Marami sa atin ay pamilyar sa Gideons. Sila ay responsible sa pamamahagi ng milyon milyong mga Biblia. Ang mga taong bahagi ng organisasyong ito ay mga leymang binigay ang kanilang sariling oras at kayamanan para ilimbag at ibahagi ang Salita ng Diyos. Kapag sila ay nagbibigay ng mga Bibliang ito, madalas sila ay nageebanghelyo rin.
Sila ay isang grupong ekumenikal na may mga taong nanggagaling mula sa iba’t ibang denominasyon. Hindi nakapagtatakang ang kanilang presentasyon ng ebanghelyo ay sumasalamin sa dibersidad sa kanilang hanay. Sa mga Bibliang kanilang ibinabahagi, may paliwanag kung paano maligtas mula sa impiyerno. Kabilang dito ang panalangin ng isang makasalanan at paliwanag ng pagsisisi. Hindi dito kabilang ang katiyakan bilang bahagi ng mensahe. Halos parati, kung makikinig ka sa sinuman sa organisasyong naglalarawan kung paano sila nag-eebanghelyo, sasabihin nilang inaakay nila ang isang taong ligaw na manalangin ng panalangin ng isang makasalanan matapos matanto ng naliligaw na iyan na siya ay isang makasalanan. Ang mga taong naghahawak sa Free Grace ay napapakunot kapag naririnig ang mga bagay na ito, na natatantong ang mensahe ay puno ng kalituhan.
Madaling maunawaan kung bakit ang mga Gideon ay nagpapahayag ng ganiyang uri ng ebanghelyo. Ito ay generiko at nagtataglay ng pananalitang ginagamit ng at komportable ang iba’t ibang denominasyon. Hindi sila tumutungo sa mga isyung naghahati gaya ng katiyakan at eternal na seguridad ng mananampalataya dahil ang mga ito ay magdadala ng pagkakahati. Ang kanilang pangunahing layunin ay ipamigay ang mga Biblia. Nais nilang maihatid ang Salita ng Diyos sa mga kamay ng mas maraming tao.
Ngunit mayroon pang isang rason para sa ebanghelyong itong nilalapat sa lahat ng tao. Marami sa mga Gideon ay hindi kinunsidera ang posibilidad na ang ebanghelyong kanilang ibinabahagi ay mali. Ang makita ng mga taong sila ay makasalanan, na sila ay magsisi at banggitin ang panalangin ng makasalanan ay mabubuting mga bagay. Ito ang tanging narinig ng mga Gideon. Sa kanilang pagkakaalam, walang ibang opsiyon. Isa pa, ginagawa nila ang trabaho ng Diyos sa pamamahagi ng Kaniyang Salita.
Kamakailan nakatanggap ako ng isang tawag mula sa isang mabuting kaibigan na isang Gideon. Siya ay may eksposyur sa mga materyal ng GES at sinabi niya sa aking nag-aalala siya kung paano karamihan sa mga Gideon nagbabahagi ng ebanghelyo. Tinanong niya ako kung ako ba ay makararating at magbibigay ng isang presentasyon ng ebanghelyo ng biyaya sa mga lider ng isang lokal na tsapter sa isang hapunan. Tinanggap ko. May anim na lider na naroon.
Matapos ang hapunan, nagsalita ako nang halos 15 minuto. Pinaliwanag ko na walang sinuman sa BT ang naligtas mula sa impiyerno sa pamamagitan ng pananalangin ng panalangin ng makasalanan. Pinunto kong ang pagsisisi ay hindi rin hinihingi para magkaroon ng eternal na buhay. Hindi ito masusumpungan sa Ebanghelyo ni Juan at hindi ni Jesus sinabihan si Nicodemo o ang babae sa balon na kailangan nilang magsisisi. Hindi rin sinabihan ni Pablo ang tagapamahala ng bilangguan sa Felipos na kailangan niyang magsisi. Sa halip ang lahat ng mga hindi mananampalatayang ito ay sinabihan lamang na manampalataya kay Jesus bilang ang Cristong nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ang alok mismo ay may kasamang katiyakan ng kaligtasan gaya ng pinahihiwatig ng salitang eternal. Ang pananampalataya ay nangangahulugan lamang na sila ay kumbinsido ng sinabi ni Jesus, at wala nang iba pa.
Nakatatakot na gawin ito sa hapunan. Ako ay kanilang bisita at inaatake ko kung paano ang karamihan sa kanila nagmiministeryo. Paano tumugon ang anim na lider na ito? Lahat ay mabiyaya. Tatlo sa kanila ay nagpahayag ng kagalakang ako ay dumating. Marahil hindi sila sang-ayon sa aking sinabi o hindi nila iniisip na mahalaga ang aking sinabi. Marahil hindi nila nauunawaan ang aking sinasabi o marahil iniisip nilang hindi maganda ang aking pagkapahayag. Marahil galit sila sa akin ngunit sa liwanag ng kabutihang asal ng Katimugan, hindi nila ito pinakita!
Ngunit ang tatlo pa ay napakapositibo sa aking sinabi. Siyempre ang aking kaibigan ay alam na ang mga isyu at ang kanilang kahalagahan. Pinahayag niya ang kaniyang pasasalamat sa oportunidad na ang mga lider na ito ay nakarinig ng biyaya at ikunsidera kung paano nila ibahagi ang ebanghelyo. Isa sa mga lider ay nagsabing hindi niya pa narinig ang mga bagay na ito at nais pang marinig at mapag-aralan ang mga bagay na ito. Hindi niya naikunsidera na baka siya ay nagbibigay ng mali o huwad na ebanghelyo.
Ang ikatlong lider ay humigit pa sa aking sinabi. Kinausap niya ako matapos ng hapunan, na sinasabing natanto niyang nang ang BT ay nagbabanggit ng pagsisisi, kinakausap niya ang mga mananampalataya na. Ibinigay niyang halimbawa ang Pah 3:20 at sinabing madalas niya itong naririnig na ginagamit sa pagpresenta ng ebanghelyo ngunit ngayon ay natantong hindi ito dapat ginagamit sa paraang iyan. Eksayted ako sa pagkaunawa niyang ito.
Ito ay isa ring karanasang may natutunan ako. Marahil ganuon din para sa iyo. Kapag nakasalubong tayo ng mga taong mali ang ebanghelyo, kailangan nating alalahaning maraming uri ng mga tao ang nariyan. Sa katotohanan, ang ilan sa kanila ay narinig ang mensahe ng ebanghelyo at tinakwil ito. Ngunit mayroon ding mga taong hindi pa ito narinig. Hindi pa nila naringgan kahit kaninong ipaliwanag ang kahalagahan nito.
Wala akong ideya kung paano aakto ang maliit na grupong ito sa aking sinabi. Ang ilan ay magsasabing sinayang ko lang ang aking oras. Hindi ako sang-ayon. Nang ang Panginoon at ang mga apostol ay makipag-usap sa mga grupo, lahat ng uri ng tao ay nariyan. Ang ilan ay sarado sa katotohanan. Ang ilan ay bukas. Kailangan nating alalahanin na ang mga taong ating nakasasalamuha ay halo-halo.