Bilang tugon sa isang nakaraang blog na aking sinulat “Beware of Confusing Explanations of John 3:16” (silipin dito) si Robert ay nagtanong, “Paano mo hinahawakan ang Juan 2:23 kung saan ang pisteuo ay sinalin bilang nagtiwala?
Narito ang Juan 2:23-24: “Nang Siya nga’y nasa Jerusalem nang paskua, sa loob ng panahon ng kapistahan, ay marami ang mga nagsisampalataya sa Kaniyang pangalan pagkakita ng kaniyang mga tandang ginawa. Datapuwa’t si Jesus sa Kaniyang sarili ay hindi rin nagtiwala sa kanila, sapagkat nakikilala Niya ang lahat ng mga tao…” Ang parehong salita pisteuo ay sinalin bilang nagsisampalataya sa v 23 at nagtiwala sa v 24.
Ang pahiwatig ng tanong ni Robert, na madalas kong marinig ay: Kung ang pisteuo ay nangangahulugang nagtiwala sa v 24, bakit hindi ito nangangahulugang nagtiwala sa v 23? Hindi ba natin maaaring isalin ang mga sitas na ito bilang “maraming nagtiwala ng kanilang mga sarili sa Kaniya… Datapuwa’t si Jesus sa Kaniyang sarili ay hindi nagtiwala sa kanila?”
Ang pisteuo ay ginamit ng 100 na beses sa Ebanghelyo ni Juan. Tanging sa Juan 2:24 lamang ito sinalin ng mga saling Ingles (at Filipino) bilang nagtiwala. Bakit? Dahil ang mga tagasalin ay sumasangguni sa konteksto. Sa konteksto ng Juan 2:23, ang nagtiwala sa Kaniyang pangalan ay walang kabuluhan. At sa konteksto ng Juan 2:24,ang saling Siya sa Kaniyang sarili ay hindi nagsampalataya sa kanila ay walang kabuluhan. (Kung ibig ni Juan na sabihing Siya sa Kaniyang sarili ay hindi nagsampalataya sa kanila, ginamit niya sana ay episteuen eis autous at hindi episteuen autois.)
Ang salitang pisteuo ay ginamit na pantukoy sa nagtiwala nang walong beses lamang sa Bagong Tipan- sa kabila ng 246 na pangkalahatang gamit. Ang diwang iyan ng salita ay bihirang gamitin sa Bagong Tipan.
Wala sa walong pasaheng ito ang nagpapaliwanag ng kung ano ang dapat gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sa katotohanan, wala sa mga ito ang tumutukoy sa anumang ititiwala natin sa Diyos- o sa kaninuman. Ang lahat na walong sitas ay tumutukoy sa itinawala ng Diyos sa mga tao:
Lukas 16:11: Ipagkakatiwala ng Diyos ang tunay na kayamanan sa mga nagtagumpay sa buhay na darating.
Juan 2:24: Hindi ipinagkatiwala ni Jesus ang Kaniyang sarili sa mga baguhang mananampalataya na hindi pa handang ipahayag Siya sa publiko (ikumpara ang Juan 3:1-21).
Roma 3:2: Ipinagkatiwala ng Diyos ang Kaniyang mga salita sa mga Judio.
1 Corinto 9:17: Pinagkatiwalaan ng Diyos si Pablo ng isang pamamahala.
Galatia 2:7: Ipinagkatiwala ng Diyos kay Pablo ang ebangelyo para sa mga Hentil.
1 Tesalonica 2:4: Ipinagkatiwala ng Diyos kay Pablo ang ebanghelyo.
1 Timoteo 1:11: Ipinagkatiwala ng Diyos ang ebanghelyo sa pag-iingat ni Pablo (literal na salin: ayon sa maluwalhating ebanghelyo ng Diyos ng pagpapala, na ipinagkatiwala sa akin”).
Tito 1:3: Ipinagkatiwala ng Diyos ang pangangaral ng Kaniyang salita kay Pablo.
Dahil sa ang mga tagapagsalin ay may kabatiran ng walong sitas na ito, sinalin nila ang Juan 2:23 at Juan 2:24 ayon sa dikta ng konteksto.
Ayon sa Juan 1:12, sinumang sumampalataya sa pangalan ni Jesus ay anak ng Diyos at ipinanganak ng Diyos. Ang Juan 2:23 ay nagsasabing marami ang nanampalataya sa Kaniyang pangalan nang makita ang mga tandang Kaniyang ginawa. Samakatuwid, ang mga taong ito ay ipinanganak ng Diyos nang araw na iyon. Ngunit hindi ipinagkatiwala ni Jesus ang Kaniyang sarili sa kanila? Bakit? Sapagkat alam Niyang hindi pa sila handang ipahayag Siya nang harapan sa mga tao.
Kung ikaw ay isang mananampalataya, huwag mong ipawalang bahala na ang Diyos ay nagtitiwala sa iyo. Kung ikaw ay lumalakad sa liwanag ng Kaniyang salita, Siya ay tunay na nagtitiwala ng bagong pagkaunawa at mga aral ng buhay sa iyo. Ngunit kung ikaw ay lumalakad sa kadiliman, hindi. Ang pagkaunawa ng Salita ng Diyos ay hindi pangunahing nasasalig sa talino ng isang tao o sa kaniyang tekniko. Ito ay pangunahing nasasalig sa Diyos na nagpapahayag ng kahulugan nito sa mga mapagkumbaba at naghahanap. Kalaban ng Diyos ang mga mapagmataas ngunit binubuhos ang Kaniyang pabor sa mga mapagkumbaba.