Ang pampaaralang pahayagan ng Multnomah School of the Bible (ngayon Multnomah University) ay naglabas ng isang kakaibang artikulo ng ako ay nagtuturo doon (1986-1987). Ito ay tungkol sa isang panayam sa isang grad ng Multnomah na naging isang ateista.
Ang tagapanayam ay nagtanong kung, nang siya ay nasa Multnomah pa, nanampalataya siyang si Jesus ay Diyos, na Siya ay namatay sa krus para sa kaniyang mga kasalanan, na Siya ay bumangon mula sa mga patay, at na siya ay tutungo sa langit kapag siya ay namatay dahil si Jesus ang kaniyang Tagapagligtas. Sinabi niyang sinampalatayahan niya ang lahat ng mga ito, ngunit ngayon ay napagtantong ang mga ito ay mga mito. Walang Diyos. Walang buhay pagkatapos ng kamatayan. Walang langit at walang kahariang darating.
Hindi ko maalala kung paano natapos ang panayam. Ngunit ang may-akda ay nagtataka kung paano nangyari ang ganitong bagay.
Maraming taon matapos, isang kaibigang pastor ang nagsabi sa akin ng isang kahanga-hangang kwento na mas malayo pa ang abot. Ang kaniyang pinakamatandang anak, na tatawagin nating Dave, ay nakarating sa pananampalataya nang bata pa at tinuruang maging alagad sa AWANA, sa bahay at sa iglesia. Isa siyang malakas na mananampalataya hanggan sa siya ay magkolehiyo. Doon nawala ang kaniyang pananampalataya at naging isang ateista. Sinabi ng kaibigan kong pastor na ang kaniyang anak ay tiyak na pinanganak na muli, bagamaa’t siya ay nahulog sa pananampalataya (Juan 3:16; 11:26). Sinabi niya sa aking gusto ng aking anak na basahin ang aking mga artikulo at panoorin ang aking mga bidyo. Sa katotohanan, nagbahagi pa sa iba ang kaniyang anak!
Si Dave ay nakikipag-usap sa kaniyang kaibigang Eastern Orthodox. Sinabi ng kaniyang kaibigang umaasa siyang makapapasok sa langit. Pinagalitan ni Dave ang kaniyang kaibigan sa kawalang pananampalataya sa Biblia. Sinabi niyang bagama’t hindi na siya nananampalatayang may Diyos, alam niyang tinuturo ng Biblia na ang sinumang manampalataya kay Jesus ay hindi mapapahamak. Nagsipi pa siya ng ilang sitas. Sinabi ni Dave sa kaniyang kaibigang kung totoo ang Cristianismo, siya ay mapapasok sa langit. Nagpahayag ng pag-aalala ng walang hanggang kalagayan ng kaniyang kaibigan kung ang Cristianismo ay totoo.
Maraming taong iniisip na kung ang isang tao ay ateista, ang kaniyang tanging pag-asa upang maligtas ay magsisisi, manampalataya at magtiis sa pananampalataya at mabubuting gawa hanggang kamatayan. Ngunit bakit nila iniisip ito? Dahil ba sa Kasulatan? Hindi. Ang Kasulatan ay malinaw na ang apostasiya ay posible (Lukas 8:13; 2 Tim 2:13; Heb 6:4-8; 2 Ped 2:18-22), ngunit ang pagkawala ng kaligtasan ay hindi (Juan 3:16; 6:35, 37, 39; 11:26). Ang kanilang paniniwalang ang mga apostado ay hindi maliligtas ay nagsanga sa tradisyong nagsasabing ang isang tao ay kailangang magtiis sa pananampalataya at mabubuting gawa upang matamo ang tinatawag nilang pinal na kaligtasan.
Alam ninyo bang mayroong mga taong pinanganak nangmuli na yumayakap sa mga turo ng Budismo, Hinduismo, Islam at Judaismo? Hindi ko pinakahuhulugan na ang mga taong kasalukuyang nananampalataya sa pangako ng buhay na walang hanggan ngunit hindi pa magawang iwan ang kanilang huwad na relihiyon. Ang pinakahuhulugan kong mga taong tumigil manampalataya sa mensaheng Cristiano at yumakap sa mga huwad na turo ng ibang relihiyon. (Ang modernong Judaismo ay hindi consistent sa Kasulatan dahil sa pagtanggi nit okay Jesus bilang Mesiyas. Siyempre, sa Cristianismo, maraming maraming mananampalatayang Judio.)
Sa sandaling ang isang tao ay maligtas, siya ay mananatiling ligtas- kahit pa iwan niya ang Cristianong pananampalataya. Walang makaaagaw sa kaniya mula sa kamay ni Jesus o ng Ama (Juan 10:28-29). Ang sinumang manampalataya sa Kaniya ay may walang hanggang kasiguruhan. Walang bigkis na nakatali.