Q. Isang follow up sa iyong blog sa Kawikaan at mga araw ng kasamaan, sa tingin mo bakit katahimikan ang tugon ng Diyos sa ating mga panalangin? Bakit Niya ginagawa iyon kapag tayo ay nagdurusa at desperadong humahanap ng katugunan?
A. Salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong magbigay linaw. Hindi ako sumasang-ayos sa premis na katahimikan ang tugon ng Diyos sa mga panalanging iyon. Sa halip, nanininiwala ako na lagi Niyang tinutugon ang mga panalanging ito nang malakas at malinaw.
Una, tinutugon ng Diyos ang mga panalanging ito sa pamamagitan ng paghahayag ng Kaniyang mabuting katangian at nakahahangang kapangyarihan.
Bilang isang Kristiyano, hindi ka nananalangin sa isang blankong papel o sa isang “Hindi Nakikilalang Diyos.” Ikaw ay nananalangin sa mapagmahal na Ama ng Panginonng Jesu-Kristo, na lumalang ng sansinukob at lahat ng masusumpungan dito. Ikaw ay nananalangin sa Diyos na umiibig sa iyo at sinugo si Jesus na mamatay sa krus para sa iyo upang ikaw ay manahang kasama Niya magpakailanman. Sa madaling salita, ang Kasulatan ay naghahayag ng kabutihan at kagandahang-loob ng Diyos. “Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka’t siya’y mabuti: sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. (Mga Awit 107:1). Nakikilala mo ba na ang mga katotohanang ito tungkol sa Diyos ang katugunan sa iyong mga panalangin? Ikaw ay nagtatanong, “Bakit nangyayari ang mga ito?” At sa paghahayag ng Kaniyang kabutihan, ang Diyos ay tumutugon, “Magtiwala ka sa Akin.”
Pangalawa, tinutugon ng Diyos ang iyong mga panalangin sa pagbibigay sa iyo ng mga prinsipyo habang ikaw ay dumadaan sa mga pagsubok. Kasama na rito ang pangkalahatang dahilan ng iyong pagdurusa: Ayon kay Santiago, “Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo’y mangahulog sa sarisaring tukso;” hindi dahil sa ang Diyos ay nagbibigay saiyo ng mga detalye kundi, “yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.” Kabilang din dito ang mga prinsipyo kung paano panghawakan ang mga pagsubok ng ito (“Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni’t magmaliksi ang bawa’t tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit;” Santiago 1:19). Naniniwala ako na ang mga aklat ng Kawikaan at Santiago ay nakatutulong nang husto sa mga panahong ito. Gayon din ang pagbabasa ng buhay ni David sa ilalim ni Saul at ni Pablo sa kaniyang masalimuot na ministeryo sa Mga Gawa.
Kumpletong katahimikan nga ba ang tugon ng Diyos sa iyong mga panalangin?
Hindi ganuon.
Oo, maaaring tahimik ang Diyos sa pagbibigay sa iyo ng detalye sa iyong pagdurusa. Ngunit huwag nating kalilimutan na pinahayag ng Diyoa sa Kasulatan ang Kaniyang kagandahang-loob at ang mga prinsipyo sa pagtitiis sa mga pagsubok. Maaaring ang mga ito ay hindi ang mga tugon na iyong nais marinig, ngunit ang mga ito ang iyong lubos na kailangan.