Ang pangkaraniwang buhay-simbahan ay aktibo.
Ang mga Kristiyano ay hindi dapat naghihintay na tahimik at nakaupo lamang. Tayo ay nabubuhay kay Kristo 24/7, naglilingkod sa Kaniya sa lahat ng ating makakaya. Nangangahulugan ito na ang mga simbahan ay dapat aktibong nagmamahal at naglilingkod at gumagawa ng mabuti, kahit sa harapan ng malalaking pagsubok.
Sa anumang gawain, ang mga tao ay madalas na nangangailangan ng pampasigla at pagsasanay upang gawin ang mga bagay na pinagagawa ng Diyos.
Kailangan ng simbahan ang simbahan upang gawin ang gawain ng simbahan. Ngunit kadalasan, ang mga miyembro ay komportableng nakaupo at patuloy lang sa kanilang pang-araw-araw na gawain na maaring nagpapabaya, at maging mapaglimot, sa paggawa ng mabuti.
Sa mga pagkakataong ito, ang mga miyembrong ito ay kailangang udyukang kumilos! Ang Sulat Sa Mga Hebreo ay nagtataglay ng kautusang ito:
Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagkat tapat ang nangako: At tayo’y mangagtinginan upang tayo’y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa; na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa’t isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw (Hebreo 10:23-25).
Kailangan ko ikaw upang udyukan ako sa mabuting gawa at kailangan mo ako upang udyukan ka sa mabuting gawa.
Isa sa mga paraan upang udyukan natin ang bawat isa ay ang pagpapayo sa bawa’t isa “Basta gawin mo! Kaya mo iyan!” Sa totoo lang duda ako kung gaano kaepektibo ang pamamaraang ito. Sa aking karanasan, marami na akong narining na mga sermon, daan-daan na, kung saan ako ay inudyukan na gawin ang mga bagay ngunit hindi ko naman nagawa. Marahil ito ay naturalesa ng isang tao.
Isa pang paraan ng pag-udyok sa mabuting gawa ay ikaw mismo ang manguna at imbitahan mo ang iba na sumali sa iyong gawain. Sa ganitong pamamaraan, ang mga tao ay kasali, nakikita nila nang malapitan ang pangangailangan at nakatutulong sa pamamagitan ng paggawa.
Halimbawa, isang bagay ang sabihan ang iba na manalangin para sa may sakit, at ibang bagay ang ipakita sa kaniya kung paano ito gawin sa pamamagitan ng pag-imbita sa kaniyang bumisita sa ospital. Hindi ba’t ganyan tayo natututo? Sa aktuwal na paggawa? Hind ba’t ganiyan tayo naeengganyo? Sa pamamagitan ng aktuwal na pagkaranas?
Ngunit upang ang mga ito ay maging epektibo, kailangang ang simbahan ay aktibo sa paggawa ng kabutihan.
Huwag ninyong masamain- alam ko karamihan ay aktibo.
Sa nakikita ko sa aking Facebook, ang isang kaibigan ay dinala ang kaniyang dalawang anak na babae upang maglingkod sa mga batang may espesyal na pangangailangan sa Africa. Ang iba ay naghukay ng mga balon sa Africa. Isang local na paaralan ng Biblia ang nagbabalita ng ginawa ng kanilang mga mag-aaral sa Albania. Ang mga ito ay larawan ng aplikasyon ng utos sa “bawat isa” sa Hebreo- mga mananampalatayang inuudyukan ang bawa’t isa na umibig, gumawa ng mabuti at matuto.
Maliwanag na ang mga simbahan ay nagpapakita ng pag-ibig sa buong mundo. Ngunit alam ko ikaw ay sasang-ayon, na marami pang kabutihan ang pwedeng magawa at marami pang pag-ibig na maaaring maibahagi. Ang kaligtasan ay libre ngunit ang pagtulong sa iyong kapwa ay hindi.
Kasama ng sitas na ito sa Hebreo ang utos na magtipon nang sama-sama. Kung gusto nating magudyukan sa pag-ibig at mabuting gawa, bakit hindi ninyo gawing sama-sama?