Ang Juan 3:16 ay isa sa pinakaminamahal na sitas ng Biblia at may magandang dahilan- ito ay ang ebanghelyo sa isang maikling salita.
Hindi mo kailangang maintindihan nang buo upang paniwalaan ang sitas na ito at maipanganak na muli. Maaaring manampalataya sa pangako sa napakabeysikong paraan nang hindi nauunawaan nang malalim kung ano ang ibig sabihin nito. Ngunit bago natin basta-bastahin ang Juan 3:16, marahil magandang alalahanin natin na ang sitas na ito ay makapal (puno) nang kahulugan:
Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan,
Sapagkat …ng Diyos- (samakatuwid, ang nag-iisang Diyos ng Israel, ang Maylalang ng langit at lupa, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob, na nangako na magpapadala ng Mesiyas, ang Banal na Trinidad)
Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta … sa sanglibutan – (nagpapakita ng perpektong kabutihan ng pag-ibig ng Diyos, at nagpapakita ng Kaniyang plano ng katubusan para sa nahulog na sanlibutan)
na ibinigay niya – (sa pamamagitan ng pagsugo sa Anak ng Diyos na maging laman, na dumating sa layuning mamatay sa krus bilang Kordero ng Diyos)
ang kaniyang bugtong na Anak, – (nagpapahayag sa isahan ang kapanganakan ng isang birhen, ang pagkabuhay na mag-uli mula sa mga patay, ang paghahari sa trono ni David, at ang walang hanggang pagiging Anak ni Jesu-Kristo sa loob ng Trinidad)
upang ang sinomang – (nagpapakita ng malayang kalooban ng tao, at ang pandaigdigang layon ng kanyang katubusan, at pag-aalok ng kaligtasan)
sa kaniya’y – (kay Kristo, lalo na sa Kaniyang alok ng kaligtasan)
sumampalataya – (dapat maunawaan na ito ay isang akto ng pagkakumbinse sa katotohanan nito, at nagpapakita ng kakayahan ng mga hindi pa ligtas na manampalataya)
ay huwag mapahamak, -(garantiya ng walang hanggang kasiguruhan sa mga mananampalataya habang nagbababala ng walang hanggang paghihirap sa Dagatdagatang Apoy sa mga hindi mananampalataya)
kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. – (nagpapakita ng kapanganakan na mag-uli ng mga mananampalataya, ang kaniyang pagkabuhay na mag-uli mula sa mga patay sa hinaharap, at ang imortalidad sa Kaharian ng Mesiyas at sa panahong darating).
Sa tingin ko kahit na ang isang bata ay mauunawaan ang beysiko ng Juan 3:16, samanatalang ang isang teologo ay mahihirapang masisid ang kalaliman nito. At sila’y parehong maaaring manampalataya at magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sa nakalipas, kailangan nating maging mapagmatyag laban sa mga taong naghahanap ng mas malalim na pag-unawa upang maipanganak na muli. Nitong mga huli, kailangan naman naming magdepensa laban sa mga nagbabawal naman nang mas malalim na pag-unawa upang maipanganak na muli, na tila baga ang pananampalataya ng maraming katotohanan kay Jesus, o ang pag-iisip na kailangan mong manampalataya ng mas maraming katotohanan kay Jesus, AY nangangahulugang ikaw ay hindi nananampalataya kay Jesus (Alam ko, alam ko, ito ay isang napakakumplikadong pangungusap!).
Ang kapangyarihang magligtas ay hindi nakasalalay sa “kakapalan” o sa “kanipisan” ng iyong pagkaunawa, kundi sa katapatan ni Jesus at sa Kaniyang otoridad na tuparin ang Kaniyang pangako sa taong nanampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan. Kung ikaw ay nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, taglay mo ito. Period!