Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Paano Ginagamit Ng Kasalanan Ang Kautusan (Roma 7:8)

Paano Ginagamit Ng Kasalanan Ang Kautusan (Roma 7:8)

April 15, 2022 by Shawn Lazar in Ang Tinig ng Biyaya

Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga’y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa’t hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka’t hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, Huwag kang mananakim: Datapuwa’t ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman: sapagka’t kung walang kautusan ang kasalanan ay patay (Roma 7:7-8).

Madiin ang pananalita ni Pablo laban sa kautusan na maaari kang patawarin kung iniisip mo na inaatake niya ito, tinatawag itong makasalanan, at ilalagay ito sa bahagi ng mga kapangyarihan ng kamatayan.

Hindi ito eksaktong tama, ngunit hindi rin ito eksaktong mali.

Alam ni Pablo kung paano tatanggapin ng mga tao ang kaniyang mga pananalita kaya inunahan niya na ang pagtutol: “Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga’y kasalanan? Huwag nawang mangyari!” Hindi, ang kautusan ay hindi makasalanan; subalit inaamin ni Pablo na ginagamit ng kasalanan ang kautusan para samga makasalanang layunin. Nang ibinigay ng Diyos ang kautusan, nakakita ang kautusan ng oportunidad. Ngunit paano?

Hindi mo ba napapansin na ang mga utos ay may kabaligtarang epekto sa mga tao?

“Nakaiinis na ang mga tao ay ginagawa ang kabaligtaran ng sinasabi natin sa kanila,” sulat ni Max Nisen. “Ipaalala mo sa iyong boss na silipin ang iyong ulat, at hindi niya ito papansinin. Papanghinain mo ang loob ng isang kaibigan na tanggapin ang isang trabaho at tatanggapin niya ito. Sabihan mo ang katrabaho na bawasan ang pag-inom, at magbubuhos siya ng isa pang baso. Sabihin mo sa isang bata na huwag hawakan ang mainit na lutuan, at agad-agad hihipuin niya ito” (tingnan ito).

Bigyan mo ng utos ang isang tao, at madalas gagawin niya ang kabaligtaran.

Bakit kaya?

“Ang mapanghamong kapangyarihan ng kautusan ay isang pang-araw-araw na karanasan,” sulatni John Stott. “Mula kina Adan at Eba, ang mga tao ay laging naaakit ng pinagbabawal na bunga” (Stott, Romans, p. 203). Tinatawag ito ni Stott na “contra-suggestibility.” Ang iba ay tinatawag ito na “reverse psychology.” Alam mo bang mayroong tatlong prinsipyo na nagpapaandar ng reverse psychology?

Ang unang prinsipyo ay reactance “Kapag mayroong nagpapahina ng iyong loob na gawin ang isang bagay, madalas pakiramdam mo ang iyong kalayaan ay may pagbabanta, na nagmomotiba sa iyo na bawiin ang kakayahang pumili at control sa pamamagitan ng paggawa ng kabaligtaran,” paliwanag ni Niesen. Ang prinsipyong ito ay nilalarawan ng “Romeo at Juliet” effect: “Mas matindi ang pakikialam ng mga magulang sa romantikong relasyon, mas malakas ang nararamdamang pag-ibig ng magkapareha sa susunod na taon.” (tingnan ito)

Ang ikalawang prinsipyo ay rebound. “Kapag may nagsabi sa iyo na huwag mong isipin ang isang bagay, ang iyong isipin ay may pailalim na paraan na balikan ang kaisipang ito.” Halimbawa, huwag mong isipin ang isang puting oso. Uh oh. May inisip ka pa lang, hindi ba? Mas madalas kong sabihin sa iyo na huwag mong isipin ang osong ito, mas madalas itong pumapasok sa iyong isipan hindi ba? Gaya ng paliwanag ni Nisen, “Kapag sinubukan nating pigilan ang isang isipan, dalawang bagay ang nangyayari. Ang produktibong epekto ay buong kamalayan nating sinisiyasat ang ating mga iniisip na walang kinalaman sa mga putting oso. Ang counter-produktibong epekto ay walang kamalayan nating minomonitor ang ating kaisipan ng mga kabiguan. Sa likod ng ating isipan, hinanahanap natin ang mga mapuputlang mabuhok na mga nilalang at baka ang mgaito ay uring polar” (tingnan dito).

Ang ikatlong prinsipyo ay kuryosidad. “Kapag ang isang gawi ay pinagbawal o pinigilan, hindi mahirap ang maintriga,” sabi ni Niesen. Halimbawa, kapag sinubukan mong ipagbawal ang isang bagay, ang mga tao ay mas nagtataka kung bakit. “Ang mga eksperimento ay nagpapakita, halimbawa, na ang mga tao ay mas malamang na manuod ng marahas na palabas o maglaro ng marahas na mga laro kung may mga label na nag bababala laban sa mga ito. At maraming mga halimbawa ng mga aklat na mas sumikat nang ang mga ito’y ipagbawal” (tingnan ito).

Ganito ba ginagamit ng kasalanan ang kautusan bilang oportunidad upang hikayatin tayo lalo na magkasala?

Inuunahan ka ng kasalanan na ikaw ay magrereak laban sa utos sa pamamagitan ng pagnanasa ng pinagbabawal nito. Alam nito na mas lalo mong sinusubukang huwag isipin ang kasalanan, mas lalong ang iyong isip na bumabalik sa paksang ito. At sa kahuli-hulihan, alam ng kasalanan na ikaw ay nakukuryus tungkol sa kasalanan, anupa’t lalo mo itong ninanasa.

Ito mismo ang sinasabini Pablo, “Datapuwa’t ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman.”

Kung walang kautusan, ayon kay Pablo, “ang kasalanan ay patay.” Sa paanong diwa? Ang suhestiyon ni Cranfield ay “patay” ang kasalanan sa parehong diwa na ang “pananampalataya” ng isang Kristiyano ay patay (cf. San 2:17, 26), i. e. ito “ay hindi aktibo” o “walang kapangyarihan” (Cranfield, Romans, p. 161). Hiwalay sa kautusan, ang kasalanan ay nariyan pa rin, ngunit hindi kasing aktibo ng dati. Ngunit nang dumating ang kautusan, sa isang iglap, ang mga phenomena gaya ng reaktans, rebound o kuryusidad ay nagbibigay sa kasalanan ng malaking kapangyarihan na gumawa ng kasamaan saiyo. “Tanging kapag nahaharap sa kautusan, ang tao ay nagiging lubusang makasalanan” (Nygren, Romans, p. 280).

Ang kautusan ba ay guilty ng pagiging makasalanan? Hinding hindi. Ngunit ito ba ay walang muwang na kasabwat ng kasalanan? Tila ganuon.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Shawn_L

by Shawn Lazar

Shawn Lazar (BTh, McGill; MA, VU Amsterdam) was the Editor of Grace in Focus magazine and Director of Publications for Grace Evangelical Society from May 2012 through June 2022. He and his wife Abby have three children. He has written several books including: Beyond Doubt: How to Be Sure of Your Salvation and Chosen to Serve: Why Divine Election Is to Service, Not to Eternal Life.

Cart

Recently Added

February 2, 2023

Romans–Part 04–The Problem

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Ken Yates and Kathryn Wright continue this short series about Romans. Jumping to Chapter 3, they begin with...
February 2, 2023

Are Believers Today Under the New Covenant? 

A pastor friend whom I’ll call Dave has been studying the New Covenant lately. We’ve had a few excellent conversations about it. I thought I’d...
February 1, 2023

Romans–Part 03–Wrath

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Kathryn Wright and Ken Yates are continuing their discussion of the book of Romans. How is the book...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • Grace in Eclipse: A Study in Eternal Rewards (Second Edition) $15.00 $8.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Hardcover) $13.95 $5.00
  • Confident in Christ, 2nd Edition $22.00 $5.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
  • Grudem Against Grace: A Defense of Free Grace Theology $15.00 $10.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube