Habang naghahanda ng panimula sa epistula ni Santiago para sa isang klase na aking tuturuan, siniyasat ko kung ano ang sinasabi ng mga pangunahing komentarista tungkol sa kaligtasan sa Santiago.
Ang aking nasumpungan ay nakakagulat.
Pamilyar ako sa tatlong pananaw.
- Ang mga mambabasa ay mga mananampalatayang ligtas kailan pa man.
- Ang mga mambabasa ay mga mananampalatayang maaaring maiwala ang kanilang kaligtasan.
- Ang mga mambabasa ay halo ng mga tunay na mananampalataya at mga huwad na nagpapahayag lamang at nais ni Santiagong siyasatin nila ang kanilang mga gawa kung sila ay tunay na ligtas.
Ngunit nakadiskbure ako ng pang-apat na pananaw:
- Ang mga mambabasa ay mga ipinanganak nang muli ngunit hindi ligtas!i
Tungkol sa katotohanang angmga mambabasa ay ipinanganak nang muli, sinulat ni Davids, “ marami sa mga bagong komentarista ang [naniniwalang] ang pagtukoy sa kapanganakang muli ay intensiyon [sa 1:18]” (Peter Davids, James, p.89). Ganuon din, sinabi ni Moo, “Ngunit ang pinakamahalagang piraso ng ebidensiya na pabor sa nakatutubos na ‘kapanganakan’ dito ay ang pariralang ‘salita ng katotohanan’… ang ‘salitang’ ito ay instrumentong kinasangkapan ng Diyos upang dalhin ang tao sa buhay. Ang apat na iba pang gamit ng parirala sa BT ay tumutukoy sa ebanghelyo bilang ahente ng kaligtasan (2 Cor 6:7; Ef 1:13; Col 1:5; 2 Tim 2:15)”(Douglas Moo, James, p. 79). Nagkomento si Richardson, “Ipinanganak ng Diyos ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng Kaniyang makatotohanang salita. Ang salita ng katotohanan ay kasinkahulugan ng ebanghelyo” (Kurt Richardson, James, p. 87). Sumasang-ayon si Hiebert: “Ang aorist tense ay tumitingin sa oras ng ating kumbersiyon at tinatala ang katotohanan ng ating espirituwal na kapanganakan bilang realidad ng kasaysayan” (D. Edmond HIebert, James, p. 116).
Sa kabila ng katotohanang sinasabi nilang ang mga mambabasa ay ipinanganak nang muli na mananampalataya, tingnan kung paano pinapaliwanag ng mga nangungunang konserbatibong komentarista ang apat na sitas sa Santiago na may kinalaman sa kaligtasan (1:21; 2:14; 4:12; 5:20), maliban sa 5:15, na may kinalaman sa pagpapagaling.
Santiago 1:21. Kaya’t ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pag-apaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.
“Ang reperensiya sa kaligtasan ay dapat na iinterpreta sa liwanag ng mabilis na nalalapit na Araw ng Paghuhukom (tingnan ang 17:30). Ito ay kargado ng nagmamadaling eskatolohiya ng BT, kabilang na (kapansin-pansin) ang Epistula ng Santiago. Walang kaluluwang matatawag na ligtas, o napahamak, hanggang sa Huling Paghuhukom; kung ganuon ang ebanghelyo ni Santiago ng pananampalatayang nagpapatuloy sa paggawa sa pag-asa ng pinal na pagsang-ayon… sa Huling Paghuhukom” (Adamson, pp. 81-82, binigyang diin).
“Ang kaligtasan ay sa hinaharap, samakatuwid ay kaligtasan sa apokaliptikong oras ng paghuhukom ng Diyos, ay lumalapat sa tono ni Santiago. Samakatuwid, ang Diyos na nagpanganak na muli sa mga Cristiano sa pamamagitan ng Salita ng katotohanan, ay magliligtas sa kanila sa parehong salitang itinanim sa kanila kung kanilang tatanggapin ito” (Peter Davids, p. 95, binigyang diin).
“Ang ilang Cristiano, na nasanay sa pagpareho ng kaligtasan sa kumbersiyon o kapanganakang muli, ay maaaring magulumihanan ng panghinaharap na oryentasyong ito. Ngunit sa katotohanan, ang pokus na ito ay madalas sa BT, kung saan ang pandiwang “iligtas” at ang pangngalang “kaligtasan” ay madalas na tumutukoy sa ultimeyt na pagliligtas ng mananampalataya mula sa kasalanan at kamatayan na magaganap sa oras ng pagbabalik ni Cristo sa kaluwalhatian ( tingnan halo m 5:9-10; 13:11; 1 Tes 5:9; Fil 2:12; 1 Tim 4:16; 2 Tim 4:18; Heb 9:28; 1 Ped 1:5, 9; 2:2; 4:18). Ang ibang gamit ni Santiago ng terminolohiyang ito ay nakibabahagi sa panghinaharap na oryentasyong ito (2:14; 4:12; 5:20; sa 5:15 ang “iligtas” ay lumalapat sa pisikal at hindi espirituwal na pagliligtas). Ang pananaw na ito ng kaligtasan ay mahalagag isipin lagi kung nais nating maunawaan nang tama ang teolohiya ni Santiago” (Moo, p. 88, binigyang diin).
Santiago 2:14. Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya’y may pananampalataya, ngunit walang mga gawa? Makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?
“Ang walang kabuluhan sa huling paghuhukom ay ang pananampalatayang kulang sa gawa… Ang kawalang laman ng ganiyang pagpapahayag ay hindi bago sa BT. Kailangan lamang ng isang taong i-skan ang mga propeta upang madiskubre ang kundenasyon ng kabanalang ritwal na walang praktikal na katarungan para sa mga mahihirap” (Davids, p. 120).
“Ang aorist infinitive sosai (“iligtas”) ay pangunahing tumitingin sa panghinaharap na kulminasyon ng kaligtasan ng mananampalataya. ‘Ang kriterion kung ganuon ay hndi pagpapahayag, kundi ang paggawa’” (Hiebert, p. 177).
Santiago 4:12. Iisa ang Tagapagbigay ng kautusan at Hukom, sa makatuwid baga’y ang makapagliligtas at makapagwawasak: datapuwa’t sino ka na humahatol sa iyong kapwa?
Sinulat ni Adamson, “sa tingin namin ang tinutukoy ni Santiago ay ang ‘kaligtasan’ o ang kabaligtaran nito sa Huling Paghuhukom (5:9)” (p. 178, binigyang diin).
Ang paghuhukom ng Diyos ay… ang huling paghuhukom ng mga masunurin at mga sumusuway” (Richardson, pp. 196-97, binigyang diin).
“’Makapagliligtas at makapagwawasak’ ay bumubuod ng paggamit ng Diyos ng Kaniyang mapangyayaring kapangyarihan… Ang pahayag ay pangkalahatan at ang dalawang aktibidad ay hindi dapat limitahan sa kalikasan o sa oras. Mayroon silang pangkasalukuyang paglalapat ngunit ang eskatolohikal na paghatol ng Diyos bilang Hukom ang pangunahing natatanaw” (Hiebert, p. 270, binigyang diin).
Santiago 5:19-20. Mga kapatid ko, kung ang sinuman sa inyo ay nalilihis sa katotohanan, at siya’y papagbaliking loob ng sinuman ay alamin nito na ang nagpapabalik loob ng isang makasalanan mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at magtatakip ng maraming kasalanan.
“Ang kamatayan, kung saan mula diyan siya ay naligtas, ay ang penalidad ng kasalanan, gaya ng sa 1:15, at nasa ilalim ng tipan, ang ‘pinal na pagkahiwalay sa Dibinong Lipunan” (1 Juan 5:16; ayon na rin kay Westcott)” (Adamson, p. 203, binigyang diin).
“Na ang kasalanan ay maaaring magresulta sa pisikal na kamatayan ay malinaw din (1 Cor 15:30, gayun din ang maraming halimbawa sa LT) at ito ay maaaring bahagi ng pakahulugan ni Santiago (gaya ng 5:14-16), ngunit ang tono ay tila higit pa sa pisikal na kamatayan at kinikilala ang kamatayan bilang isang eskatolohikal na entidad, kung saan ang isang tao ay namatay sa kasalanan (cf 1:15) (Davids, p. 200, binigyang diin).
“Ang ‘kamatayan’ dito gaya ng madalas na gamit sa Santiago at halos lagi sa BT kung saan kasalanan ang isyu, ay ang ultimeyt na ‘espirituwal’ na kamatayan- kundenasyon sa walang hanggang kapahamakan… ang salita [thanos] ay may pisikal na konotasyon [din]” (Moo, p. 250, binigyang diin).
____
- Si Hiebert ay bahagyang nakalilito sa puntong ito. Tila iminumungkahi niyang may isang uri ng kaligtasan na nagaganap sa bagong kapanganakan ngunit mayroon ding posibleng kaligtasan sa hinaharap na kailangang matamo ng isang mananampalataya. Tingnan ang kaniyang komento sa Santiago 2:14 sa itaas.