Datapuwa’t kung tayo’y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya; Na nalalaman nating si Cristo na nangabuhay na maguli sa mga patay ay hindi na mamamatay; ang kamataya’y hindi naghahari sa kaniya. Sapagka’t ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay na minsan sa kasalanan: datapuwa’t ang buhay na kaniyang ikinabuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios. Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo’y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni’t mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus (Rom 6:8-11).
Buhay at kamatayan.
Iyan ang kaligtasan sa kaniyang pinakapundamental.
Ang Diyos ay nagbigay sa sangkatauhan ng buhay (Gen 2:7), at tayo’y nagkasala at namatay (Gen 2:17). Ngayong ang sangkatauhan ay nangangailangan ng buhay ulit- buhay na walang hanggan (Juan 3:16).
Oo, namatay si Jesus, at ang mga mananampalataya ay namatay na kalakip Niya. Ngunit si Cristo ba ay nanatiling patay? Hindi. Siya ay binangong muli sa pagkabuhay. Ngunit kung tayo’y nilublob (binautismuhan) kay Kristo, ano ang ibig sabihin ng Kaniyang buhay para sa atin?
Datapuwa’t kung tayo’y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya;
Bakit ka dapat na manampalatayang ikaw ay mabubuhay na kalakip ni Kristo? Dahil sa ikaw ay nilublob na kalakip Niya, kaisa Niya pareho sa Kaniyang pagkalibing at pagkabuhay na maguli (cf. vv 4-5). Alam natin na dinaig ni Kristo ang kamatayan. Hindi na Siya muling mamamatay. Gaya ng sinabi ni Pablo,
Na nalalaman nating si Cristo na nangabuhay na maguli sa mga patay ay hindi na mamamatay; ang kamataya’y hindi naghahari sa kaniya. Sapagka’t ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay na minsan sa kasalanan:
Pumasok si Jesus sa dominyo ng mortalidad, kamatayan at kasalanan, tinalo ang mga kapangyarihan, at bumalik muli sa pagkabuhay-
datapuwa’t ang buhay na kaniyang ikinabuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios.
Ang dahilan kung bakit ikaw ay dapat manampalatayang ikaw ay mabubuhay na muli kalakip ni Kristo, ay dahil, gaya ng pagtataltal ni Pablo, kung ikaw ay nilublob sa Kaniya, ikaw ay kaisa Niya sa kawangisan pareho ng Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli.
Gaya nang sinabi ni Watchman Nee:
Ako ay “binautismuhan sa Kaniyang kamatayan” ngunit hindi ako eksaktong pumasok sa kaparehong paraan sa Kaniyang pagkabuhay na maguli, sapagkat, Purihin ang Panginoon! Ang Kaniyang pagkabuhay na maguli ay pumasok sa akin, na nagbibigay ng bagong buhay. Sa kamatayan ng Panginoon, ang diin ay nag-iisa sa “Ako ay na kay Kristo.” Sa pagkabuhay na maguli, bagama’t ang parehong bagay ay totoo, mayroon na ngayong bagong diin sa “Si Cristo sa akin” (Nee, The Normal Christian Life, p. 95).
Kung ganuon paniwalaan mo rin ito patungkol sa iyong sarili:
Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo’y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni’t mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus
Natutuon tayo nang husto sa kamatayan ni Jesus na minsan ating naiwawaglit ang kahalagahan ng buhay ni Jesus. Gaya nang madalas sabihin ni Major Thomas, “Ang Panginoong Jesu-Kristo, samakatuwid, ay naglilingkod sa iyo sa dalawang bagay- pinagkaisa ka Niya sa Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan, at iniligtas ka Niya sa pamamagitan ng Kaniyang buhay” (Thomas, The Saving Life of Christ, p. 15). Si Jesus ay buhay sa Diyos, kung gayon dapat mo ring ibilang ang iyong sariling buhay din. Ang pananampalataya sa katotohanang iyan ay mahalaga sa pamumuhay nito. Gaya ng binanggit ni Zane Hodges, “Ang unang hakbang sa paglakad sa ‘kabaguhan ng buhay’ ay ang ibilang ito na ganuon nga” (Hodges, Romans, p. 174).
Hindi hinihingi ni Pablo na magkunwari kang ito’y totoo kundi ibilang na ito’y totoo. Ito ay mga bagay ng pananampalataya, hindi ng damdamin. Ngunit sa ilang kadahilanan, mas nahihirapan ang taong panampalatayahang sila ay bumangon kalakip ni Kristo kaysa sa namatay na kalakip Niya.
Ipinahihiwatig ni Pablo na nasusumpungan nating mas madaling panampalatayahang tayo ay namatay na kalakip ni Kristo kaysa manampalatayang tayo’y bumangon kalakip ni Kristo. Bakit ganito? Ito ay dahil tayo’y pinanghihinaan ng loob dahil sa ating pakiramdam ng kahinaan. Hindi tayo lubusang nakatitiyak na tayo’y bumangon kalakip ni Kristo. Ngunit sabi ni Pablo, ang mga ito’y dalawang pisngi ng iisang pangyayari. Kung tayo’y namatay na kalakip ni Kristo, nananampalataya tayong tayo’y mabubuhay na kalakip Niya (Eaton, Living Under Grace, p. 53).
Maaaring hindi mo ramdam na ikaw ay buhay sa Diyos. Maaaring kabaliktaran ang iyong nararamdaman- ikaw ay buhay na buhay sa kasalanan at nasa ilalim ng dominyon nito.
At ikaw ay mali.
Sa halip na panampalatayahan mo ang iyong damdamin, panampalatayahan mo ang sinabi ng Diyos tungkol sa kung sino ikaw kay Kristo. Panghawakan mo ang mga mahahalagang katotohanang ito anuman ang iyong nararamdaman sa sandaling ito.
Namatay Siya, ikaw ay namatay din.
Buhay Siya sa Diyos, ikaw ay gayon din.
Sinabi ito ng Diyos ngunit sinasampalatayahan mo ba ito? Nakikita mo ba ang ginawa Niya para sa iyo?
Ang lihim ng kabanalan ay hindi ang lapitan ito nang diretsahan… hindi ko sinisikap na may bagay na magawa; sa halip mas nais kong Makita ang ginawa Niya para sa akin (Eaton, Living Under Grace, pp. 58-59).