Gusto ko kapag ako ay inaakusahang nagbibigay lisensiya sa mga tao na magkasala.
Totoo, iyan ay isang seryosong hindi pagkaunawa ng aking posisyon. Subalit, ito ay isang hindi pagkaunawa na lumilitaw kapag naunawaan ng isang tao ang aking sinasabi sa kalibrehan ng walang hanggang buhay.
Hindi nila nagagawa ang ganitong pagkakamali sa ibang relihiyon!
Ang ibang mga relihiyon sa mundo, at karamihan ng mga denominasyon sa Sangkristiyanuhan, ay nagsasabi sa mga tao na ang kaligtasan ay nakadepende sa paggawa ng mabubuting gawa, pagiging tapat at totoo, at sa pagsisikap nang husto na magsisi sa iyong mga kasalanan.
Kaya kapag narinig ng mga tao ang katotohanan ng kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya- at walang gimik!- sila ay nagigitla. Natural sila ay tumututol! (Walang tumututol sa kaligtasan sa gawa dahil iyan ang ating likas na posisyon.) Kaya isang mahusay na tanda kapag ang mga tao ay tumututol na ang biyaya ay magreresulta sa kasalanan. Ibig sabihin may tinatamaan ka. Gaya ng paliwanag ni Michael Eaton:
Kapag pinangaral mo ang ebanghelyo nang maayos, malamang ikaw ay hindi mauunawaan. Malamang may magsasabi, “Masyado mong pinapangaral ang biyaya. Nangangaral ka na tayo ay magkasala.” Sana hindi ninyo sinasabi iyan, ngunit ang tunay na ebanghelyo ng kahangahangang biyaya ng Diyos ay madalas na hindi nauunawaan. Hindi nila naunawaan si Pablo, hindi nila naunawaan si Jesus. Hindi ka rin ba nila nauunawaan? Kung wala silang problema saiyo, pinapangaral mo ba ang ebanghelyo ni Jesus? Kung ipinapangaral mo ang ipinangaral ni Jesus at ni Pablo, ikaw ay hindi rin nila mauunawaan sa parehong paraan (Michael Eaton, Living Under Grace, p. 17).
Ang mga nanghahawak sa Free Grace ay madalas hindi nauunawaan. Ang mga Lordship Salvationists, hindi masyado.
Ano ba ang iyong karanasan? Kapag ibinabahagi mo ang iyong pananampalataya sa iyong kapamilya, mga kaibigan, at mga katrabaho, hindi ka rin ba nila nauunawaan? Kung hindi, bakit?
Ang aking katanungan ay: mayroon ka bang napakataas na doktrina ng kahangahanga, kagilagilalas, nananaig na biyaya ng Diyos anupa’t ang mga tao ay tumatalon sa (maling) pag-aakala na ikaw ay kumukunsinti ng kasalanan? (Eaton, Living Under Grace, p. 17)
Kung sila ay hindi sila tumatalon sa maling pag-aakala, itaas mo ang bar.