Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga’y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa’t hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka’t hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, Huwag kang mananakim: Datapuwa’t ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman: sapagka’t kung walang kautusan ang kasalanan ay patay (Roma 7:7-8).
Madiin ang pananalita ni Pablo laban sa kautusan na maaari kang patawarin kung iniisip mo na inaatake niya ito, tinatawag itong makasalanan, at ilalagay ito sa bahagi ng mga kapangyarihan ng kamatayan.
Hindi ito eksaktong tama, ngunit hindi rin ito eksaktong mali.
Alam ni Pablo kung paano tatanggapin ng mga tao ang kaniyang mga pananalita kaya inunahan niya na ang pagtutol: “Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga’y kasalanan? Huwag nawang mangyari!” Hindi, ang kautusan ay hindi makasalanan; subalit inaamin ni Pablo na ginagamit ng kasalanan ang kautusan para samga makasalanang layunin. Nang ibinigay ng Diyos ang kautusan, nakakita ang kautusan ng oportunidad. Ngunit paano?
Hindi mo ba napapansin na ang mga utos ay may kabaligtarang epekto sa mga tao?
“Nakaiinis na ang mga tao ay ginagawa ang kabaligtaran ng sinasabi natin sa kanila,” sulat ni Max Nisen. “Ipaalala mo sa iyong boss na silipin ang iyong ulat, at hindi niya ito papansinin. Papanghinain mo ang loob ng isang kaibigan na tanggapin ang isang trabaho at tatanggapin niya ito. Sabihan mo ang katrabaho na bawasan ang pag-inom, at magbubuhos siya ng isa pang baso. Sabihin mo sa isang bata na huwag hawakan ang mainit na lutuan, at agad-agad hihipuin niya ito” (tingnan ito).
Bigyan mo ng utos ang isang tao, at madalas gagawin niya ang kabaligtaran.
Bakit kaya?
“Ang mapanghamong kapangyarihan ng kautusan ay isang pang-araw-araw na karanasan,” sulatni John Stott. “Mula kina Adan at Eba, ang mga tao ay laging naaakit ng pinagbabawal na bunga” (Stott, Romans, p. 203). Tinatawag ito ni Stott na “contra-suggestibility.” Ang iba ay tinatawag ito na “reverse psychology.” Alam mo bang mayroong tatlong prinsipyo na nagpapaandar ng reverse psychology?
Ang unang prinsipyo ay reactance “Kapag mayroong nagpapahina ng iyong loob na gawin ang isang bagay, madalas pakiramdam mo ang iyong kalayaan ay may pagbabanta, na nagmomotiba sa iyo na bawiin ang kakayahang pumili at control sa pamamagitan ng paggawa ng kabaligtaran,” paliwanag ni Niesen. Ang prinsipyong ito ay nilalarawan ng “Romeo at Juliet” effect: “Mas matindi ang pakikialam ng mga magulang sa romantikong relasyon, mas malakas ang nararamdamang pag-ibig ng magkapareha sa susunod na taon.” (tingnan ito)
Ang ikalawang prinsipyo ay rebound. “Kapag may nagsabi sa iyo na huwag mong isipin ang isang bagay, ang iyong isipin ay may pailalim na paraan na balikan ang kaisipang ito.” Halimbawa, huwag mong isipin ang isang puting oso. Uh oh. May inisip ka pa lang, hindi ba? Mas madalas kong sabihin sa iyo na huwag mong isipin ang osong ito, mas madalas itong pumapasok sa iyong isipan hindi ba? Gaya ng paliwanag ni Nisen, “Kapag sinubukan nating pigilan ang isang isipan, dalawang bagay ang nangyayari. Ang produktibong epekto ay buong kamalayan nating sinisiyasat ang ating mga iniisip na walang kinalaman sa mga putting oso. Ang counter-produktibong epekto ay walang kamalayan nating minomonitor ang ating kaisipan ng mga kabiguan. Sa likod ng ating isipan, hinanahanap natin ang mga mapuputlang mabuhok na mga nilalang at baka ang mgaito ay uring polar” (tingnan dito).
Ang ikatlong prinsipyo ay kuryosidad. “Kapag ang isang gawi ay pinagbawal o pinigilan, hindi mahirap ang maintriga,” sabi ni Niesen. Halimbawa, kapag sinubukan mong ipagbawal ang isang bagay, ang mga tao ay mas nagtataka kung bakit. “Ang mga eksperimento ay nagpapakita, halimbawa, na ang mga tao ay mas malamang na manuod ng marahas na palabas o maglaro ng marahas na mga laro kung may mga label na nag bababala laban sa mga ito. At maraming mga halimbawa ng mga aklat na mas sumikat nang ang mga ito’y ipagbawal” (tingnan ito).
Ganito ba ginagamit ng kasalanan ang kautusan bilang oportunidad upang hikayatin tayo lalo na magkasala?
Inuunahan ka ng kasalanan na ikaw ay magrereak laban sa utos sa pamamagitan ng pagnanasa ng pinagbabawal nito. Alam nito na mas lalo mong sinusubukang huwag isipin ang kasalanan, mas lalong ang iyong isip na bumabalik sa paksang ito. At sa kahuli-hulihan, alam ng kasalanan na ikaw ay nakukuryus tungkol sa kasalanan, anupa’t lalo mo itong ninanasa.
Ito mismo ang sinasabini Pablo, “Datapuwa’t ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman.”
Kung walang kautusan, ayon kay Pablo, “ang kasalanan ay patay.” Sa paanong diwa? Ang suhestiyon ni Cranfield ay “patay” ang kasalanan sa parehong diwa na ang “pananampalataya” ng isang Kristiyano ay patay (cf. San 2:17, 26), i. e. ito “ay hindi aktibo” o “walang kapangyarihan” (Cranfield, Romans, p. 161). Hiwalay sa kautusan, ang kasalanan ay nariyan pa rin, ngunit hindi kasing aktibo ng dati. Ngunit nang dumating ang kautusan, sa isang iglap, ang mga phenomena gaya ng reaktans, rebound o kuryusidad ay nagbibigay sa kasalanan ng malaking kapangyarihan na gumawa ng kasamaan saiyo. “Tanging kapag nahaharap sa kautusan, ang tao ay nagiging lubusang makasalanan” (Nygren, Romans, p. 280).
Ang kautusan ba ay guilty ng pagiging makasalanan? Hinding hindi. Ngunit ito ba ay walang muwang na kasabwat ng kasalanan? Tila ganuon.