Sa aking kabataan, litong lito ako kung ano ang dapat kung gawin upang maligtas. Nagsimula ito sa edad na anim nang ako ay i-enrol ng aking mga magulang sa isang club ng mga relihiyosong batang lalaki. Nagpatuloy ito hanggan sa simula ng aking pagiging senyor sa kolehiyo.
Nalito ako ng pagiging miyembro ng club ng mga batang lalaki, ng simbahang Metodistang pinupuntahan namin ng ama ko, ng simbahang Serbian Ortodox na minsang pinupuntahan naming ng aking ina, ng Luterano, Baptist at mga simbahan sa komunidad na aking binisita sa kolehiyo.
Sa apat na taong kagawad ako sa Cru, nakasalamuha ko ang daan-daang estudyante sa kolehiyong litong lito rin sa kung ano ang kanilang kailangang gawin upang maligtas.
Gusto kong ibahagi sa inyo ang limang tiyak na mga paraan upang lituhin ang mga taong binabahagian mo ng ebanghelyo.
Una, maghayag ka ng malabong apilang ebanghelistiko. Kabilang dito ang pagtanggap kay Cristo; ang pag-imbita kay Cristo sa iyong buhay; ang manalangin ng panalangin ng makasalanan; tanggapin Siya bilang iyong Panginoon; tanggapin Siya bilang Tagapagligtas; at tanggapin Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas. Kung ang mga tao ay lito sa kung ano ang dapat nilang gawin at nagbigay ka ng malabong kundisyon, ang kanilang kalituhan ay magpapatuloy.
Ikalawa, maghayag ka ng malabong konsekwensiya. Banggitin ang tungkol sa pagkakaroon ng personal na relasyon sa Panginoong Jesucristo; ang pagkakaroon kay Cristo bilang Tagapagligtas; ang pagkakaroon ng pag-asang tutungo ka sa langit kapag ikaw ay namatay; ang pagsimula sa daang didiretso sa pinal na kaligtasan kapag ikaw ay nagpatuloy sa karerang Cristiano; at ang pagiging ligtas sa ngayon. Ang taong ito ay hindi malalaman na si Jesus ay nangangako ng kaligtasang hindi mababawi at hindi maiwawala.
Ikatlo- at ito ay napakaepektibo- bigyan mo ang mga tao ng maraming malabong mga kundisyon. Minsan kong napakinggan ang isang sikat na ebanghelistang magbigay ng siyam na magkakaibang kundisyon sa kaligtasan kabilang ang pagtanggap kay Cristo bilang iyong Tagapagligtas; ang pagtanggap sa Kaniya bilang Panginoon at Tagapagligtas; ang pagtanggap sa Kaniya sa iyong buhay; ang pagtalikod mula sa iyong mga kasalanan; at pagsunod sa Kaniya. Kung ang isang malabong kundisyon ay nakalilito, ang maraming malabo at minsan ay salungatang mga kundisyon ay mas nakalilito.
Ikaapat, tambakan mo ang iyong tagapakinig ng dose-dosenang mga sitas, lalo na ang mga sitas na may kinalaman sa sanktipikasyon at hindi sa kapanganakang muli.
Ikalima, isa pang mabuting paraan upang lituhin ang mga tao ay ipaliwanag nang mali ang mga mahahalagang salita gaya ng pananampalata, manampalataya, at buhay na walang hanggan. Ang maling pagpaliwanag ng mga sitas ng Biblia ay may malayong maaabot sa paglito sa mga tao.
Kung susundin mo ang limang simpleng hakbang na ito, siguradong manghuhula ang mga tao sa kaiisip kung sila ba ay ligtas o hindi.
Subalit, sa sandaling malaman mo kung ano ang dapat mong gawin upang lituhin ang mga tao, alam mo rin kung paano malinaw na magbahagi ng ebanghelyo sa kanila. Gawin mo lang ang kabaligtaran ng limang hakbang kung paano lituhin ang mga tao. Maghayag nang malinaw ng iisa at tanging kundisyon ng kaligtasan at garantisadong konsekwensiya, ang pananampalataya kay Cristo para sa buhay na walang hanggang hindi maiwawala. Magkaroon ng isang sitas na pinakasinepete gaya ng Juan 3:16 at dumikit dito. Kung pakiramdam mo kailangan mo pang magbahagi ng iba pang mga Kasulatan, panatilihin itong simple lamang banal. At kapag ipinaliwanag mo ang sitas (o nagkailang mga pasahe) siguraduhing tama.
Ang Panginoong Jesucristo ay naggagarantiya ng buhay na walang hanggang sa lahat ng nanampalataya lamang sa Kaniya para sa buhay na iyan. At walang anumang nakakabit na pisi.