Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Walang Hanggang Kasiguruhan Sa Ebanghelyo Ni Juan: Siyam Na Patunay

Walang Hanggang Kasiguruhan Sa Ebanghelyo Ni Juan: Siyam Na Patunay

July 28, 2021 by Shawn Lazar in Ang Tinig ng Biyaya

Itinuturo ba ng Ebanghelyo ni Juan na si Jesus ay nangako ng buhay na walang hanggan na hindi maiwawala?

Nagtuturo ba ito ng walang hanggang kasiguruhan?

Ang doktrina ba ng “minsang naligtas, ligtas kailan pa man” totoo?

Ang sagot ay oo, oo at oo.

Bakit ko alam? Basahin ang mga sumusunod na sitas.

Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16)

Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Ang bawa’t uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw: Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan.(Juan 4:13-14)

Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.(Juan 5:24)

Sa kanila’y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma’y hindi mauuhaw. (Juan 6:35)

Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy. (Juan 6:37)

At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw.(Juan 6:39)

At sila’y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma’y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. (Juan 10:28)

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito? (Juan 11:25-26)

Ito ang siyam na kadahilanan kung bakit ang mga mananampalataya ay may walang hanggang kasiguruhan.

Una, ang sinumang manampalataya ay mayroong walang hanggang buhay (cf Juan 3:16, 36; 4:14; 5:24; 6:47). Gaano katagal ang walang hanggan? Walang hanggan! Hindi ito pansamantala, ngunit walang hanggan. Kung maiwawala mo ito, hindi ito walang hanggan.

Pangalawa, ang sinumang sumampalataya ay hindi mapapahamak (Juan 3:16). Kung ikaw ay mapapahamak gaya nang tinuturo ng maraming Kristiyano, ang pangako ni Kristo ay kabulaanan. Ito ay totoo sapagkat ang kaligtasan ay sigurado magpakailan man.

Pangatlo, ang sinumang manampalataya ay hindi mauuhaw (Juan 4:10-14; 6:35). Ang Panginoon ay kinukumpara ang “buhay na tubig” na Kaniyang ibibigay sa babaeng Samaritano upang inumin sa tubig na kaniyang sasalukin sa balon. Muli siyang mauuhaw sa tubig na mula sa balon. Ngunit kung iinumin niya ang Kaniyang buhay na tubig, siya ay “hindi na muling mauuhaw”, sa halip ito ay “bubukal sa kabuhayang walang hanggan” (v 14). Kung maiwawala mo ang iyong kaligtasan, ibig sabihin ikaw ay nauhaw muli. Ngunit sabi ni Jesus iyan ay hindi maaaring mangyari. Ang mananampalatayang minsang uminom ay “hindi na muling mauuhaw.”

Pang-apat, ang sinumang sumampalataya ay hindi na papasok sa paghatol (Juan 5:24). Si Jesus ay nagpapahayag ng walang hanggang kaligtasan ditto. Bakit ang mga mananampalataya ay hindi na papasok sa paghatol? Sapagkat sa sandali na ikaw ay manampalataya, ikaw ay mayroong buhay na walang hanggan, at ang iyong eternal na kalagayan ay nadesisyunan na. Ikaw ay sigurado magpakailanman.

Panglima, ang sinumang sumampalataya ay hindi magugutom (Juan 6:35). Kung paanong kinumpara ng Panginoon ang pagsampalataya sa Kaniya sa pag-inom ng tubig, ganuon din naman, kinumpara Niya ito sa pagkain ng tinapay. Kung kakainin mo ang tinapay ng buhay, (ie manampalataya sa Kaniya), hindi ka na muling magugutom. Kung ikaw ay magugutom sa pamamagitan ng pagkawala ng iyong kaligtasan, ang pangakong ito ay hindi totoo. Kung kailangan mong patuloy na kumain upang manatiling busog, ang pangakong ito ay hindi totoo. Ngunit si Jesus ay nangako na ang mananampalataya ay hindi na muling magugutom. Ito ay magpakailan man.

Pang-anim, ang sinumang sumampalataya ay hindi maiwawala (Juan 6:39). Sa oras na nasumpungan ka ni Jesus, hinding hindi ka Niya maiwawala. (Kahit pa sa kasong ito ang direktang aplikasyon ay sa bansang Israel.)

Ang sinumang sumampalataya ay hind itataboy (Juan 6:37). Ilang simbahan ba ang nagtuturo na ikaw ay itataboy kung ikaw ay hindi mabuti at hindi tapat? Ito ay mali. Ang sabi ni Jesus hindi ito mangyayari.

Pangwalo, ang sinumang manampalataya ay hindi maaagaw (Juan 10:28). Sa sandaling ikaw ay nasa kamay ni Jesus, hindi mo ito maiiwan, hindi ka mahuhulog mula rito at hindi ka madudulas sa Kaniyang mga daliri. Hindi ka Niya itatapon, at walang makaaagaw sa iyo. Ikaw ay sigurado.

Pansiyam, ang sinumang manampalataya ay hindi mamamatay (Juan 11:25-26). Ang binabanggit ni Jesus kay Martha ay espiritwal na kamatayan. Sa sandaling ikaw ay may buhay na walang hanggan, hindi ka na muling mamamatay espiritwal. Kung ikaw ay mamamatay espiritwal, ang pangakong ito ay kabulaanan. Ngunit iyan ay hindi mangyayari. Kapag ikaw ay nanampalataya, hindi ka na muling mamamatay.

Kaibigan, nakikita mo bang ang tanging kaligtasan na ibinigay ni Jesus ay buhay na walang hanggan? Minsang sinabi ni Dwight Pentcost,

Kapag ang Diyos ay nag-alok ng buhay sa tao, iisang buhay lamang ang Kaniyang iniaalok, at ito ay buhay na walang hanggan. Ang buhay na walang hanggan ay buhay ng Diyos, at kung paanong ang buhay ng Diyos ay hindi matatapos ng kamatayan, ganuon din naman, ang buhay ng Diyos na ibinigay sa anak ng Diyos ay hindi matatapos (Things Which Become Sound Doctrine, p. 127).

Anupamang uri ng kaligtasan ay hindi ang kaligtasan na inaalok ni Jesus.

Ngunit paano ang mga sitas na nagbababala sa Kasulatan? Marami niyaon ngunit sila ay dapat basahin sa konteksto ng mga sitas na ito. Hindi nila sinasalungat ang mga pangako ni Jesus. Ang katotohanan, maraming bagay ang mawawala sa isang mananampalataya kung siya ay suwail (tingnan dito), ngunit ang buhay na walang hanggan ay hindi kasama sa mga ito. Ang buhay na iyan ay hindi lamang para sa ngayon kundi magpakailan pa man.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Shawn_L

by Shawn Lazar

Shawn Lazar (BTh, McGill; MA, VU Amsterdam) was the Editor of Grace in Focus magazine and Director of Publications for Grace Evangelical Society from May 2012 through June 2022. He and his wife Abby have three children. He has written several books including: Beyond Doubt: How to Be Sure of Your Salvation and Chosen to Serve: Why Divine Election Is to Service, Not to Eternal Life.

Cart

Recently Added

February 2, 2023

Romans–Part 04–The Problem

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Ken Yates and Kathryn Wright continue this short series about Romans. Jumping to Chapter 3, they begin with...
February 2, 2023

Are Believers Today Under the New Covenant? 

A pastor friend whom I’ll call Dave has been studying the New Covenant lately. We’ve had a few excellent conversations about it. I thought I’d...
February 1, 2023

Romans–Part 03–Wrath

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Kathryn Wright and Ken Yates are continuing their discussion of the book of Romans. How is the book...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • Inerrancy for Dummies $7.95 $5.00
  • The Journey of Faith $15.00 $9.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Hardcover) $13.95 $5.00
  • Grace in Eclipse: A Study in Eternal Rewards (Second Edition) $15.00 $8.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube