Noong Digmaang Vietnam, isang Petty Officer ng Navy na si Doug Hegdahl ay aksidenteng nahulog mula sa kaniyang barko noong Abril 6, 1967 at nabihag ng mga North Vietnamese. Siya ay naging bihag ng digmaan (prisoner of war- POW) sa Hanoi Hilton, isang bilangguang Vietnamese na bantog sa brutal at mahirap na kundisyon. Ang kaniyang kakatuwang kwento ng pagkahulog mula sa barko ay hindi mapaniwalaan sa simula ng mga Vietnamese. Subalit, binili ni Hegdahl ang kwento at nagkunwaring walang pag-unawa. Nagkunwari siyang walang pinag-aralan, at iyan- na sinamahan ng batang edad at payat na pangangatawan- ay nakakumbinse sa mga Vietnamese na ang petty officer ay may mababang intelihensiya at hindi banta. Tinawag nila siyang “isang lubhang napakamangmang.” Dahit si Hegdahl ay isa lamang petty officer at tinuturing na mahina ang kukote, binigyan siya ng mga Vietnamese ng higit na kalayaan kaysa ibang bilanggo, pinayagan siyang maggagagala at maglinis kapag sila ay natutulog. Dahil sa kaniyang pag-aktong hangal, nagawa niyang lagyan ng mga bato at dumi ang mga sasakyan ng mga Vietnamese, at nagawang sirain ang marami sa mga ito sa kaniyang pananatili.
Sa isang pagkakataon, si Hegdahl ay nakasama sa silid si Lieutenant Commander Richard Stratton, at ang dalawa ay naging malapit na magkaibigan. Sa isang kumbersasyon sa pagitan ng dalawa, ang commanding officer ay may binigay na pahayag na nakaimpluwensiya sa petty officer. Nagtanong si Stratton:
“Ano ang iyong gagawin kapag nawala ang iyong armas? Ikaw ay magiging isang chaplain o intelligent officer.”
Ang payong ito ay isinapuso ng petty officer. Matapos nang pananatili ni Hegdahl sa bilangguan nang mahigit dalawang taon, pinalaya siya ng mga North Vietnamese bilang bahagi ng estratehiyang propaganda. Dahil si Hegdahl ay may mababang ranggo at tinuturing na lubhang mangmang, sa paningin ng Vietnamese, ito ay isang magandang palitan. Ang hindi alam ng mga Vietnamese ay pinalaya nila ang isang lumalakad na direktoriya ng mga POWs na nasa kanilang kustodiya. Sa tulong ng kaniyang mga kapwa opisyal at sa payo ni Stratton, sa kaniyang pananatili sa bilangguan, nagawa niyang isaulo ang pangalan at personal na impormasyon- kabilang ang social security numbers at pangalan ng mga miyembro ng pamilya- ng mahigit 250 miyembro ng kaniyang kapwa sundalo. Ginawa niya ito sa tono ng kantang pambata, “Ol’ MacDonald Had a Farm.” Taon kalaunan, kaya niya pa ring ulitin ang mga impormasyon sa nakakatawang tono. Dahil siya ay walang armas, ginamit ng batang petty officer kung ano ang mayroon siya at naging mahusay na intelligence officer.
Dahil sa kaniyang pagpapagal, naipasa niya ang taong halaga ng mga impormasyon sa US. Ang mga pamilyang nabuhay nang walang balita sa kanilang mga minamahal ay nalaman sa wakas na sila ay buhay pa. Gamit ang impormasyon ni Hegdahl, ang US ay napilit ang mga Vietnamese na bigyan ng mas maiging kundisyon ng pamumuhay ang mga POW at sa huli, ang mag-organisa ng ligtas na pagbabalik ng 256 POW sa katapusan ng kaguluhan.
Si Hegdahl ay larawan ng isang makapangyarihang prinsipyong Biblikal: Kahit sino ay maaaring maging kapaki-pakinabang, anuman ang kanilang sirkumstansiya. Ang GES ay madalas makarinig sa kanilang mga kaibigan kung paanong sa kanilang pakiramdam sila ay limitado. Isa sa mga malaking pakikibaka ng ating mga kapatid na lalaki at babae kay Cristo ay walang simbahang Free Grace sa kanilang lugar. Marahil ang kanilang kalusugan ay pumipigil sa kanilang dumalo sa simbahan o maglingkod sa mas pisikal na paraan. Ang pakiramdam ng kakulangan, limitadong pagkukunan, o kawalan ng oras ay nagbibigay sa mga mananampalataya ng pakiramdam ng kawalang kapangyarihan. May mga pastor at diakono na nakataas ng ranggo sa kanila, o marahil dahil sa ilang pangyayari sa nakaraan, sila ay nakararamdam ng kahihiyan at kawalang saysay. Nakikita nila ang digmaang esprituwal na nilalabanan ng iba ngunit pakiramdam nila sila ay mga bilanggo ng esprituwal na digmaan (prisoners of spiritual warfare POSW) dahil sa mga sirkumstansiyang hindi nila kontrolado. Paano tayo tutugon?
Ang mga salita ni Stratton kay Hegdahl ay totoo pa rin. Maaaring wala kang baril, ngunit maaari ka pa ring maglingkod bilang isang chaplain o isang intelligence officer. Ang mga salita ng isa pang POW ay pumasok sa isipan:
21 Sapagka’t sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang. 22 Nguni’t kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad, ito’y magiging mabungang pagpapagal. Fil 1:21-22a
Sinulat ang mga salita habang nasa bilangguan, alam ng apostol Pablong kahit sa tanikala siya ay makakaani sa kaniyang pagpapagal. Alam niyang mayroong gantimpalang masusumpungan sa isang tapat at nagdurusang sundalo ng Panginoon (2 Tim 2:3-4). Gaya ni Hegdahl, hindi niya hinayaan ang kaniyang sirkumstansiyang humadlang sa kaniya upang humanap ng mga oportunidad upang maglingkod, sa pagsaksi man sa mga sundalo (Fil 1:13) o sa pagsulat sa mga simbahan. Nauunawaan ng apostol na ang kaniyang mga sirukumstansiya ay hindi makahahadlang sa kaniyang maglingkod sa Panginoon. Ang realidad ay lahat tayo ay may mga limitasyon, ngunit walang makakapilay sa atin maliban sa kaisipan ng isang talunan (Mat 25:24-29). Ngunit kung manghihiram tayo ng pahina sa aklat ni Hegdahl, ang halaga ng mentalidad ng paglilingkod ay maliwanag. Sa kabila ng pagiging bilanggo, ng mababang ranggo at ng kaniyang nakakahiyang pagkahulog sa karagatan, tumingin siya sa paligid at naghanap ng paraan upang maglingkod, sa kabila ng kaniyang mga limitasyon. Wala siyang baril, ngunit mayroon siyang memorya at higit sa lahat, gusto niyang tulungan ang kaniyang mga kapwa sundalo. Kung ang isang nagsosolo-solong POW ay marami ang nagawa sa “Ol’ MacDonald Had a Farm,” gaano pa kaya karami ang magagawa ng Panginoon sa isang handang Cristianong sundalo.

