Noong 1875, isang magandang dalagang nagngangalang Blanche Monnier mula sa Francia ang nakatakdang ikasal. Nagmula siya sa isang mayamang pamilya ngunit ang kaniyang aasawahing nobyo ay hindi. Tutol ang kaniyang ina sa lalaking pinili niya upang maging asawa.
Sa isang iglap, siya ay nawala. Hindi alam ng kaniyang nobyo kung ano ang nangyari sa kaniya, at mabilis na nadetermina na siya ay walang kinalaman sa kaniyang pagkawala. Lumipas ang mga taon na walang palatandaan sa kaniya. Aabutin ng 25 taon bago nalaman kung ano ang nangyari.
Noong 1901, ang mga pulis sa Poitiers ay binigyang-kaalaman na isang babae ang bihag sa atik ng bahay ng mayamang pamilya ng mga Monnier. Natagpuan ng mga pulis si Blanche sa isang saradong pintuan doon. Ang mga binatana ay nakapako at walang liwanag na pumapasok. Naroon siya sa loob ng mga taong pagkawala, bilanggo ng kaniyang ina. Mga tiratirang pagkaing tinatapon sa silid ang tanging bumubuhay sa kaniya.
Hindi tayo nasorpresa ng paglalarawan ng nakita ng mga pulis. Marumi si Blanche at kalansay lamang ng dati niyang sarili. Sa katotohanan hindi nila agad nakilala kung sino siya. Hindi niya kamukha ang magandang socialite at debutante na kilala ng lunsod 25 taon na ang nakalipas.
Dahil wala siyang liwanag at pakikisama sa ibang mga tao, matindi ang naging konsekwensiya nito sa dalaga. Bukod sa dumi ng kaniyang katawan, mahina rin ang pisikal niyang katawan. Wala siyang anumang uri ng ehersisyo sa loob ng dalawang dekada. Ang timbang niya ay hindi aabot ng 60 pounds. Ang kaniyang isipan ay nabago at hindi na mababalik sa dati. Nakasasalita lamang siya ng ilang salita nang kausapin ng mga pulis.
Ito ay isang kahilahilakbot na kwento. Lahat ng nakabasa ng kwento ni Blanche ay magtataka sa antas ng kasamaang kinahulugan ng kaniyang ina upang magawa ito sa sariling anak. Hindi ito maipapaliwanag. Biktima si Blanche ng mga pangyayaring labas sa kaniyang kontrol. Noong 1875 ang magandang dalagang ito ay walang ideya kung ano ang dadalhin sa kaniya ng buhay habang naghahanda siya sa kaniyang kasal at sa buhay kasama ang bagong asawa. Ang larawan niya bago pumasok sa madilim na silid na iyan noong 1875 at ang larawan niya noong 1901 ay napakasalungat anupa’t ang lahat ng nakakita ay nagsasabing sila ay magkaibang tao.
Hindi karapatdapat si Blanche na mangyari ang ganito sa kaniya. Tiyak, walang sinuman ang gagawa nito sa kaniyang sarili. Ngunit ang Biblia ay nagbabanggit sa atin na sa isang diwa, may mga taong boluntaryong kinukulong ang mga sarili sa isang madilim na silid. Kung sila ay mananatili sa silid na iyan, ang mga konsekwensiya ay kasing dramatiko ng mga pagbabagong nangyari kay Blanche.
Ang binabanggitko ay mga espirituwal na bagay at isang espirituwal na madilim na silid. Ang Biblia ay nagtuturo sa atin na ang Salita ng Diyos ay liwanag (Awit 119:105; 1 Juan 1:7). Bilang mga mananampalataya dapat nating samantalahin ang liwanag na ito habang ating binabasa at pinagninilayan ang Salitang iyan.
Ngunit kailangan din natin ang pakikisama sa ibang mananampalataya. Tayo ay nilagay sa katawan ni Cristo at kailangan natin ang bawat isa (1 Co 12;12-20). Anong mangyayari sa ating espirituwal na kalusugan kung tayo ay aalisan ng mga bagay na ito? Kung tayo ay magkukulong sa metaporikal na silid, kung saan tayo ay hihinto sa pagbabasa at pagninilay ng Salita ng Diyos? Ano ang mangyayari sa ating espirituwal na kalusugan kung titigil tayo sa pagsamba kasama ng ibang mananampalataya? Hindi ba’t ito ay kagaya ng pagkukulong ng ating mga sarili sa isang silid kung saan walang liwanag at pakikisalamuha sa iba?
Sa tingin ko binigyan tayo ng Panginoon ng isang parabula na nagtuturo sa atin ng mga katotohanang ito. Gumagamit Siya ng mga tunay na bagay sa buhay upang ilarawan ang espirituwal na kadilimang ito. Sa Parabula ng Alibughang Anak, ang anak ay lumayo sa pakikisama sa kaniyang ama. Nasumpungan niya ang kaniyang sarili sa isang malayong lupain, kumakain sa mga tiratirang pagkaing itinapon sa kaniya upang ipakain sa mga baboy (Lukas 15:11-20).
Naiisip mo ba kung ano ang kaniyang itsura kung nagpatuloy siya nang ganiyang ng ilang taon. Siya ay manghihina, marumi at maaapektuhan ang kaniyang isipan. Bagama’t ito ay totoo sa pisikal na katawan, ito ay totoo rin sa kaniyang relasyon sa kaniyang ama. Sa kabutihang palad, iniwan niya ang putik at ang kakulangan ng babuyan at bumalik sa kaniyang ama.
Ang kwento ni Blanche ay nakakabasag-puso. Ang nangyari sa kaniyang pisikal na kalagayan ay larawan ng ginagawa ng maraming mananampalataya sa kanilang mga sarili. Kapag ang mga mananampalataya ay tumigil sa pag-aaal ng Salita ng Diyos at pakikitipon sa ibang mananampalataya sa edipikasiyon, ito ay tila boluntaryong pag-akyat sa espirituwal na madilim na atik at sinarado ang pintuan. Ang resulta ya nakasasama sa kanilang relasyon sa Panginoon. Sa kabutihang palad, hindi gaya kay Blanche, kundi kagaya sa alibughang anak, kung masumpungan natin ang ating mga sarili sa lugar na iyan, maaari nating buksan ang pintuan at lumabas.