Tinanong ni Doug ang isang mahusay na tanong na ito:
Kakarinig ko pa lang sa iyong podcast nuong August 2, 2022 tungkol sa liham sa iglesia sa Philadelphia. Tinalakay mo ang mungkahi ni John Niemella na ang Pah 3:9 ay dapat magtapos sa isang kuwit, sa halip na tuldok: “Narito, ibinibigay Ko sa sinagogoga ni Satanas… at nang maalamang ikaw ay aking inibig, sapagkat tinupad mo ang salita ng Aking pagtitiis.”
Ito ay nagmumungkahing ang mga mananampalataya ay maaaring pagtrabahuhan ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang katapatan. Ito ay tila sumasalungat sa pahayag na maraming ulit ko nang narinig: “Wala kang magagawa upang ikaw ay higit na ibigin ng Diyos, at wala kang magagawa upang mabawasan ang pag-ibig sa iyo ng Diyos.” Ito ba ay isang totoong pahayag? Posible ba para sa akin na pagtrabahuhan ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging tapat?
Madalas ko ring marinig ang pahayag na iyan.
Bagama’t magandang pakinggan, ito ay mali.
Maraming pasahe sa Kasulatang nagsasabing kung ang isang mananampalataya ay lumayo sa daan ng katuwiran, mararanasan niya ang poot ng Diyos. Maraming mga tekstong nagsasabing ang isang mananampalataya ay kailangang manatili sa pakikisama sa Diyos upang manatili sa Kaniyang pag-ibig. Suriin natin ang ilan sa mga sitas na ito:
Judas 21: Na magsipanatili kayo sa pag-ibig sa Diyos, na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan.
1 Juan 5:3: Sapagkat ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay dumadaig sa sanlibtan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanlibutan, samakatuwid ay ang ating pananampalataya.
Efeso 3:19: At makilala ang pag-ibig ni Cristo na di masayod na kaalaman, upang kayo’y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Diyos.
Roma 1:18: Sapagkat ang poot ng Diyos ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan.
Exodo 32:11: At dumalangin si Moises sa Panginoon niyang Diyos at sinabi, Panginoon, bakit ang Inyong pag-iinit ay pinapag-aalab mo laban sa Iyong bayan, na Inyong inilabas sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay?
Ezekiel 18:24: Ngunit kapag ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at gumagawa ng ayon sa lahat na kasuklam-suklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay baga siya? Walang aalalahanin sa kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa: sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinagkasala, sa mga yaon mamamatay siya.
Colosas 3:5-6: Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iyay pagsamba sa mga diosdiosan; na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Diyos sa mga anak ng pagsuway…
May ilang tekstong nagbabanggit ng katotohanang iniibig ng Diyos ang mga mananampalataya sa kanilang posisyun (hal. Rom 5:5; 2 Tes 3:5; 1 Juan 3:1). Ngunit maraming iba pang tekstong nagsasabing tanging kapag ang mga mananampalataya ay lumalakad sa liwanag saka lang nila mararanasan ang pag-ibig ng Diyos.
Ang alibughang anak (Lukas 15:11-32) ay natutuhang nang siya ay malayo sa ama, hindi niya nararanasan ang pag-ibig ng ama. Habang nasa malayong lupain, naiwala niya ang lahat ng mga bagay, at walang sinumang nagbibigay sa kaniya ng kahit ano. Natanto niyang ang mga upahang alila ng kaniyang ama ay mas maigi pa kaysa sa kaniya. Iniibig siya ng ama kahit sa malayong lupain. Ngunit hindi niya nararanasan ang pag-ibig na iyan.
Ang bawat isa ay umaani ng kaniyang inihasik sa buhay na ito at sa buhay na darating (Gal 6:7-9). Bagamat ang buhay na walang hanggan ay isang libreng regalo, ang kapunuan nito at sa buhay na darating ay nakadepende sa ating paglalakad sa liwanag.
Sa aking pagtatantiya, may ilang mangangaral na napasobra ang pagtataas sa biyaya ng Diyos. Hindi pinagpapala ng Diyos ang kasamaan, kahit anak Niya pa ang gumawa ng mga ito. Pinagpapala Niya lang kabanalan.