“Napakalinaw na walang taong nabubuhay na malaya sa guilt,” sulat ng Kristiyanong psychiatrist na si Paul Tournier (Tournier, Guilt and Grace, p. 152). Hindi iyan nabago matapos na mahayag na matuwid sa pamamagitan ng biyaya. Kung titingnan, mas lalo kang naging sensitibo sa maraming paraan na ikaw ay hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
Sa Roma 7, inilarawan ni Pablo ang walang pag-asang pakikibaka ng mananampalataya laban sa kasalanan, lalo na kapag sinubukan niya, at nabigo siya rito, na maging banal sa pamamagitan ng kautusan. Kaya tinapos ni Pablo ang Roma 7 nang iyak ng kawalan ng pag-asa na maaaring mag-iwan sa iyong makaramdam ng guilt at pag-aalala. Maaaring ma-obsess kang tumingin sa iyong kasalanan at makaranas na “madepress, mag-alala, tinanggihan at mapahiya” (Tournier, Guilt and Grace, p. 153), na nag-iiwan sa iyo ng mga katanungan at pagdududada sa iyong relasyon sa Diyos. Gaya ng pagkalagay ni Govett, “Ang huling kabanata ay naglarawan ng pagtatalo sa pagitan ng “espiritu” at “laman.” Kung ganuon, napakahalaga para sa ating espirituwal na kapayapaan na malaman- Ano ang katayuan ko sa harap ng Diyos habang ang digmaang ito ay binabaka?” (Govett, Romans, p. 282). Kung ito ang iyong katanungan, narito ang sinasabi ni Pablo sa iyo:
Ngayon nga’y wala nang kahatulan sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa atin mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan (Roma 8:1-2, ABAB).
Aminin natin na may mga isyung tekstuwal sa Roma 8:1, at kung interesado ka sa pagbasa ng kabuudan ng mga ito, silipin ito.
Ngunit para sa ating mga layunin, si Pablo ay humuhugot ng isang konklusiyon (“Ngayon nga”) mula sa kaniyang nakaraang pagtalakay at inilalahad niya ang isang katotohanang teolohikal na walang- at siya ay empatiko- paghatol sa mga na kay Cristo Jesus!
Ang puntong iyan ay hindi bago kay Pablo. Sa Roma 5:1, ibinigay niya na ang kaparehong katotohanan sa positibong paraan, na nagsasabing ang mananampalataya ay may kapayapaan sa Diyos. Ngayon sinasabi niya ulit ito sa negatibong paraan, na nagsasabing wala nang kahatulan sa mga na kay Cristo Jesus.
Marahil ang salitang kahatulan ay nangangailangan ng paliwanag.
Sa anumang korte, mayroon kang kumbiksiyon at sentensiya. Pagkatapos na ikaw ay ikumbikta ng hukom o ng huria, ang hukom ay sesentensiyahan ka ng parusa para sa krimeng nagawa. Iyan ang kahulugan ng kahatulang (katakrima) binabanggit dito. Hindi ito tumutukoy sa berdik kundi sa “kaparusahang sumusunod sa sentensiya” (Moulton and Milligan, p. 328), ang “kaparusahan, penalidad” (BDAG, p. 518). Kaya, ito’y sinalin ni Jewett bilang “kaya ngayon, [wala nang] kaparusahan sa mga na kay Cristo Jesus.”
Ano ang penalidad? Sa Roma 5:12-21, kung saan ang dalawa pang gamit ni Pablo ng salitang katakrima ay masusumpungan (sa vv 16, 18), itinaltal niya na ang buong mundo ay nasumpungang guilty ng kasalanan at nasentensiyahan sa kamatayan (cf. vv 12, 14, 15, 17, 21). (Para sa ibang posibilidad, silipin ito at ito).
Ganuon pa man, sa kabila ng kapahayagang ito ng kapahamakan, tinitiyak sa atin ni Pablo na ang mga na kay Cristo ay hindi magsasakit ng kapalarang iyan. Gaya ng sinabi ni Jewett, “Ang punto ni Pablo ay, dahil ang panahon ng kapamahamakan ni Adan ay tinapos ni Cristo, silang mga na ‘kay Cristo Jesus’ ay malaya sa kaparusahang dumating sa buong sangkatauhan matapos nang pagkahulog” (Jewett, Romans, p. 480). Ang mga mananampalataya ay malaya! Sa madaling salita, inaalingawngaw ni Pablo ang pangako ni Jesus: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig ng aking salita at sumasampalataya sa kanya na nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan, at hindi darating sa kahatulan kundi lumipat na sa buhay mula sa kamatayan” (Juan 5:24).
Marahil nagtatanong ka, “Bakit ako? Bakit ako pinalaya?” Hindi dahil sa ikaw ay inosente! Hindi, kung ang pag-uusapan ay ang kautusan- at ito ang tanging dapat pag-usapan (cf Roma 3:20)- ikaw ay guilty at dapat parusahan. Gaya ng komento ni Nygren:
Kung siya ay huhukuman nang ayon sa kung ano ang kaniyang kalikasan, o kung ano ang kaniyang magagawa sa tulong ng pananampalataya, alin man sa dalawa, siya ay hahatulan at hindi maaaring matuwid. Hahatulan siya ng kautusan (Nygren, Romans, p. 310).
Sa ilalim ng kahatulan ng kautusan, ikaw ay walang pag-asa dahil ikaw ay makasalanan. Ngunit salamat kay Jesus, ikaw ay wala sa ilalim ng kautusan!
Ngunit ngayon masasabi ba ni Pablo na walang kahatulan ang mga Kristiyano. Bakit hindi? Ang dahilan ay ibinigay sa nakaraang kabanata: ang Kristiyano ay “malaya na mula sa kautusan.” Hindi siya umaasang maibilang na matuwid mula sa kautusan; kung kaya hindi siya dapat matakot na hahatulan siya ng kautusan. Siya ay na ‘kay Cristo,’ at nangangahulugang ito na siya ay nasa labas na ng kapangayarihan ng kautusan, na siya ay hindi na hahatulan o maibibilang na matuwid. Wala siya inaasahan mula sa kautusan, at wala siyang kinatatakutan (Nygren, Romans, p. 310).
Oo, nagkakasala ka pa rin, at ang kautusan ay kaya kang sentensiyahan ng kamatayan para rito, ngunit hindi nito maisakatuparan ang sentensiyang ito. Hanggan na lang itong tahol ngunit walang kagat. Gaya ng paliwanag ni Jack Cottrell:
Ang punto ng sitas ay ito: bagama’t ang kasalanan ay nabubuhay pa rin sa ating mga katawan, na nagtutulak sa atin upang gumawa ng mga makasalanang bagay na ating kinamumuhian, tayo ay may katiyakan na ang mga kasalanang ito ay hindi tayo hahatulan dahil si Cristo ay namatay para sa mga ito at tayo ay pag-aari ni Cristo. Bagama’t tayo ay maaari pa ring magkasala, tayo ay “inaaring matuwid sa pamagigitan ng kaniyang dugo” (5:9); “walang penalidad” para sa atin… (Cottrell, Romans, p. 261).
Paano ito nangyari? Paano tayo nakatakas sa kahatulan? Gaya ng sabi ni Pablo sa v2, “ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa atin mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.”
Tila ginagamit ni Pablo ang kautusan bilang isang metaporika, gaya nang ginawa niya sa Roma 7:23 (cf. Gal 6:2; Roma 3:7). Iniisip ni Cottrell na ito ay termino ni Pablo para sa “sistema ng buhay kung saan ang Espiritu ng buhay ay kumikilos at naghahari” (Cottrell, Romans, p. 261, dinagdagang diin). Ang suspetsa ko tama siya. sinasabi ni Pablo na ang mananampalataya ay inilagay sa ibang lugar na nasa labas ng kautusan. Sa ibang lugar, pinahayag ni Pablo ang kaparehong ideya nang kaniyang sinabi na tayo ay pinalaya mula sa kaharian ng kadiliman at inilagay sa kaharian ng Anak (Col 1:13).
Ang paninirahan sa pinaghaharian ng Espiritu ay ibang iba sa paninirahan sa pinaghaharian ng kautusan- isang bagay na bibigyang diin ni Pablo sa kabuuan ng Roma 8:1-17. Sa katotohanan, sa halip na tawagin ang bahaging ito bilang “sanktipikasyon”, maaari mo itong tawaging bahagi ng “Buhay na Pinangungunahan ng Espiritu,” gaya ng sisiyasatin sa mga susunod na blog.
Sa kabuuan, kung ikaw ay nakikibaka sa guilt at depresyon tungkol sa pakikibaka mo sa kasalanan, makinig ka sa mensahe ng konsolasyon ni Pablo: anuman ang sabihin ng kautusan, ikaw ay hindi hinatulan.