Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng ekspresyong spill the tea? O paano kung sabihin ko sa iyong something was a cap? Ang lenggwahe ay laging nagbabago. Bawat henerasyon ay laging gumagawa ng kanilang sariling espesyal na slang at terminolohiya sa mga bagay. Ang tinatawag ng dating henerasyong groovy, ngayon ay tinatawag na cool. Ang dating tinatawag na beau, ngayon ay tinatawag na bae. Maraming halimbawa kung paano ang bawat henerasyon ay gumagamit ng salita na iba sa dati.
Ang parehong prinsipyo ay lapat kung paano tayo nagsasalita sa loob ng iglesia. Samantalang ang mga salitang revival (rebaybal) o surrender (isuko) ay laganap dalawampung taon na ang nakalilipas, ngayon naririnig natin ang mga salitang community (komunidad) at relationships (ugnayan o relasyon). Gaya ng uso-usong damit, ang mga iglesia ay binabago ang kanilang mga salita upang umayon sa kung ano ang nauuso.
Ang salitang relasyon ay naging popular sa mga iglesia ngayon. Partikular na popular ito sa konteksto ng ebanghelismo. Halimbawa, kamakailan sinabihan ako ng isang grupo ng kababaihan an ang manampalataya kay Jesus ay nangangahulugang magkaroon ng kaugnayan o relasyon sa Kaniya. Samakatuwid, ang mga hindi mananampalataya ay tinatawagang magkaroon ng relasyon sa Panginoon upang maligtas.i
Samantalang ako ay pabor sa nakatutuwang pauso, gusto kong magbigay ng babala sa mga gumagamit ng ekspresyong ito. Una, at marahil ang pinakadapat bigyang pansin, ay ang kawalan nitong banggit sa Kasulatan. Ang salitang relasyonii ay hindi matatagpuan saan man sa BT sa karamihang saling Ingles, at ang ekspresyong kaugnayan o relasyon kay Jesus ay hindi kailan man ginamit sa Ebanghelyo ni Juan. Ito ay signipikante sa liwanag ng katotohanang ang Ebanghelyo ni Juan ay sinulat upang sabihan ang mga hindi mananampalataya kung paano sila magtatamo ng buhay na walang hanggan (Juan 20:30-31). Dahil sa ang Ebanghelyo ni Juan ay sinulat upang sabihin sa mga hindi mananampalataya kung paano maligtas, at ang salitang relasyon ay hindi makita sa aklat, ito ay nagsasabi sa ating ang salita ay hindi nesesidad sa ebanghelismo. Gaya ng salitang pagsuko, ang iglesia ay dinala ang terminong ito mula sa bernakular, at kung ganuon ay pagsunod sa uso sa halip na Kasulatan.
Ang iba ay maaaring isiping mapili ako. Halimbawa, ang Biblia ay hindi gumamit ng terminong Trinity, ngunit ang iglesia ay ginagamit ito sa lahat ng oras at ito ay tiyak na konseptong biblikal. Kung ganuon bakit hindi natin dapat gamitin ang salitang relasyon sa pagbabahagi ng ebanghelyo?
Hayaan ninyong magbigay ako ng ilang halimbawa kung bakit ang terminong ito ay nakalilito. Mayroon akong kaibigang walang relasyon sa kaniyang ina. Dahil sa ilang malungkot na pagpipiling ginawa ng kaniyang ina, ang aking kaibigan ay wala nang kontak sa kaniya. Ang halimbawang ito ay maaaring maparami sa iba’t ibang anyo. Ang kabaligtaran- mga magulang na walang relasyon sa kanilang mga alibughang anak- ay laganap. Ang mga lolo’t lola ay madalas na walang ugnayan sa kanilang mga apo. Ang pagkakaibigan ay kilala sa pagdating at pag-alis. Maraming tao ang pumapasok at lumalabas sa mga ugnayang romantiko buong buhay nila. Ang mga magulang ay naghihiwalay at masasabing wala na sila sa isang relasyon kahit pa sila ay may mga anak sa bawat isa. Sa maikling salita, maraming taong hindi nakikita ang relasyon bilang permanente.
Bilang karagdagan, madalas nating binabanggit ang relasyon na may kasamang mabigat na trabaho. Halimbawa, maraming sasang-ayon na ang pag-aasawa ay kumakain ng pagpapagal at oras. Kung sasabihin natin sa isang hindi mananampalataya na kailangan nilang magkaroon ng relasyon kay Jesus upang maligtas, nagbibigay tayo sa kanila ng isang mensahe ng kaligtasan na walang katiyakan at ito ay may kasamang pag-aalaga ng relasyon sa pamamagitan ng mabigat na trabaho sa loob ng mahabang panahon- isa ito sa posibleng interpretasyon ng isang hindi mananampalataya. Sa madaling salita, ang pagsabi sa isang hindi mananampalataya na magkaroon ng relasyon sa Panginoon ay nagpapahina ng maliwanag na mensahe ng buhay na walang hanggan bilang isang libreng regalo na hindi maiwawala (Juan 4:14; 10:28). Ang kaligtasan ay pinapakita bilang isang panghambambuhay na hinihingi sa halip na isang regalong natanggap sa sandali ng pananampalataya. Pareho rin para sa isang mananampalataya. Sa sandaling ang isang tao ay manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, siya ay naging anak Niya. Subalit, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng buhay na walang hanggan ngunit hindi maingatan ang isang nananahang relasyon sa Panginoon.
Kung iniisip mo na ang cap ay ang sombrerong isinusuot sa ulo, baka masorpresa ka na sa maraming tao ito ay nangangahulugang ikaw ay nagsasabi ng kasinungalingan. Kung ikaw ay nag spill the tea, sa ilang tao hindi nila iisiping tinutukoy mo ang Earl Grey, kundi magkukwento ka ng makatas na piraso ng tsismis. Ang mga halimbawang ito ay nagpapakita na ang mga salitang ating ginagamit ay maaaring pilipitin at madaling bigyang bagong kahulugan. Samantalang pinakahuhulugan mo ang relasyon bilang kasinkahulugan ng pananampalataya, o maaaring tinatanaw mo ito bilang isang permanenteng realidad, sa marami maaaring ito ay may kabaligtarang kahulugan.
Paano ninyo mapagtatagumpayan ang mga usong ito? Hinihikayat ko tayong lahat na gamitin ang salitang ginamit ni Jesus. ito ay panghabang panahon at hindi nawawala sa uso. Ginamit Niya ang salitang manampalataya. Sa Ebanghelyo ni Juan, kapag kinakausap ng Panginoon ang mga hindi mananampalataya, hindi Niya kailan man sinabihan silang magkaroon ng kaugnayan sa Kaniya. Ang laging sinasabi ng Panginoon sa mga hindi mananampalataya ay manampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan (Juan 1:12; 3:16; 5:24; 6:40, 47; 11:25-26). Sa katotohanan ang salitang manampalataya ay ginamit nang 100 beses sa Ebanghelyo ni Juan. Kailangan nating magsikap na gayahin ang lenggwahe ng Kasulatan, lalo na ang mga binabanggit ng Panginoon kapag Siya ay nag-eebanghelyo. Samantalang walang makagagawa nitong perpekto, ito dapat nating maging layunin na ibahagi ang malinaw na mensahe ng ebanghelyo. Sa liwanag nito, bitawan natin ang mga slang at gamitin lamang ang salitang manampalataya.
Samantalag ang salitang relasyon ay ginagamit bilang hindi tamang kasinkahulugan para sa manampalataya, ang iglesia ngayon ay ginagamit ito sa ibang paraan. Ito ay humihingi ng tanong, “Mayroon bang mabuting paraan para maihalo ang terminong ito ng iglesia ngayon?” Sisiyasatin ko ang tanong na iyan sa aking susunod na blog.
_____
- Kadalasan, ang relationship evangelism ay ang ideyang tayo ay nagdedebelop ng matibay na relasyon sa mga hindi mananampalataya at matapos ibabahagi natin ang ebanghelyo sa kanila bilang isang kaibigan at hindi bilang estranghero. Ngunit kung sasabihin mo sa mga taong pumasok sa isang relasyon kay Jesus upang maligtas, iyan ay tumpak ding masasabing relationship evangelism ngunit may ibang kahulugan.
- Ang NASB ay may isang gamit sa Mat 19:10: “relationship of the man with his wife.” Ang salitang relatives (kamag-anak) ay ginamit nang tatlong beses sa NKJV at sa karamihang saling Ingles (Lukas 1:61; Gawa 7:3, 14).