Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
SA KADAMUHAN

SA KADAMUHAN

April 9, 2024 by Kathryn Wright in Ang Tinig ng Biyaya

Sa Talinhaga ng Mabuting Binhi at Pansirang Damo, na matatagpuan sa Mateo 13:24-30, sinabi ng Panginoon ang isang kwento tungkol sa lalaking pumunta sa bukid at naghasik ng mabubuting binhi. Ngunit matapos niyang maghasik ng binhi, ang kaniyang kaaway ay dumating at naghasik ng masasamang binhi kasama ng mga sebada. Dahil dito, ang mga masamang binhi ay tumubo bilang mga pansirang damo kasama ng mabubuting tanim. Ang mga utusan ng lalaki ay nagtanong kung ano ang kanilang dapat gawin na tugon sa atakeng ito. Sinabi ng panginoong maghintay sa araw ng pag-aani. Sa oras na iyon, mapaghihiwalay nila ang sebada mula sa pansirang damo.

Sa v36-43, ipinaliwanag ng Panginoon nang pribado sa Kaniyang mga alagad ang talinhaga. Ang bukid ay kumakatawan sa sanlibutan (v38a), ang mabubuting binhi ay kumakatawan sa mga anak ng kaharian (v38), at ang mga pansirang damo ay kumakatawan sa mga anak ng masam (v38b). Sa madaling salita, ang sebada ay kumakatawan sa mga mananampalataya samantalang ang mga pansirang damo ay kumakatawan sa mga hind mananampalataya. Ang kaaway ng lalaki ay kumakatawan sa diablo, ang kaaway ng Diyos, ang mga mang-aani ay ang mga anghel (v41, cf 24:31), at ang oras ng pag-aani ay ang katapusan ng panahon.

Pwede ninyong silipin ang blog na ito para sa pagtalakay ng pariralang “mga anak ng Kaharian.” Bilang karagdagan, maririnig ninyo ang komentaryo ni Bob Wilkin patungkol sa pariralang “katapusan ng panahon” dito. Subalit sa blog na ito, gusto kong talakayin ang isa pang elemento ng talinhaga: ang sebada at ang pansirang damo ay magkapareho ng itsura. Hindi ako magsasaka ngunit mula sa aking mga nabasa, ang mga pansirang damo ay mahirap makilala mula sa sebada. Bukod diyan, ang kanilang mga ugat at ang mga ugat ng sebada ay nagyayakapan na anumang hakbang upang paghiwalayin sila nang wala sa oras ay magreresulta sa pagkasira ng mabuting tanim.

Ang sabi ni Haller:

Ang punto ng talinhaga ay ‘ang diablo’ ay sinasubukang labanan ang tagumpay ng kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng panggagaya, pagpuslit at panlilinlang (2 Cor 11:2-3, 13-15) (The Grace New Testament Commentary, page 39, dinagdagang diin).

May pagkakasundo ang mga komentaristang Reformed, Arminian at Free Grace sa pagkakakilanlan ng mga sebada at panirang damo. Ang sebada ay kumakatawan sa mga mananampalataya (=mga anak ng kaharian), samantalang ang mga pansirang damo ay kumakatawan sa mga hindi mananampalataya (=mga anak ng masama). Bilang karagdagan, may pangkalahatang pagkakasundo na ang dalawa ay magkapareho ng itsura. Subalit ito ay problema para sa mga tagataguyod ng Reformed at Arminian.

Ito ang pahayag ni Craig Keener patungkol sa talinhaga:

Ang talinhaga ay maaaring magpalakas sa mga imahen ng kumbersiyon, pagtitiis at apostasiya sa talinhaga ng manghahasik (13:3-9, 18-23): lalo na sa mga lugar kung saan ang mga disipulo ay nakakahalo sa sanlibutan (13:22), hindi matitiyak ng isang tao kung sino ang halal ng Diyos hanggan sa huling paghuhuko, (A Commentary on the Gospel of Matthew, page 385, dinagdagang diin).

Si Keener, na isang Arminian, ay nagpahayag na ang isang mananampalataya at hindi mananampalataya ay magkapareho ng itsura. Sinuportahan niya ito sa pagreperensiya sa ikatlong binhing nahulog sa mabatong lugar sa Talinhaga ng Manghahasik (13:22). Na ang isang mananampalataya ay maaaring masilo ng sanlibutan at makahalo sa sanlibutan ay sumusuporta sa nosyon ng Free Grace na ang mga mananampalataya ay maaaring kumilos at maging kamukha ng mga hindi mananampalataya.

Subalit tinuturo rin ni Keener na ang kalikasan ng isang tao ay makikita sa kaniyang mga gawa. Sa kaniyang pagtalakay ng Mateo 7, ilang kabanata bago ang Talinhaga ng Sebada at Pansirang Damo, sinabi ni Keener,

Ang mga salita ni Jesus tungkol sa bunga ay patungkol sa mga gawa ng pagsisisi (7:21; 3:8, 10), na umaalala sa mga turong etika ni Jesus sa 5:21-7:12. Ginamit ni Jesus ang salita para sa masasamang bunga na madalas mangahulugang “bulok” ngunit dito ay nangangahulugang “walang halaga.” Marami sa mga sinauna ang kinikilalang, sa kabila ng pagkukunwari, ang masamang kalikasan ng isang tao ay tiyak na lilitaw” (Pahina 252-53, dinagdagang diin).

May salungatan sa pagitan ng komento ni Keener sa Mateo 7 at sa mensahe ng Talinhaga ng Sebada at mga Pansirang Damo. Sa isang banda, ang mga mananampalataya ay makikilala sa kanilang mga gawa, at sa isang banda, ang mga mananampalataya at hindi mananampalataya ay hindi mapaghihiwalay sa buhay na ito.

Ito ay nagreresulta sa ikalawang problema sa posisyun ni Keener. Kung ang isang tao ay titingin sa kaniyang laging nagbabagong mga gawa para sa katiyakan, ang isang tao ay hindi matitiyak ng isang tao, hanggang sa pagdating ng Panginoon, ang kaniyang walang hanggang kaligtasan. Ang pananaw ni Keener ay walang inaalok na katiyakan ng kaligtasan. Ito ay sumasalungat sa malinaw na turo ng ating Tagapagligtas na ang sinumang sumampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan ay taglay ang buhay na ito bilang pangkasalukuyang pag-aaari (Juan 5:24; 6:40, 47) at may tiyak na kasiguruhan ng kaniyang walang hanggang kapalaran (Juan 10:28-29; 1 Juan 5:13; 2 Tim 2:13).

Sa panghuli, ang ikatlong problema sa interpretasyon ni Keener ng talinhaga ay ang pagpapatuloy nito sa nakalulungkot na pagkaunawa patungkol sa pabula ng nag-iisang huling paghuhukom ng lahat ng tao. Ang Biblia ay walang binabanggit na ganiyang iisang pangyayari. Sa kabilang banda, ang Panginoon ay nagbanggit na ang mga nanampalataya sa Kaniya ay “hindi makararating sa paghatol (Juan 5:24).” Ang Talinhaga ng Sebada at ng Pansirang Damo ay malamang na tumutukoy sa pagbabalik ng Panginoon, matapos ang Tribulasyon at hindi patungkol sa banal ng iglesia.

Bilang pagbubuod, si Keener at ang lahat ng tumatanggi sa katiyakan ng kaligtasan ay nahaharap sa talinhagang ito na nalilibot ng mga nakalilitong damong teolohikal.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
yates.skubala

by Kathryn Wright

Kathryn has a master’s degree in Christian Studies from Luther Rice Seminary. Kathryn coordinates our short-term missions trips, including doing some of the teaching herself, teaches women’s conferences and studies, and is a regular contributor to our magazine and blogs. She and her husband Dewey live in Columbia, SC.

Recently Added

December 5, 2025

“Have I Shown You My Iron Cross?” 

I recently heard a story that I’m pretty confident is true. Most of us have seen pictures of the warehouses at Auschwitz. The Nazis collected all the personal effects—shoes, clothes, jewelry, toys, etc.—of those who died...
December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram