto ay sasabihin sa iyong sila ay may kapatawaran ng mga kasalanan dahil sa ginawa ni Cristo. Sasabihin nilang hindi sila naniniwalang may buhay silang walang hanggan ngunit sila ay mayroong kapatawaran ng mga kasalanan. halimbawa, inaangkin ng mga Mormon at ng Saksi ni Jehovah na sila ay naniwala kay Jesus para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Ang mensahe ba ng kanilang evangelio ay nagliligtas? Minsan pa, naririnig ko ang isang boses: “Lagi mong ginagamit ang salitang iyan…”
Base sa masusing pagtingin sa BT, at sa mga pag-uusap sa mga taong mas nalalaman ang Biblia kaysa sa akin, sa tingin ko ay hindi natin ginagamit ang pariralang iyan nang tama. Ang tamang pagkaunawa ay ang kapatawaran ng kasalanan ay hindi kapareho ng pagkakaroon ng buhay na walang hanggan at sa pagkaligtas sa lawa ng apoy. Ang kapatawaran ng kasalanan ay tungkol sa pakikisama sa Panginoon. Kapag tayo ay nanampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan, tayo ay tumanggap din ng kapatawaran ng mga kasalanan. Nangangahulugan itong tayo ay maaaring magkaroon ng pakikisama sa Kaniya. ngunit ang kapatawarang ito ay hindi sakop ang mga kasalanan sa hinaharap. Kapag nakagawa tayo ng mga kasalanan matapos maging manananampalataya, kailangan nating ikumpisal ang mga kasalanang ito. Kapag ginawa natin ito, makakamit natin ang kapatawaran ng mga kasalanang ito ay matutuloy an gating pakikisama sa Panginoon.
Ang isang mananampalatayang hindi ikinumpisal ang kaniyang mga kasalanan sa sandaling nabatid niya ang mga ito ay hindi makatatanggap ng kapatawaran para sa mga kasalanang ito hangga’t hindi siya nagkukumpisal (1 Juan 1:9). Siyempre, hindi niya maiwawala ang buhay na walang hanggan. Ngunit ang kapatawaran ng kasalanan at ang pagtanggap ng buhay na walang hanggan ay hindi magkapareho.
Kung tama ako, kailangan nating maging mas maingat sa paggamit ng pariralang ito. Sa hinaharap, maaari nating marinig ang ibang magsabing, “Kung ikaw ay mananampalataya kay Jesus ikaw ay may kapatawaran ng mga kasalanan: sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap.” O maaaring makarinig tayo ng presentasyon ng evangeliong gaya nito: “Manampalataya ka kay Jesus para sa kapatawaran ng mga kasalanan.” Kapag oo, maaari tayong tumulad sa karakter sa The Princess Bride. Masasabi natin ang ating linya, “Lagi mong ginagamit ang salitang iyan. Sa tingin ko hindi ito nangangahulugan gaya ng iniisip mong kahulugan nito.”