Sa isang maikling panahon ng aking buhay, isa sa paborito kong tao ay ang isang lalaking nagngangalang Devega. Magkasama kami sa hukbo dati. Pumirma ako na bumuo ng isang koponan sa basketbol sa isang lokal na liga ng mga iglesia. Ako ay tumatanda na, at ganuon din ang aking mga kaibigang bahagi ng koponan. Mabuti na lang, lahat ng mga koponan ay binubuo ng mga taong gaya namin. Ang kalaban, gaya namin, ay lagpas na sa kanilang kainaman.
Ngunit iba si Devega. Siya ay bata. Matangkad. Mabilis. Makatatalon siya- at napakataas. Dahil siya ay nasa aming koponan, hindi kami natalo minsan man. Alam kong hindi patas, ngunit wala akong pakialam. May sapat pa akong kabataan para magkaroon ng katas ng kumpitensiya na dumadaloy sa aking mga ugat, at ang nais ko ko lamang ay manalo.
Hindi mahalaga na ang aking ambag sa koponan ay maliit. Ako ay maglalagay ng screen para kay Devega. Ipapasa ko ang bola kay Devega at panunuorin ko siyang makaiskor. Humihiyaw ako para kay Devega at nanunuod sa matatanda sa kabilang koponan na subukang pigilan siya- ngunit mabibigo. Dahil si Devega ay nasa aming koponan, ang panalo ay awtomatiko.
Alam ko ang katapusan ng bawat larong aking lalaruin bago pa ito magsimula. Bahagi ako ng koponan na mapanagumpay. Ang aking ambag ay kaunti, ngunit alam kung isa ako sa mga hahawak ng tropiyo ng kampeonato sa katapusan ng torneo.
Para sa mga taong nais ng patas na kumpetisyon ang aking karanasan ay terible. Nasaan ang kasiyahan sa paglalaro sa isang ligang alam na ng lahat ang katapusan? Ito ay isang patas na reklamo. Ngunit sa isang paraan, ito ay isang mahusay na larawan ng Cristianong buhay.
Marcos ang tanging ebanghelyong nagbigay ng munting parabula sa lalaking naghasik ng ilang binhi sa lupa. Hindi niya alam kung paano ito nangyayari, ngunit ang lupa ay nagbigay ng ani. Sa katotohanan, sa Griyego sinabi ni Marcos na awtomatiko. Ang ani ay darating. Ito ay tiyak na bagay. Alam na natin ang katapusan (Marcos 4:26-28).
Sa parabula, malinaw na ang binhi ay ang mensahe ng darating na kaharian ng Diyos. Kabilang dito ang mensaheng ang walang hanggang buhay kay Cristo ay isang libreng regalo sa pamamagitan ng pananampalataya at ito ay hindi maiwawala. Ngunit kasama rin dito ang katotohanang gagantimpalaan NIya ang katapatan ng lahat ng nanampalataya sa Kaniya. Ang kaharian ay darating. Isang masaganang ani ng may mga buhay na walang hanggan- kasama na ang kanilang mga gantimapala- ang darating. Walang makapipigil dito. Ang pangako Niya ay garantiya nito. Ito ay awtomatiko.
Kapag tayo ay naglingkod sa Panginoon, bahagi tayo ng mapanagumpay na koponan. Nais ng Panginoon na maglingkod tayo ng buong lakas, at dapat lang. Sa paraang ito, may ambag tayo sa lakas ng koponan. Ngunit dapat nating alalahaning ang tagumpay ay dahil Siya ang ating Kapitan. Hindi ito nakadepende sa ating mga gawa o pagpapagal. Ang pagdating ng kahariang ating hinihintay ay isang tiyak na bagay.
Tayo ay may pribilehiyong maging bahagi ng mapanagumpay na koponan. Alam nating kapag tayo ay naglingkod sa Panginoon, tayo ay nakikilahok sa tagumpay na iyan. Kailangan ni Devega ang lahat upang ipasa sa kaniya ang bola. Kailangan niya ang iba upang magbigay ng screen sa kaniya. Ang Panginoon, sa Kaniyang biyaya, ay binigyan tayo ng karangalang maging bahagi ng Kaniyang koponan at maging kamanggagawa Niya.
Inilarawan ni Pablo ang kaniyang sariling trabaho sa parehong paraan. Nang siya ay dumating sa lunsod ng Corinto, siya ay naghahasik para sa Panginoon. Ngunit ang Panginoon ang nagbibigay ng ani. Ang Hari ay binigyan siya ng biyayang makitrabaho kasama NIya upang maglagak ng eternal na kayamanan para sa Kaniyang kaharian. Lahat ng ginagawa ni Pablo ay bahagi ng dadalhin ni Cristo; si Cristo ang Tagagarantiya ng tagumpay (1 Cor 3:6-7).
Ang pinakapunto ay ito: Kapag tayo ay naglingkod sa Panginoon, tayo ay naglalaro para sa mapanagumpay na koponan. Ang buhay na walang hanggan ay hindi maiwawala. Hindi iyan ang isyu. Ang isyu ay ang walang hanggang gantimpala. Alam natin ang kalalabasan. Ang kaharian ay darating, at ang gantimpala para sa ating ginagawa ay darating, hanggat tayo ay huwag “mangagpagod sa paggawa ng mabuti” (Gal 6:9). Kahit pa alam nating ang ating Kapitan ang nagsisiguro ng tagumpay, hangga’t patuloy nating ipinapasa sa Kaniya ang bola, maaari tayong magkaroon ng pribilehiyo na hawakan ang tropeo kasama Niya kapag ang lahat ay nasabi at nagawa na.