Kakaunting tao lamang nakarinig ng pagkakaiba ng buhay na walang hanggan o walang hanggang gantimpala o ng kaibahang malilikha ng gantimpala sa sanlibong taong kaharian. Sinisikap naming baguhin iyan.
Alam mo bang may dalawang uri ng Kristiyano? Ang iba ay magagantimpalaan, ang iba ay masasaway. Hindi ka naniniwala? Ito ang sabi ni Jesus:
Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon. Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buiong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay? Sapagka’t ang Anak ng Tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo’y bibigyan ang bawa’t tao ayon sa kaniyang mga gawa. Katotohanang sinabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan hanggang sa kanilang makita ang Anak ng Tao na pumaparito sa kaniyang kaharian (Mateo 16:24-28).
Si Jesus ay darating upang gantimpalaan ka ayon sa iyong mga gawa. Ano ang ibig sabihin nito? Ano ang hahanapin sa araw ng pagsusuri?
Narito ang isang sipi mula sa The Salvation of the Soul ni Watchman Nee:
Samakatuwid ang diwa ng Kasulatang ito ay hatiin ang mga alagad na nanampalataya sa Panginoon at may taglay na buhay na walang hanggan sa dalawang klase. Ang isang klase ay tinaggihan ang kaniyang sarili at dinadala ang kaniyang krus; ang isang klase ay hindi tinatanggihan ang kaniyang sarili o binubuhat ang kaniyang krus. Ang isang klase ay handang iwan ang lahat para sa Panginoon, at mawala ang kaluluwa habang ang isa ay naghahanap na matamo ang kasiyahan ng sanlibutan para sa kaniyang sarili at hindi handang mawala ang kaniyang kaluluwa. Ang alagad ni Kristo ay siyang hiniwalay ng Panginoon mula sa mga makasalanan. At minsan pa Siya ay maghihiwalay: sa pagkakataong ito, hinihiwalay ang alagad na tinatanggihan ang kaniyang sarili mula sa isa na hindi tinatanggihan ang sarili. Dapat nating malaman na ang ating posisyon sa hinaharap sa kaharian ay nakabase sa ating mga gawa ngayon… (Nee, The Salvation of the Soul, p. 10).
Maaaring hindi mo alam na may kaharian, lalo na ang mga posisyon sa kaharian. Ganon pa man, ang katotohanang ito ay nasusulat sa Kasulatan. Hindi lamang mga tagataguyod ng Free Grace ang nakikita ito. Si Nee, isang teologong Intsik, ay tinuro na ito nang unang bahagi ng nakaraang siglo.
Kung pipiliin mong mamuhay para sa sanlibutan sa halip na mamuhay para kay Jesus, o kung pipiliin mong pasiyahin ang iyong sariling mga pita sa halip na pasiyahin ang iyong Panginoon, mawawala sa iyo ang iyong mga gantimpala, kabilang na ang posisyon ng paghaharing kasama ni Kristo sa Kaniyang kaharian:
lahat ng pinasiya ng sanlibutan ngayon ay maiwawala ang posisyon ng paghaharing kasama Niya sa hinaharap (Nee, The Salvation of the Soul, p. 11).
Sa sirkulo ng Free Grace, minsan sinasabi natin na hindi lahat ng alagad ay mananampalataya, at hindi lahat ng mananampalataya ay alagad. At iyan ay totoo.
Subalit, sa liwanag ng mga komento ni Nee, nagtataka ako kung dapat ba tayong magdagdag ng paglilinaw. Susuriin ni Jesus ang lahat ng mananampalataya bilang isang may tungkuling maging alagad, sumunod man tayo sa Kaniya o hindi.