Kamakailan, nagtuturo ako ng isang klase sa isang insituto ng Biblia sa isang dayuhang bansa. Ang mga estudyante ay bata, sa pagitan ng 18 hanggang 20. Habang nagpapatuloy ang klase, maliwanag na may mga isyu sila sa ebanghelyo ng buhay na walang hanggan. Nagdesisyun akong itigil ang hinanda kong ituturo at talakayin ang mga isyung ito. Tinanong ko ang mga estudyante kung ano sa tingin nila ang kailangang gawin ng isang hindi mananampalataya upang siya ay maligtas espirituwal.
Halos lahat ng kanilang mga sagot ay umiikot sa kasalanan. “Kailangan mong makaranas ng kalungkutan sa iyong mga kasalanan.” “Kailangan mong aminin sa harap ng Diyos na ikaw ay makasalanan.” “Kailangan mong ikumpisal ang iyong mga kasalanan.” “Kailangang handa kang talikuran ang iyong mga kasalanan.” “Kailangan mong ihayag na si Cristo ay namatay para sa iyong mga kasalanan.”
Sa loob ng halos isang oras, inisaisa naming ang mga sagot na ito. Ang mga estudyante ay tinanong ko kung saan sa Biblia sinasabi ang mga ito. Kadalasan, kanilang inamin na hindi sila makasumpong ng mga sitas na sumusuporta sa kanilang mga sagot. Sa iilang beses na nag-alok sila ng sitas bilang suporta, nang kanilang tingnan ang konteksto ng sitas, nakita nilang hindi nito sinasabi ang sa una’y iniisip nilang sinasabi nito.
Tiningnan naming ang Ebanghelyo ni Juan, ang aklat na nagsasabi sa mambabasa kung paano magkaroon ng buhay na walang hanggan, at nabuod naming hindi binanggit minsan man ang mga bagay na ito. Tiningnan namin ang kaso ni Cornelio at ng kaniyang sambahayan sa Gawa 10. Lahat sila ay naligtas espirituwal mula sa lawa ng apoy, at wala isa man sa kanilang nagkumpisal o naghayag ng anuman sa Diyos. Hindi sila nangakong tatalikod sa kanilang mga kasalanan. Sunod tinalakay namin na karamihan sa mga sagot ng mga estudyante ay nangangailangan ng gawa, at lahat ng mga estudyante ay kinilalang ang buhay na walang hanggan ay hindi matatamo sa pamamagitan ng mga gawa.
Mahirap sukatin ang mga tugon ng mga estudyante. Maroon nagsabing hindi nila binigyang pansin ang mga bagay na gaya nito. Inamin nilang ang kanilang mga pahayag ng ebanghelyo ay bunga ng tradisyon ng kanilang mga denominasyon. Ang ilan ay nagsabing hindi nila alam kung ano ang iisipin ngunit ngayon ay kailangan na nilang pag-isipan ang mga bagay na ito.
Mayroong isang estudyante, na nagbigay nang malinaw kung ano ang kaniyang iniisip. Nang oras ng pagtatanong at sagot, lumapit ang babaeng ito. Wala siyang tanong. Mayroon siyang pahayag. Komento niya, “Hindi mo sineseryoso ang kasalanan. Hindi ka dapat nagtuturo ng klaseng ito.”
Ang hula ko ay mayroong ilang mga estudyanteng hindi komportable ng diretsa at tapat na pahayag na ito. Ako ay panauhing mananalita at mas matanda sa mga estudyante. Naiisip ko rin na ang ilan sa mga mambabasa ng blog na ito ay hindi nila masasabi ang ganiyang direktang pahayag, kahit pa iniisip nilang ito ay totoo. Maaari nating sabihing ito ay hindi magalang.
Aaminin kong hindi ganiyan ang aking nararamdaman. Hinahanggan ko ang kaniyang katapatan. Hindi ako masokista kundi natutuwa ako sa kaniyang sagot.
Ang dahilan kung bakit natutuwa ako ay dahil nalaman kong malinaw kong naipahayag ang aking gustong sabihin. Minsan kapag tayo ay nagtuturo hindi natin alam kung nauunawaan ng mga estudyante ang ating tinuturo. Ang kaniyang mga pahayag ay walang binigay na pag-aalinlangan sa akin. Alam niya kung ano ang mga ramipikasiyon ng aking sinasabi. Ang eternal na kaligtasan ay isang regalo, ibinigay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang para sa regalong iyan. Ang mga gawa ay walang anumang bahagi sa pagtanggap ng regalong iyan. Ang lahat ng hinihingi nila tungkol sa kasalanan ay mga karagdagang gawa sa alok ng kaligtasan. Inamin niyang hindi niya masagot ang aking mga pagtutol; alam niya lang na ako ay mali dahil sa aking relaks na saloobin sa kasalanan.
Subalit ang pinakamalaking dahilan kung bakit natutuwa ako sa kaniyang pahayag ay ayon kay Pablo ito ang sinabi ng mga tao tungkol sa kaniya. Sa Roma 3:8 kung saan siya ay nagsasalita tungkol sa pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, sinabi niyang ang ilan ay nagsabi sa kaniyang tumigil sa pagtuturo. Ang dahilan ay may ilang nagsasabing nagtuturo raw siya na ang mga tao ay dapat magkasala upang dumating ang mabubuting bagay. Si Pablo, ayon sa kanila, ay hindi nakikita kung gaano kaseryoso ang kasalanan.
Kailan mang malinaw nating itinuturo ang mensahe ng buhay na walang hanggan, may ilang mag-aakusa sa atin nito. Kapag ginawa nila ito, alam nating nagsasabi tayo ng katotohanan. Alam nating nauunawaan nila ang ating sinasabi.
Habang nagpapatuloy ang klase, pinaliwanag ko sa dalagang ito na sineseryoso ko ang isyu ng kasalanan. Ang kasalanan ay nagdadala ng kahilahilakbot na konsekwensiya sa buhay na ito. Ang kasalanan ay dahilan upang mawalan tayo ng gantimpala sa buhay na darating. Subalit, ang pagsugpo sa kasalanan ay hindi hinihingi upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Pananampalataya kay Cristo ang hinihingi ng Diyos sa hindi mananampalataya. Walang dagdag, walang bawas.
Hindi ko alam kung nakumbinse siya o hindi. Pero tila mas naging mainit ang pagtanggap niya sa turo na sa natitirang oras ng klase. Sana nakita niya kung paano ang biblikal na ebanghelyo ay sineryoso ang kasalanan. Binayaran ni Cristo sa krus ang lahat ng kasalanan. Tumingin tayo sa krus upang makita kung gaano kaseryoso ang kasalanan. Ang kasalanan ay napakaseryoso na wala tayong maidadagdag sa ginawa ng Panginong Jesus para sa atin. At dahil sa ginawa Niya, malaya Siyang magbigay ng buhay na walang hanggan bilang libreng regalo sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.