Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Ginawa Ni Jesus Ang Hindi Kayang Gawin Ng Kautusan (Roma 8:3)

Ginawa Ni Jesus Ang Hindi Kayang Gawin Ng Kautusan (Roma 8:3)

June 3, 2022 by Shawn Lazar in Ang Tinig ng Biyaya

Hindi maganda ang kalagayan ng lipunan. Isang konserbatibong kaibigan ang nagrekomenda sa akin ng The Rule of Saint Benedict upang iligtas ang Kabihasnang Kanluranin mula sa pagwasak ng kaniyang sarili. “Ang lipunan ay naghihintay para isang bagong San Benedikto na tutulong sa ating matawid ang kaguluhang ito.” Sa tingin ko isasagot ni Pablo na ang mga kautusan ay hindi makapagliligtas ng sinuman. Kailangan natin si Jesus.

Sa Roma 8:2 sinabi ni Pablo na ang Kristiyano ay pinalaya na sa pinaghaharian ng kautusan upang manirahan sa pinaghaharian ng Espiritu. Paano ito nangyari?

Paliwanag ni Pablo:

Sapagkat ang hindi magawa ng kautusan, yamang ito ay pinahina ng laman, ay ginawa ng Diyos sa pagsugo sa kanyang sariling Anak sa anyo ng makasalanang laman, at tungkol sa kasalanan (Roma 8:3ab).

“Sapagkat ang hindi magawa ng kautusan.” Ano ang hindi magawa ng kautusan? Hindi ka maililigtas nito. Gaya ng sabi ni Eaton,

Ang Kautusan ni Moises ay hindi ka maihahayag na matuwid, hindi ka maidedeklarang matuwid sa harap ng Diyos. Hindi ka nito maipapanganak na muli, ibig sabihin, mabigyan ka ng anumang uri ng espiritwal na buhay. Hindi ka nito mapapabanal. Sa katotohanan, ginigising nito ang kasalanan sa sinumang hindi mananamapalataya at ginagawa ang kaniyang kundisyon na mas masahol pa kaysa dati. Ang kautusan ay hindi makapagbibigay ng katiyakan ng kaligtasan, hindi ka mapapalaya mula sa mga pag-aalinlangan. Hindi ka nito mabibigyan ng pakikisama sa Diyos at sa halip ay naglalagay ng hadlang sa pagitan natin at ng Diyos (Eaton, Everlasting Assurance, p. 10)

Kung ituturing ang lahat ng binanggit na ni Pablo tungkol sa interaksiyon ng kautusan at ng laman, ang tawagin ang kautusan na “mahina” ay isang pagmamaliit. Ang kautusan ay “walang kapangyarihan, impotent” (Jewett, Romans, p. 482), hindi dahil sa mayroong likas na masama rito, ngunit dahil sa kahinaan ng laman. Gaya ng inamin ni Pablo, walang anumang mabuti sa kaniyang laman (Roma 7:18) ngunit mayroong tunay na masama na naninirahan dito, i. e., ang kasalanan (Roma 7:20, 23). At ang kautusan ay walang kapangyarihang pigilan ang kasalanan at gawin tayong banal. Bakit? Dahil ang kasalanan, na naninirahan sa ating mga laman, ay binabaluktot ang mga utos ng Diyos kaya sa halip na pigilan ang kasalanan, ang kautusan ay humihimok sa kasalanan na lumikha ng kamatayan (cf. Roma 7:10-11, 13). Sa mukha ng kasalanan, ang kautusan ay walang kapangyarihan.

May dapat na gawin tungkol dito.

Kung kaya kung ano ang hindi kayang gawin ng kautusan, ginawa ng Diyos.

Sinugo ng Diyos si Jesus, ang “Kaniyang Sariling Anak,” upang gawin ang hindi magawa ng kautusan. Sa pamamagitan ni Jesus, sinimulan ng Diyos ang isang ganap na kakaibang pamamaraan ng pakikitungo sa sanlibutan, isang pakikitungong nasa labas ng kautusan. “Kung kaya ang Diyos ay nakikitungo sa sangkatauhan, hindi na sa pamamagitan ng kautusan kundi sa pamamagitan ng Kaniyang Sariling Anak” (Nygren, Romans, p. 313).

Sinabi ni Pablo na ang Anak ng Diyos ay dumating “sa anyo ng makasalanang laman,” na tumutukoy sa inkarnasyon. Ngunit ano ba ang ibig sabihin ni Pablo ng sinulat niyang “sa anyo ng makasalanang laman?” Ang lengguwaheng iyan ay nagpapahiwatig ng “isang pagkakapareho ngunit pagkakaiba” (Jewett, Romans, p. 484), o “isang pagkakakilanlan na hindi ganap na pagkakakilanlan” (Fitzmyer, Romans, p. 485).

Marahil ang ibig sabihin ni Pablo ay bagama’t si Jesus ay tunay na tao, at ipinanganak sa isang mortal at nahulog na katawang nakararanas ng gutom, panunukso, at kamatayan, hindi Siya nagkasala. Siya ay “tumayo sa kaparehong kundisyong kinatatayuan natin” (Nygren, Romans, p. 314), ngunit walang moral na pagkakasala sapagkat ganap na sinunod ni Jesus ang Diyos. Gaya ng sabi ni Fitzmyer, “Ang paggamit ni Pablo ng pariralang sarx hamartias ay tumutukoy hindi sa guilting kundisyon ng sangkatauhan, kundi sa pagkahilig ng sangkatauhang binubuo ng laman na nakaoryent sa kasalanan” (Fitzmyer, Romans, p. 485). Naranasan ni Jesus ang paghilig ng laman tungo sa kasalanan kung kaya’t siya ay maaaring matukso na gaya natin, ngunit kailan man hindi Siya lumampas sa linyang ito. Gaya ng sabi ni Eaton, “Ang lahat ng kahinaang dumating sa sangkatauhan ay nasumpungan kay Jesus. Ngunit ang pagiging makasalanan ay hindi nasumpungan kay Jesus” (Eaton, Everlasting Assurance, pp. 11-12). Samakatuwid si Jesus ay hindi dumating sa makasalanang laman kundi sa anyo ng makasalanang laman. Iyan ang pagkakaiba (cf. 2 Cor 5:21).

At ito ay isang krusyal na pagkakaiba!

Si Jesus ay sinugo “tungkol sa kasalanan.” Pansin ni Stott na ang pariralang kai peri hamartias ay ang karaniwang salin ng Septuagint sa “handog sa kasalanan” sa Levitico at Bilang (Stott, Romans, p. 220). Binigyang pansin niya pa na ang handog sa kasalanan ay para sa mga kasalanang hindi sinasadya, na “eksaktong kalikasan ng kasalanan sa Roma 7 (‘Ginagawa ko ang ayaw kong gawin’)” (Stott, Romans, p. 220). Ito ba ang pinatutungkulan ni Pablo? Kung oo, hindi nakapagtatakang walang kasalanan si Jesus. Dahil kung meron, hindi siya kwalipikado na maging handog para sa kasalanan.

Ang ilang komentarista ay nagsasabing ang pakahulugan ni Pablo ay dumating si Jesus patungkol sa kasalanan sa pangkalahatang diwa ng pagdating upang “harapin ang kasalanan, o gapiin ang kasalanan, o alisin ito, o magbayad ng kasalanan.” Ang sangnilalang ay may problema ng kasalanan na hindi kayang ayusin ng kautusan. Kaya dumating si Jesus bilang isa sa atin, upang gapiin ang kasalanan, at iligtas tayo. Gaya ng sinulat ni Fitzmyer: “Dahil siya ay napasakop sa mga kapangyarihang laban sa buhay tao, nagawa niyang gapiin ang mga ito” (Fitzmyer, Romans, pp. 485-86).

Ginawa ni Jesus ang hindi magawa ng kautusan- ng anumang uri ng kautusan.

Ang mga alituntunin ay hindi pamalit para sa Manunubos.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Shawn_L

by Shawn Lazar

Shawn Lazar (BTh, McGill; MA, VU Amsterdam) was the Editor of Grace in Focus magazine and Director of Publications for Grace Evangelical Society from May 2012 through June 2022. He and his wife Abby have three children. He has written several books including: Beyond Doubt: How to Be Sure of Your Salvation and Chosen to Serve: Why Divine Election Is to Service, Not to Eternal Life.

Cart

Recently Added

January 27, 2023

Who Are the Elect in 1 Peter 1:1-2 and in Romans 8:28-30? Are We to Understand the “Elect” in 1 Peter the Same as the “Predestined” in Romans 8?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin and Ken Yates take up a question about election and predestination. What does the Bible say...
January 27, 2023

A Novel Argument Against Inerrancy 

Kathryn Wright shared with me an interesting argument against inerrancy: I heard something today and thought it might make a good blog topic for you....
January 26, 2023

Will There Be Poor People in Heaven?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Ken Yates and Bob Wilkin answer an interesting question about our status in Heaven or the quality of...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • Confident in Christ, 2nd Edition $22.00 $5.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Hardcover) $13.95 $5.00
  • The Journey of Faith $15.00 $9.00
  • Inerrancy for Dummies $7.95 $5.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube